(39) Nakasabay Kita

49 5 0
                                    

Nakasabay kita sa daan kanina
Pucha.
Walang pansinan ah.
Niloloko nanaman tayo ni Tadhana

Nang lumingon ka,
Kita ang gulat saiyong mata
Yung gulat, napaltan ng inis
At di nagtagal, nagkaroon na ng galit

Parehas pa tayo ng kulay ng damit
Si Tadhana talaga, napakalupit
Hindi ko inaasahan na makakasabay ka
Lumamig tuloy ang aking mga paa

Bumilis bigla ang iyong lakad
Ang bilis mo tuloy umusad
Halatang iniiwasan ako
Ayaw mo talaga sa isang tulad ko

Hanggang sa naghiwalay ang ating landas
Lumiko ka bigla sa kabilang daan
Naiwan ako, naguluhan
Pagka't hanggang ngayo'y walang kibuan.

Dun na nga ba magtatapos ang ating pagsasama?
Na kung saan dati tayong dalawa pa ay masaya
Kahit hindi naging tayo noon,
Kasi nga pinagkaitan tayo ng Tadhana at Panahon.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon