(6) Kaibigan

230 7 2
                                    

Kaibigan, kumusta ka na?
Ako ba'y naalala mo pa?
Ako ito.
Yung taong may lihim na pagtingin sa iyo

Kaibigan, alam mo ba?
Na dalawang taon na.
Dalawang taon na tayong hindi nagpapansinan
Dalawang taon na tayong hindi nagkikibuan

Kaibigan, sana naalala mo pa.
Yung mga pinagsamahan
Yung mga alala
Na binuo nating dalawang magkasama

Kaibigan, asan ka na ba?
Alam mo bang andito pa rin ako?
Umaasa hanggang ngayon sa iyo
Umaasang babalik ka pa sa piling ko

Kaibigan, ano ba ang nangyari?
Ano bang ginawa kong kasalanan?
Yung bang kasalanan na yun ay hindi madadaan sa isang maikling pasensiyahan?

Kaibigan, bakit mo ako iniwan?
Kaibigan, bakit hindi na nagpapansinan?
Kaibigan, ano bang nagawa kong kasalanan?
Kaibigan.. Kaibigan..

Sana naalala mo pa,
Ang ating pinagsamahan
Dahil ang ating pinagsamahan,
Ay hanggang ngayo'y
Hindi pa rin nawawaglit
Sa aking isipan.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now