Part 13: I'm Wide Awake ^_^ (Marco's POV)

418 12 2
                                    

I was about to tease her when her closed fist landed straight on my face. I didn't expect what she did that's why I lost my balance. I fell on the ground. Thank God, I fell on the grass. Hindi naman talaga siya malakas, pero dahil malapit lang ang mukha ko sa kanya and she was wearing a ring kaya naman masakit at medyo nakakahilo. Dagdagan mo pa ng konting hilo ko dahil sa ilang shots ng tequila na nainom ko sa bar.

Tatayo sana ako pero bigla akong nakaisip ng kalokohan. I would test her if she doesn't really care about me. I closed my eyes, but I can still feel her presence. At mukhang wala atang balak umalis ni Ylla sa tabi ko. Paano naman ako tatayo nito kung hindi niya ako iiwan?

"Hoy, Playboy gising na."

Talaga nga naman at playboy talaga ang tawag sa akin. Eh kung halikan ko kaya siya ulit para naman sulit yung pagtawag niya sa akin ng playboy?

Hoy Ylla the witch, umuwi ka na nga ng makauwi na rin ako. Ano pa bang ginagawa mo rito? Huwag mo na nga akong pagmasdan dahil baka pagsisihan mo lang yan sa huli.

Don't stare at me like that as if you admire me. Baka hindi ko makontrol tong sarili ko at bigla kitang yakapin nang mahigpit. Alis na. Bilis!

But she didn't. Imbes na umalis, naramdaman kong kinuha niya ang iPhone ko at tinawagan si Dave para humingi ng tulong pero mukhang busy ata ang kaibigan ko kaya mukhang problemado siya kung paano ako iuuwi. Hahahaha!

Then, I heard my phone ringing. Tumawag si Andy at narinig ko ang usapan nila. Maya-maya lang ay dumating ang best friend ko, at inalalayan akong makasakay sa kotse ko at saka ako inihatid sa bahay namin. Nahiya naman akong gumising kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagpapanggap.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay, naramdaman kong lumabas ng kotse si Andy at nakita kong nilapitan niya ang bagong dating na si Ylla. She must have forgotten something. Kinapa ko ang bulsa ko at naramdaman kong wala doon ang phone ko. Tsk, mukhang yun ang nakalimutan niya kaya siya bumalik.

Medyo matagal din silang nag-usap bago umalis si Ylla, at saka bumalik si Andy. Pagbukas niya ng passenger seat, nagulat siya ng makitang nakadilat ang aking mga mata.

"You're already awake. That's good. Akala ko mahihirapan akong buhatin ka hanggang sa kuwarto mo eh." Aniya sa akin.

"I'm awake, kanina pa. I just pretended to be asleep." I said with a smile at saka ako lumabas sa kotse ko.

"Siraulo ka talaga. Binuhat pa kita kanina, gising ka naman pala."

"Pasensiya na. Hindi ko naman kasi akalaing hindi siya aalis sa tabi ko. Let's go inside. Nararamdaman kong namamaga tong mukha ko dahil sa singsing niya." At tuloy-tuloy akong pumasok at dumeretso kami sa may kusina. Kumuha ako ng ice bag at saka inilapat sa mukha ko. Medyo nangingitim na nga iyon ng tignan ko sa salamin.

"So how's your relationship with her?"

"We're playmates. That's what I can say to you." Totoo naman di ba, sabi niya nga kanina, she's playing games with me and so am I.

"Intimate playmates? Bago yun ah. Nung una, friends with benefits, ngayon naman intimate playmates. Hahahaha!"

"We are not intimate, okay? We are just PLAYMATES."

"You are not intimate, yet you have a picture of her partially undressed? Paano naman nangyari yun? Sayang at dinilete niya sa phone mo. Oh, talking about your phone, here." At iniabot niya sa akin yung iPhone ko.

"She deleted it?"

"Yeah. Pinigilan ko nga pero na-delete na niya eh. Sorry bro!"

Mr. Player and Ms. Naughty (on-going)Where stories live. Discover now