BISIKLETA

1 0 0
                                    


Ang buhay ng tao ay parang pagsakay sa isang bisikleta.
Hindi ka matutumba kung hindi mo rin ititigil ang pagpepedal.
Katulad na lamang ng buhay ng isang tao, may mga makakasalamuha kang iba't ibang tao.
Sa ating buhay umiikot ang mga bagay-bagay na hindi natin mapipigilan kung kaya't sa ayaw at sa gusto mo ay makaaapekto ito sayo: pisikal man yan o emosyonal.
Laging may kaakibat kang pagsubok o mga bato bato sa daan, mga putikang gusto mo sana maiwasan, mga bagay na hindi mo matatantya.

Sa patuloy mong pagsakay sa bisikleta ng iyong buhay ay makakaranas ka ng mga emosyon na akala mo'y hindi mo mararamdaman.
Sakit, asa, galit, lungkot, saya, hinanakit... Sa patuloy na paglalakbay mababatid mo ang mga taong nakapaligid sayo.
Yung mga taong tunay na parang ginto, o mga dyamanteng hindi naman pala totoo. Sa daan patungo sa kung saan ka makakarating gamit ang iyong bisikleta ay masisilayan mo ang mga gantimpala ng Diyos para lamang sa iyo.
Mga biyayang tumutulong sayo upang magpatuloy sa pagpepedal, mga magagandang tanawin sa pagsikat ng araw at buwan, mga hayop at halamang hindi mo kailanmang inaasahang makatutulong sa pagsakay mo sa buhay.

                           Maraming ibig sabihin ang pagsakay sa bisikleta ngunit eto lamang ang lagi kong tatandaan, na sa lahat ng pagsubok, sa lahat ng nangyayari, masama man o hindi, wag na wag kang susuko. Wag na wag kang magpapauto. Wag na wag kang titigil. Dahil kung ang buhay mo'y titigil na lamang  ng dahil sa isang dahilan, ang buhay mo'y masasabing walang patutunguhan. Lagi kang magpakatatag, lagi mong iisipin ang mga tunay na nandyan, lagi mong pasalamatan ang Diyos na dahilan upang ikaw ay makasakay sa bisikletang maraming kahulugan. Huwag, huwag kang susuko bagkus ikaw ay maging malakas sa bugso ng kapalaran.


=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭

The Entertaining MailsWhere stories live. Discover now