Chapter 8: First Assignment

370 29 1
                                    

First Assignment
MEZUL

"CAN YOU INTRODUCE yourself to us, hija?" The teacher asked to me as I and Ayen entered the door.

Ang ayoko pa naman sa lahat ay 'Introduce Yourself' sa tuwing may bagong student sa room gaya nalang ng mga transferee at newbie.

Nakakahiya kasi ikaw lang mag-isa ang magpapakilala sa harap. Baka pagtawanan ng mga kaklase mo ang pangalan mo o di kaya ay pagawan ka ng isang tradisyonal na bagay sa harap nila na hindi mo magugustuhan.

Of course---I don't want to embarras myself on the front of many students dahil patay ang image ko kapag nagkataon.

Hindi ba pwedeng bigyan nalang nila ako ng mauupuan tapos mag-klase nalang uli sila para tapos agad?

Gah, I really hate studying!

"Ano na?" Mahinang tanong ko kay Ayen. Nagkibit balikat lang siya sabay bulong ng 'Kaya mo yan' at thumbs up. Pagkatapos noon ay nagmarcha na siya papunta sa upuan niya na nasa pinaka-dulo. Pinaka kanan.

Napailing-iling nalang ako saka naglakas-loob na pumunta sa stage. May maliit kasing stage sa harap ng room para may tungtungan sa blackboard.

Gawa iyon sa kahoy namay carpet na pula. Hindi kalakihan at pentagon shape. Doon ako tumayo sa pinaka gitna at saglit na nag-ehem.

Pero bago pa ako makapagsalita ay may mga hindi kaaya-ayang mga bulong na naman ang umungol sa buong paligid.

Buhay...

"Her face! Look at her face!"

"God, she had a mark! She looks like a Phantom!"

"The mark looks cool also. And I like it."

"I agree with you, bro. Scar makes us cool."

"Duh? Why she's with princess Ayen? Anong koneksyon niya sa atin?

"Did you notice it? Her eyes are color red just like the prince. But she doesn't have gold nails."

"Yeah. Is she a real Crimson Creature?"

"Shut up! Shut up! Ganito ba ang itinuturo ng mga guro sa inyo?!" Malakas na sigaw ng teacher sa harap. She looks young and very sexy. She had curves.

Nakasuot siya ng salamin at nakapusod naman ang mahabang buhok niya. Para siyang istrikta. Nanahimik tuloy bigla ang mga estudyante sa paligid.

Napatingin ako kay Ayen. Tinaasan niya ako ng isang kilay saka ngumisi. Nginisian ko din siya pero patago.

Ayokong maging mayabang dahil wala pa akong napapatunayan---but I can't help it! Pinu-pwersa nila ako.

With that, I won. Nagplaster ako ng isang napakatamis na pekeng ngiti. Yun yung ngiti ko na lalanggamin sila sa sobrang tamis.

Sinigurado kong mahihiya ang mga pinaka malalanding babae sa mundo namin ng dahil sa sobrang tamis noon. Hah!

Anyway, it's time to introduce my self...

"My name is Mezul Castron. Turning 18 in four months and I stop a year in studying." Isa-isa ko silang tinitigan sa mata ng mabilis bago nagpatuloy. "Magiging tapat ako sa inyo... I have a special treatment from the royalties because of something... Kaya if I were you...huwag kayong magkakamaling banggain ako. And yes. I'm a Phantom. Kung hindi niyo alam ang rason kung bakit wala akong gintong kuko... That only means that you were not listening to your history teacher. Am I right?"

Averian University: The Bounded Hell KeepersWhere stories live. Discover now