(62) Una

32 2 2
                                    

Unang relasyon, unang sakit
Unang tamis, unang pait
Nagmukha akong tanga sa kakaisip
Na masaya ka pa sa akin
Ngunit ako pala ay nagkamali
May iba ka na pala.

Dapat ako ay sinabihan mo
Tamang tama ang titulong "manloloko" para sayo

Sinaktan mo lang ako
Minahal kita ng todo
Pero bakit naging ganito?
Itinago pa sa akin ang totoo
Akala mo naman, maitatago mo?
Hindi ako gago, tandaan mo.

Hindi ka pa ba nakuntento sa isa?
Ang galing ha. Idol na kita.
Paturo nga ako.
Ay shet, wag na pala.
Hindi naman ako tanga para humanap ng iba
Dahil alam ko sa sarili ko, na may kasintahan ako.
Pero oo nga naman, iba ako sayo.

100 Tula Para Kay Jحيث تعيش القصص. اكتشف الآن