DOD 1- The New Adventure XII

97 15 4
                                    

Author's Note:

Hello guys! I'm back for an update! See? Sinipag ako ngayon hahaha dahil nga wala akong magawa at dahil naiinis ako sa panahon ang init! Ayoko mag itim inaalagaan ko balat ko ito nalang ng puhonan ko dahil hindi ko good looking hahh pero gwapo parin ako sa mata nila mama at sa gf ko ayieee hahahhahh!

So anyways kumusta? Buhay pa ba kayo mga magaganda't gwapo kong mambabasa? Paramdam naman kayo ng may motivation naman ako sa pag susulat. Napakadaming plot ang nasa utak ko ngayon. Gusto kong isulat lahat pero tulongan niyo din ako. Goal ko ngayon is 1k+ reads at votes. Sana matulongan nyo ako. Pag naka 1k tayo may good news ako promise!

- Kuya Kid 💕

******

REAL WORLD

NEW NAKAMA

Nakakabagot naman ang mga araw na nag daan this past few weeks. Wala akong magawa kundi ang pumasok at makinig sa boring naming guro. Hay naku. Gusto ko na umuwi!

Lahat ng mga studyante na nandito ay wala ding gana. May iba ngang natutulog na, ang iba naman ay nag c-cellphone at nakikinig ng music pero ako nakatunganga habang nakatingin sa labas. Argg! Kailan ba ito matatapos!

"Hoy! Tinitingin tingin mo 'dyan sa queen ng campus ha?" Tanong ni Haise na kasalukoyang tinutusok-tusok ng mahina ang tagiliran ko. Kahit kailan talaga.

"Anong queen? Eh hindi naman siya ang tinitignan ko eh. Nakatingin lang ako sa kawalan!" Sagot ko. Totoo namang hindi ko tinitignan ang queen ng campus ah, sadyang nahagip lang siya ng aking gwapong paningin kasabay 'nun ay sinundan ko na. Teka? Bakit nga ba ako nakatingin sa kanya? Erase erase! Sa fountain ako nakatingin. Oo tama sa fountain lang!

"Mr. Sandoval and Mr. Yamamoto are you listening?" Bulalas ng sadako este ang guro namin. Medyo napalakas ata ang bulong ko. Tsk ito naman kasi si Haise pahamak kahit kailan.

"A-ah yes maam!" Sagot ni Haise na may patayo effect pa. Parang tangga eh kunwari police may pa salute-salute pang nalalaman. Nag tawanan naman ang mga klase namin.

"Quite class!" Suway ni Mrs. Valenciano. Kj talaga nitong matanda na ito. Tsk palibhasa byuda na. Bigla naman kami natahimik at bumalik na sa pag tuturo ang guro namin sa Math at bumalik na din ang kalbaryo ko dito sa subject na ito dahil sh*t lang nag pa quiz pa naman ng kahirap hirap. Tsk

Natapos ang buong klase sa araw na ito pero hindi parin ako maka move on sa resulta ng quiz ko. Siyam lang ang nakuha ko imbes na sampu dapat iyon! Tsk dapat perfect iyon sa negative lang ako nag ka mali, nakalimutan kong lagyan. Argg!

"Tol nakakainis zero tuloy ako sa quiz dahil daw ang ingay ko kanina. Naka 1 point na nga lang ako binawasan pa ng mangkukulam na iyon. Nakakainis diba? Mas maganda pa mag laro nalang ng DOD. Hays," Reklamo ni Haise. Ayan kasi ang ingay ingay. Pero diba dapat ako ang mabawasan ng 5 point? Paanong hindi ako binawasan ng matandang iyon? Siguro ko crush niya ako. Yayksss eww!

"Ah tol, mauna na ako sayo ha? Mag lalaro pa kasi ako at mag papalevel para lumakas dahil malapit na ang tournament." Paalam nito. Tumango nalang ako bilang sagot. Paano siya makakasali sa guild battle e wala naman siyang guild. Tsk kahit kailan talaga hindi nag iisip. Wala sigurong mag papasali sa kanya dahil sa kanyang ugali. Kawawa naman itong si Haise hahaha.

Nag patuloy ako sa paglalakad sa hallway ng mag isa. Mag isa na naman ako. Palagi naman e sanay na ako. Mag iisa ka din wag ka papatalo! Hahaha

While walking, nadaanan ko na naman ang grupong nag uusap kaninang lunch tungkol doon sa guild battle. Nag uusap-usap parin sila about sa pag hahanap ng isang myembro para sumakto sa kanila pero tila kulang sila ng isa ah.

"Ah tol, nag lalaro ka ba ng DOD?" Tanong ng isang lalaki na may katangkaran sa akin ng 2 inches with pale skin, at fully build ang katawan. Kasama niya ang dalawang babae na may kulay brown na buhok at may maikling gupit ang isa pati narin ang mukhang elementary nilang kasama na lalaki.

"Ah oo," Sagot ko. Nakakahiya naman sa kanila kapag malaman nilang low level palang ako.

"Pero nasa level 20 palang ako at hindi ko pa nakukuha ang rank quest ko." Dugtong ko dito. Ngumiti nalang ako at yumuko dahil medyo nahihiya ako. Teka kailan pa ba ako naging mahiyain? Hay naku.

"Ayos 'yan! Kami nga nasa level 42 pataas pa lang. Tutulongan ka nalang namin mag pa level at kuhanin ang rank quest mo mamaya. Ano G ka?" Wika naman ng may maikling buhok na babae. May magandang hubog ang kanyang katawan at maputi ang balat na may pinkish na kulay at higit sa lahat may malaking hinaharap. Sh*t kasalanan 'to sa diyos. Hahaha

"Eh nakakahiya naman sa inyo." Sagot ko. Kunwari nahihiya ako. Hahahaha

"Ano ka ba! Huwag kang mahiya sa amin. Ako nga pala si Diane Rojas, Venus ang IGN ko at isa akong Castanic race. Isa din akong summoner class." Pag papakilala nito.

"Ako naman si Miro Villeña o Rust sa game. Isa akong Elin race at Bard ang class ko." Sabi naman ng mukhang bata sa kanila.

"A pre ko naman si Terrence De Guzman o kilala bilang Ren sa laro. Isa akong Wizard at Elf ang race ko. Nice meeting you," Sagot ng matangkad at may pale skin na balat. Inilahad nito ang kanyang kamay upang maki pag shake hands.

"Ah Bri Sandoval o Haion sa laro. Isa din akong Elin race at Magician ang class ko." Sagot ko. Inabot ko ang kamay nito at nakipag kamay.

"Ito nga pala si Fate Del Valle, isa siyang Cleric class at High-Elf ang race niya. Fate din ang name niya sa laro." Pag papakilala ni Diane sa kasamahan niyang si Fate. Nag hi nalang ako at ngumiti na siya din naman na umiwas ng tingin niya sa akin. Ano kaya 'yun?

"Ah pareng Bri, may isa pa kaming kasama na babae ngunit wala siya ngayon. Nasa bakasyon daw sila pero nandito iyon kanina upang mag paalam sa mga guro namin at siya din ang leader ng Raven Guild." Wika ni Terence. Tumango nalang ako.

"Raven Guild?" Tanong ko sa kanila.

"Ah 'yun ang pangalan ng Guild namin. Gusto kasi naming parang villain ang dating hahaha." Sagot ni Miro. Sa totoo lang kanina pa ako na cu-curious. Lalaki ba ito o babae? Mukha kasing babae ang isang ito. Para siyang babae na nag papanggap na lalaki.

"Ahh maganda naman. Sige mamaya nalang tayo mag kita kita kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ako ni mama." Pag papaalam ko sa kanila.

"Sige pre, pumunta ka nalang mamaya sa Center Capital sa Ulturia City. Centro iyon ng apat na lupain ng buong Ultura Kingdom. Doon nalang tayo mag kita-kita." Sabi ni Terence. Nag paalam na ako at kumaway muna bago tumalikod at mag lakad. Ayos may kaibigan na akong bago! Sana hindi sila tulad ng dati kong kaibigan. Sana nga.

Masaya ako hindi dahil sa bago kong kaibigan na nakilala, kundi dahil sa bagong buhay na ibinigay sa akin. Sa wakas unti unti akong makaka alis sa mga naka posas ng nakaraan ko. Kung sakaling bumalik man sila muli sa buhay ko, tatanggapin ko parin ito ngunit mag babago na siguro ang pakikitungo ko. Tama nga naman ang kasabihang kapag may nang iwan ay paniguradong may darating ding mas higit pa at hindi ka pababayaan. Sana nga ganun sila, sana hindi din sila nangiiwan at nantataboy ng kaibigan.

"Yosh! Excited na ako!"

DANCES OF THE DRAGONS Where stories live. Discover now