(34) Anong gagawin ko?

64 6 2
                                    

Ano bang gagawin kong paraan para mapansin mo?

Kelangan ko bang magparebond para mapansin mo na humahaba na ang buhok? Na tumutubo ito at umuusad tulad ng pagmamahal ko saiyo?

Kelangan ko bang maglipstick para mapansin mo ang mga labi ko? Labi kong nag aasam na mahalikan at madama mo?

Kelangan ko pa bang mag iba ng porma para kahit man lang yung mga damit ko, makita at magustuhan mo?

Kelangan ko pa ba? Ano pa ba ang dapat gawin ko?

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now