Part 12: Paparazzi (Ylla's POV)

424 14 0
                                    

Snap! Snap! Snap! Perfect shot.

Ano bang problema nitong playboy na ito? Fini-flirt na siya ng client niya pero wala lang sa kanya. Di niya pinapatulan. Ilang araw ko na rin siya sinusundan trying to catch him in the act para sa compilation ko ng dirty deeds niya.

The problem is wala siyang dirty deed na ginagawa lately. Konting flirting lang pero before it goes too far, he walks out. I was beginning to think na nasasayang na ang oras ko sa kanya. Kung hindi ko lang talaga kailangan gumanti sa ginawa niya sa akin.

Damn! Kumukulo talaga dugo ko every time na naaalala ko ang nangyari sa private resort. That arrogant git! You’ll pay for this!

Wait, papaalis na siya. Paano ko kaya aabutan ‘tong mokong na ‘to sa bago niyang sasakyan. Buti na lang kakaayos lang ng sasakyan ko otherwise di ko siya masusundan. At least di niya mahahalata na nakasunod ako sa kanya.

Hmm? Saan kaya balak nito pumunta? Wala namang bars sa area na ito. Finally, tumigil din siya sa tapat ng isang bahay. Nag-park ako a block away para di niya ako mapansin. Ibinaba ko ng konti ang bintana ng sasakyan ko at itinutok ang camera sa kanya.

Kanina pa siya nakatayo doon pero di niya pinipindot and doorbell. Ifinocus ko ang camera sa mukha niya at pinicturan siya. Ilang sandali lang at may isang babae na lumabas. Wait, si Alex yun ah and that’s Nash.

Kinuhaan ko pa rin ng picture si Marco. Well, that’s different. Ibang Marco ang nakikita ko ngayon. I focused my camera on his face and there it is. There’s pain in his eyes. Poor guy. Alex didn’t even notice the way Marco looks at her. Wait…what?

Poor guy?!?! Kailan pa ako naawa sa kanya. Damn Ylla! Keep your head in the game. Kinalog ko ang ulo ko para matauhan ako. Pag focus ko ulit ng camera kay Marco, wala na siya. Sinilip ko siya at nakita ko ang sasakyan niya na paalis na. Sinundan ko ulit siya and this time sa bar na siya pumunta. The same bar where we first kissed. Oh... I mean met. Damn. We didn’t kiss. I kissed him. Wait, bakit ba ako nagpapaliwanag sa sarili ko? Grrr.

Pumasok rin ako sa bar. Pero this time naka-shades ako at nakataas ang buhok ko kaya medyo naka-disguise naman itsura ko. Umupo ako sa puwesto na malapit sa kanya.

Nakakailang shots na si Marco pero di pa rin niya balak tumigil. Mukhang nasaktan talaga siya sa nakita niya kanina para mag-lasing siya ng ganito. Napaka-suwerte naman ni Alex.

What did I just say? Damn. What’s happening to me? Ylla, keep it straight. Wag ka maawa sa playboy na yan. Kay Alex lang siya mabait. Hindi sayo kaya you don’t have to be sympathetic to him.

Ilang beses na ako lumipat ng puwesto dahil lingon ng lingon si Marco. Ilang beses rin ata nakita niya ako pero mukhang di naman niya ako namumukhaan. Ilang sandali pa, nakaubos na naman siya ng maraming shots. Makakapagmaneho pa ba ito? Eh kung hayaan ko na lang kaya para matuto ng leksiyon na hindi magandang uminom ng umaga lalo na kapag office hours?

Mr. Player and Ms. Naughty (on-going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum