Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I don’t know kung papaniwalaan ko ba iyon. Parang imposible, imposibleng gustuhin ng isang Jared Montello na pakasalan ang tulad ko. Hindi ko talaga siya kilala pero minsan na akong nakinig sa mga kwento tungkol sa kanya dahil sa mga iba pa naming kaibigan at base sa mga kwentong yun hindi siya isang simpleng bachelor lang. Kaya imposibleng gusto niyang pakasalan ang isang tulad ko.

“Bakit naman niya gagawin yun?” tanong ko habang nakatingin sa pintuan ng kwarto “Imposibleng gugustuhin niyang pakasalan ang isang tulad ko, malayo ang agwat namin sa isa’t isa.”

“Pareho kayong mayaman,” aniya.

“He’s successful while I’m not. Kaya niya pang magpayaman at paunlarin ang negosyo ng pamilya niyo samantalang ako hindi. I can’t marry him.”

“Tss. Hindi ko alam kung bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo Gail. At hindi ko rin alam kung bakit binibase mo sa yaman at negosyo ang dahilan kung bakit ka papakasalan ng kuya ko.”

“Yun naman talaga di ba? Kaya nga may arrange marriage di ba?”

Hindi ko na alam ang pinupunto ni Jerome sa mga sinasabi niya. Tama naman ako di ba? Kaya niya ako papakasalan dahil sa kayamanan, para sa negosyo, para sa pera. Yun naman talaga ang mga dahilan kung bakit may arrange marriage di ba?

“Tss, siguro nga may point yung sinasabi mo. Pero kung yun ang dahilan ng kuya ko kung bakit ka niya papakasalan, then ako na ang magsasabi, hindi na niya kailangang pakasalan ka para lalong yumaman. He can do that on his own. Hindi ka niya kailangan dahil kaya na niya yun. At ako dapat ang papakasalan mo ngayon” aniya habang seryosong nakatingin sa akin.

I looked away. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“My brother has his own reason kung bakit ka niya papakasalan. Try to ask him para malaman mo at maintindihan mo rin siya.”

Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na tumayo na siya at nagsimulang maglakad paalis. Napayuko ako at huminga ng malalim, naguguluhan ako sa nangyayari. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung paano ko to masasagot. Kung gusto nilang i-push ang kasalang to, then I want them to answer my questions. I want to know their reason… he’s reason.

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto, indication na nakalabas na ng kwarto si Jerome. Nasapo ko ang noo ko at napapikit. Wala na talaga akong kawala, kailangan ko na talagang harapin to. Nung idinilat ko yung mga mata ko ay napadako ang tingin ko sa laptop na nakapatong sa parang study table. Tumayo ako at pumunta roon tapos ay umupo sa upuan.

Sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung sino si Jared Angelo Montello, I mean yes I know something about him pero kung siya ang lalaking papakasalan ko, then walang kwenta yung mga information na nalalaman ko.

Nung nakita ko na nakabukas ito ay hindi na ako nadalawang isip na itype yung pangalan niya dun para isearch ang biography niya. While waiting for the answers to finish loading, nasagi sa isip ko yung sinabi ni Jerome kanina. Lahat ng sinabi niya tama, pero hindi ko talaga alam kung ano ang rason niya kung bakit niya ako gustong pakasalan. I’m not even an ideal girl. Ano naman kaya ang rason niya? Tsaka napapaisip din ako kung kilala niya ba ako? I mean, hindi ako kilalang tao, may alam kaya siya tungkol sakin?

Sa halip na sagutin ang sarili kong tanong ay minabuti ko na lang na tignan yung mga sagot na nasa google. Binasa ko yung mga nakalagay doon, at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya. I can’t believe that this guy just wants to marry someone like me. Nanliliit ako sa sarili ko dahil sa kanya. He’s twenty three years old yet he’s already the CEO of La Fierté Corporations. Graduate siya ng Architecture sa Wiesel University, tapos siya pa yung top student ng batch nila. Tapos nakalista pa dito yung mga achievements niya na nakakapanlula. Andito rin yung listahan ng mga bahay na siya ang nagdesign. Such a wow!

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon