Part 5: Who's that Chick? (Marco's POV)

560 17 11
                                    

I was celebrating my brokenness in my favorite bar tonight. Who the hell is in their right mind to celebrate their broken heart? 

Nakakailang shot na pero wala pa naman akong tama. I drink my nth shot nang mapalakas ata yung pagkakasabi ko ng "Tara, inom tayo" dahil biglang may sumagot ng "Sure".

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang simple at normal na babae na may tangan na shot glass at may laptop sa harapan niya.

Don't tell me uso ang mga brokenhearted? Araw ba ng kamatayan ngayon?

Nagulat ako nung bigla niyang i-straight ang pag-inom sa alak na hawak niya. Mukhang mas malakas pa ata sa aking uminom tong babaeng to.

I asked her what's her problem at yun na yung start ng conversation naming dalawa. Habang tumatagal yung usapan namin eh lalo kong naaalala si Alex. May similarity kasi sila lalo na sa pagsasalita. Walang bakas ng anumang kaartehan at kahinhinan. Yung tipong kayang makipagsabayan, hindi nagpapatalo. And pareho pa silang mahilig magtaas ng kilay sa tuwing may itatanong ako na ayaw nilang sagutin.

Lord naman. Gusto ko nga siyang kalimutan, remember? Pero bakit kailangan kong makipag-usap sa isang babae na similar sa kanya? Torture ba talaga ang kailangan kapag nagmo-move on?

Just like what a gentleman should do, I asked her name and extended my arms to shake hands.

"Someone you'll never forget." She said then kissed me. I was caught-off guard and before I knew it, wala na siya sa harapan ko.

Whoah?! I never expected it from her. Damn!

"Hey bro! Regular customer ba dito yung babaeng kausap ko kanina?" I asked the bartender.

"Hindi po sir. Ngayon ko lang po nakita yun dito. Baka napadaan lang."

Hmmm.. I wonder if we would ever meet again. I asked myself bago ako nagbayad sa bartender ng lahat ng ininom ko, then drove away from the bar.

Madaling araw na so napakaluwag ng kalsada kaya naman pinaharurot ko ang aking sports car. Halos walang makasabay sa akin kaya naman ngiting-ngiti ako habang nagda-drive.

I was about to turn right ng mapansin ko ang isang babae na lumabas sa kotse niya at sinipa ang gulong nito.

Si Ms.Nice-turn-to-Naughty yun ah. Ano kayang problema niya?

I parked in front of her car. She looked startled and amused when I stepped down on my car.

"What's wrong?" I asked while walking towards her.

Instead of answering me, tinaasan niya lang ako ng kilay. 

I stared at her from head to toe.  Striped t-shirt, fitted jeans, naka leather jacket at naka-boots. Hindi ba siya naiinitan sa suot niya or marami lang talaga siyang tinatago kaya ganun na lang ang get-up niya?

"What's with the look? Hindi ka ba makapaniwala na babae yung nasa harap mo or hindi ka makapaniwala na ako yung babaeng humalik sa'yo kanina? Which is which?"

Bago pa man ako nakasagot eh nagsalita siyang muli.

"When I said you'll never forget me, I never expected you to be this fast. Sinundan mo agad ako?"

Sinandal ko siya sa kotse at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya bago ko sinagot ang sinabi niya.

I can feel her body trembling. Sabi ko na nga ba, she's too naive and I think she just wanted to play with me.

"Alam mo Ms.Nice-and-Naughty, hindi ako mahilig maghabol sa isang babae. And besides, kung alam ko lang na ikaw ang pasahero nitong kotse, baka hindi kita hinintuan. Hmmm, mukhang ayaw mo namang sabihin kung ano ang problema, might as well umalis na lang ako." At lalo kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Amoy na amoy ko ang hininga niya. In fairness, kahit amoy alak eh parang ang bango bango pa din. Ang sarap lang halikan ng labi niya, but I stopped myself from doing so. May iba pang pagkakataon para dun.

I saw her closing her eyes kaya naman napangiti ako. Bigla kong inilayo ang katawan ko sa kanya at saka ako tumayo ng tuwid.

"So, aren't you going to tell me what's wrong with your car or iiwan na lang kita dito sa kalsada?"

Muntik akong matawa sa reaksyon niya ng magsalita ako. Maybe she was expecting me to kiss her. Not now lady. Maybe some other time.

"Ayaw mag-start." She said while trying to compose herself back.

"I see. Let me check." At saka ko tinignan ang makina ng kotse niya. Ilang saglit lang naman ay napa-start ko rin ang kotse niya.

"Okay, it's done." I said with a big smile on my face. Bigla kasi akong may naisip na kalokohan.

"Thanks. I really do appreciate your help."

"I don't accept "thank you's". You have to return the favor." At hinawakan ko siya sa bewang.

"Hey, I don't care if you can't accept my thank you. Don't ever think I'm giving you what you want. I'm not a cheap girl." And she tried to get away from me.

"Hahahahaha! Bakit, ano bang naiisip mo? Tsk tsk tsk! You're imagining things too much. Gusto ko lang naman malaman ang name mo, that's all. Masyado atang madumi ang utak mo."

And there. I saw her eyes rolled. Yung tipong parang nag-aapoy na sa inis but she puts on her big smile.

"Know what, gusto sana kitang halikan kapalit ng ginawa kong pagtulong sa'yo. Kaya lang, inaantok na ako eh. So next time na lang. Bye Ms.Nice-and-Naughty."

At sumakay na ako sa kotse ko. Pero bago ako umalis, pinaatras ko ang kotse ko at tinapat sa kinatatayuan niya.

"By the way, here's my calling card. Baka sakaling maisipan mong ibalik na yung favor, just call me. Bye!"

At saka pinaharurot ang kotse ko. 


Mr. Player and Ms. Naughty (on-going)Where stories live. Discover now