[Gaga! Namimiss ka na rin namin dito sobra! Pero wag ka munang magsalita okay, we need to tell you something girl! I guess kilala na namin yung lalaking gustong ipakasal sayo nila Tito! WAHHHHHHHHHHHHHHHHH! GIRL OMG! PAGBALIK MO DITO FOR SURE DUDUMUGIN KA NG MGA KA-SCHOOLMATES NATIN!]

Pagkasabi niya nun ay para akong nanlumo, oh ghad!

“A-ano?” I asked, trying to absorb what she said. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

[Girl, kahapon merong pumunta sa mga profs natin dito sa university, ipinagpapaalam ka sa kanila and he told them na he’s your boyfriend! Ghad Saerin Gail Dela Cruz nung sinabi niya yun, napa-anga kami! Girl! OMG! OMG! Mapapanganga ka rin siguro kapag nalaman mo kung sino siya—]

Bigla kong binaba yung phone ko. Shet, ang lakas ng tibok ng puso ngayon! Kilala na nila, ako na lang talaga ang walang idea kung sino siya! Unti-unti akong napaupo sa sahig habang nakatingin sa kawalan. Nanlalamig ako at para akong magkakasakit sa puso ngayon. Ayoko na.

Nung naramdaman ko na nag-ring ulit yung phone ko ay inoff ko na ito, fudge! Parang ayokong malaman kung sino siya, I don’t want to know he’s identity kasi baka di ko kayanin. Di ko na maintindihan ang sarili ko, ang alam kong nararamdaman ko ngayon ay takot. And I don’t even know why I’m scared!

Nung medyo okay na yung pakiramdam ko ay dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. I need to calm myself, kailangan ko ng mag-isip ngayon ng gagawin ko. After kong maubos yung isang baso ng tubig ay napaupo ay sa silya at pumangalumbaba sa mesa.

I’m hiding from my reality. I run away from my reality. Tumakas ako sa realidad.

Yan ngayon ang tumatakbo sa isipan ko. Sa oras na umuwi ako, yun agad yung sasalubong sakin, siya agad ang sasalubong sakin. Yung katotohanan na kahit anong gawin kong pagtakas ngayon, once na tumuntong ulit ako doon, yung realidad agad yung sasalubong sakin. Na ipinagkasundo na ako ng mga magulang ko sa isang tao.

Ano ng gagawin ko ngayon? Aalis ulit dito? Lalayo ulit? Yung this time wala ng makakaalam kung saan ako pupunta? Pero saan naman ako pupunta?

I was back to my sense nung may marinig akong nagdoorbell, kahit nanlulula pa rin ako at wala pa sa katinuan. Tumayo pa rin ako at naglakad papunta roon, nababangga ko pa nga yung ibang mga gamit eh. Pagbukas ko ng pinto ay si Jerome at Ethan agad yung nakita ko.

“Te—teka ayos ka lang ba?” nagtatakang tanong sakin ni Ethan sabay sapo ng noo ko. Tumingin ako sa kanila at dahan-dahang tumango.

No! I’m not okay! I’m scared!

“Namumutla ka! Are you sure you’re okay?” si Jerome naman ngayon.

A…ayos lang ako…” I lost words to say, hindi ko na alam. My mind was so occupied right now.

Nagkatinginan na lang sila at tsaka sila tumingin sa phone na hawak ni Jerome then they both looked at me again.

“Hindi ka macontact ng papa, he called me and here… he wants to talk to you” he said while giving me his phone. Nagtataka ko silang tinignan tsaka kinuha yung phone at sinagot ito.

“Hello… Pa?”

[Anak? Gail? Ang mama mo to, kamusta ka na? Namimiss ka na namin dito anak. Anak, I’m sorry. Anak I’m very sorry—]

Nung marinig ko yung boses ni Mama ay pakiramdam ko parang nabasag yung puso ko, nagbabadya na yung mga luha sa mata ko. In the end pala babagsak pa rin ako sa kahinaan ko, ang pamilya ko. Napagtanto ko na hindi ko pala talaga kayang malayo sa kanila.   

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now