Part 25: The Royal Invitation (Ylla's POV)

289 4 0
                                    

Sige na. Ako na ang sikat. I got myself into this mess and now I really REALLY regret it. Grrrr!!! That pervert! How dare he kiss me? The nerve of that guy! He even had the guts to do that in public fully aware that someone just proposed to me!

I was humiliated! Basty was humiliated. Kitang-kita ko ang pagkasuklam sa mga mata ni Randall nang gawin ni Marco iyon. I wouldn't be surprised if he's already black-listed. But I have to say, I'm impressed at how he managed to get away from Basty's Royal Security Team or whatever they call it. Siguro marami lang siyang practice dahil sa dami ng tinakasan niyang babae. Hmmmp!  Ano ba kasing parte ng "game over" ang hindi niya maintindihan?

After that little stunt of his at Basty's Ball, I couldn't even get outside my apartment without getting mobbed by the paparazzi. Ayan tuloy, Kuya Rich dragged me back in our home.

Kahit ang panonood ng T.V. nakakawalang-gana na dahil kada-channel, headline ang "Prince Steven's Fiancé’s Scandalous Kiss" or "Who's the Royal Fiancé's Lover?"...  Even my famous blog suffered from all these rude comments. They started calling it "Pilya-Two-Timing-Ylla".

At hindi lang sa social media ako sira. Akalain niyo, kahit na sa grocery store lang ako, people rudely glared at me and whispers that I'm a gold-digger! Eh kung libingan kaya nila mismo ang hukayin ko?

Ilang araw na akong naka-buro sa bahay at gustong-gusto ko na umalis! Binibisita naman ako palagi ni Basty pero dahil na rin sa inis ko pati siya nasabunutan ko. He got me into this mess! Buti na lang hindi ako hinuli ni Randall at iginapos at ipinatapon sa kung saang lupalop ng Pacific Ocean.

Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko kung paano lumapat ang mga labi niya sa akin. It was so soft and it felt right. Wait! Erase! Erase!  

Ano ba talagang gusto ni Marco? Bakit ba niya ginagawa ito? Hindi pa ba sapat na sinaktan niya ako?  I couldn't help but sigh. Lumapit ako sa bintana ng kuwarto ko upang tingnan ang labas ng bahay.

Flash! Aray! Nakakasilaw naman! Ayaw talaga akong tigilan ng mga paparazzi na ito.

Bumaba na lang ako sa sala kung saan nag-uusap sina Kuya Rich at Basty.Nakaupo sa sofa si Basty habang umiinom ng kape. Samantalang si Kuya Rich naman ay nakahiga sa divan habang nagbabasa sa tablet niya. Nagtungo naman ako sa upright na piano na malapit kay Kuya Rich at umupo doon. Tumipa ako ng ilang nota na alam ko upang kalmahin ang sarili ko.

"So, anong sabi niya tungkol sa decision mo?" tanong ni Kuya kay Basty. They must be talking about Basty's grandfather.

"He said that I should stop acting like a conceited brat." Tugon ni Basty. Natawa naman si kuya sa sagot ni Basty.

Mr. Player and Ms. Naughty (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon