Part 11: I'm Bewitched by Ylla the Witch (Marco's POV)

409 14 5
                                    

 Sabi nila, for you to move on and get on with your life, you have to distance yourself with all the people that caused you pain. Pero hindi ko ata kaya yun. Just like now, I'm here in front of Alex's house to invite her for snack.

It's been several days that my mind is clouding up with lots of thoughts, including Ylla the witch. After that sermon-kissing-slapping incident in the island, I tried to pull myself away from her. Miles and miles away.

I saw the pain in her eyes that turned into anger when I mentioned Alex's name when I was kissing her. How stupid of me. I was about to call her name when the image of Alex came right through my eyes. Kaya ayun, isang napakalakas na sampal ang inabot ng pisngi ko.

I never said sorry. I just walked out the door and went straight to my room. I am not sorry for kissing her, but I didn't intend to call someone else's name that time.

Magdo-doorbell na sana ako ng biglang bumukas ang gate at iniluwa noon si Alex, kasama ni Nash.

"Hey, kanina ka pa ba dito sa labas? Bakit hindi ka nag-doorbell?" Tanong niya sa akin. Then, biglang nanlaki ang mga mata nilang dalawa habang nakatingin sa naka-park kong kotse.

"WOOOOWWWW!!! Bago ba yan?" Tanong ni Alex at saka lumapit sa naka-park kong kotse at hinawakan pa iyon.

"Lamborghini Underground?" Tanong naman ni Nash na gaya ni Alex na manghang-mangha sa kotse ko.

"Hmmm, yeah. I bought it the other day." Casual na sagot ko habang nakapamulsa.

"Grabe! Ikaw na talaga. Puwede ba kaming maki-hitch?" Muling tanong ni Alex na nakatingin sa akin. Nag-puppy eyes pa siya akin.

Gusto ko sana pero kasama niya tong kutong-lupa na to kaya next time na lang.

"Well, yun talaga ang reason why I'm here. Aayain sana kitang mag-snack." I said with a smile, but it kills me inside seeing her with this young man. Pero mas lalo akong nasasaktan knowing that they are a perfect match.

"Ay, ganun ba? May lakad kasi kami ni Nash. Gusto mo bang sumama? Magkakilala na kayo di ba? Para makasakay na rin kami diyan sa kotse mo." Sabi niya.

"Yes, We already know each other. Next time na lang. Ayaw ko namang makaistorbo sa inyong dalawa. Atsaka baka magasgasan pa yung loob ng kotse ko."

"Yabang nito. Hmmmp! Damot!" At ngumuso na naman siya. Hay, I really missed her doing that.

Ngingiti-ngiti lang ako while walking into the driver's seat, pero bago ako pumasok sa kotse ko, bumaling muli ako sa kanilang dalawa.

"Bagay kayong dalawa. Hoy kutong lupa, alagaan mo yang si Alex kung ayaw mong magkabali-bali yang buto mo."

"Yes sir! Don't worry. I will never hurt her. Promise!" At nag-taas pa ito nang kanang kamay niya na tanda ng pagsumpa.

"Good! Sige, mauna na ako."

"Tse! Magtigil nga kayong dalawa. Ayaw mo ba talaga kaming pasakayin?"

"Huwag na. Next time na lang. Got to go! Bye!"

Sa sobrang inis ko kasi sa sarili ko, bigla akong napabili ng sports car nang wala sa oras. Dahil hindi ko naayang lumabas si Alex, I find myself going to the same bar where I met the witch, I mean, Ylla the famous blogger.

I was driving along when I caught a glimpse of her in my side mirror kaya bigla kong naapakan ang preno. Mabuti na lang at walang masyadong mga sasakyan at mabilis na kumagat ang break.

Pagtingin ko ulit, wala na siya. Maybe I'm just hallucinating kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho.

Wala naman akong balak magpakalango lalo pa nga't hapon pa lang. I would just take a few shots then go back to my office. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa office works.

Nakakailang shots pa lang ako ng tequila, at hindi pa man din ako tinatamaan ng alak pero bakit tingin ko eh nahihilo na ako? Paano ba naman, kahit saan ko ata ibaling ang tingin ko, mukha ng galit na si Ylla ang nakikita ko.

When I turned right, nakita ko ulit ang mukha niya.

"I think that Ylla's really a witch and she is starting to use her black magic on me. Bakit ba mukha niya ang nakikita ko ngayong araw na to?" I said as if talking to the woman in front of me na kamukhang-kamukha niya.

Napataas pa nga ang kilay ng babae dahil sa sinabi ko but I shrugged my shoulders. Lasing na nga siguro ako. Maybe I have to go home and get some rest.

"Bro, sa'yo na yung sukli." Sabi ko sa bartender sabay tayo mula sa counter at dere-deretsong naglakad palabas ng pasilidad.

Instead of going straight to my house, I found myself in the nearby park.

Mabuti pa tong mga bata na to, may mga ka-partner. Samantalang ang isang guwapong kagaya ko, ni wala man lang girlfriend.

Kailan nga ba yung huling nagkaroon ako ng matinong relasyon? Six months ago? A year? Two years ago? Ah, ewan. Hindi ko maalala. Parang wala ata akong naging matinong relasyon. Mas matino pa nga ata yung naging pagpapanggap namin ni Alex eh.

Naalala ko na naman tuloy siya. I let out a deep sigh ng biglang may tumabi sa akin.

Paglingon ko, mukha ni Ylla ang nakita ko. Bigla kong pinikit ang mga mata ko at ipinilig ang ulo ko.

"Pati ba naman dito sa park, yung witch na yun pa rin ang makikita ko?" I exclaimed nang bigla ba naman akong batukan ng babaeng katabi ko.

"Damn you Mr. Playboy. Ang kapal ng mukha mong tawagin akong witch. Who gave you the permission to call me such name? Sa ganda kong to, mukha ba akong mangkukulam?"

Huh? Wait, so she really is Ylla? Akala ko pa man din kinukulam niya na ako.

But wait, what is she doing here? Don't tell me sinusundan niya ako?

Sabi ko na nga ba at mahuhulog din sa kaguwapuhan ko tong babaeng ito. Siguro hinahanap-hanap niya yung halik ko. Hahahaha! Just kidding!

"Malay ko ba kung tinatago mo lang yang pagiging witch mo sa likod niyang gandang sinasabi mo? And hey, I'm calling you a witch because you're calling me playboy."

"At anong gusto mong palabasin? Hindi natural tong ganda ko?" Nanggigigil na wika niya.

"I didn't say that. Teka, ano bang ginagawa mo dito? Don't tell me sinusundan mo ako? The interview has been done already. You have all the information you need, ano pa bang gusto mo?"

"Wala lang. Gusto lang kitang batukan sa pagtawag mo sa akin ng witch." Nakangusong wika niya.

And there.  Waring may sariling isip ang labi ko at bigla ko na lang siyang hinalikan. Kung nagulat ako sa ginawa ko, lalo naman siya. Hindi niya yun inaasahan.

"Ayieeeeee!!!! Tignan mo Nana, ang sweet nung mama at ale oh!" anang boses ng isang batang lalaki na nakapagpatigil sa aking paghalik kay Ylla at saka ako umayos ng upo. Nakita ko ang dalawang bata na nasa harapan naming dalawa.

"Oo nga eh. Mamang guwapo at aleng ganda, bagay po kayo. Lika na Tomtom, maglaro na lang ulit tayo." At tumakbo na palayo kasunod ang batang lalaki.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" mataray niyang tanong sa akin. "

"Wala naman. Happy lang ako." At tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"And where do you think you're going?" Nanggagalaiti na tanong niya.

"In your heart." I said grinning as I motioned a heart using my hands.

Mr. Player and Ms. Naughty (on-going)Where stories live. Discover now