DOD 1- The New Adventure IV

138 22 3
                                    

REAL WORLD

LETTING YOU GO

"The enemy has slain lord!"

"You slain the enemy!"

"Request backup!"

Mga madidinig mong mga salita mula sa larong nilalaro ng karamihan. Mobile Legends, kung saan pwedi mo laruin gamit lamang ang iyong cellular phone o mas kilala bilang Cellphone.

"The enime's touret has been destroyed!"

"Initiate retreat!"

Hay naku mga bobo naman ang mga kakampi ko ngayon. Nakakainis puro farm ang inaatupag ng mga kumag. Tsk

"You has been slain!"

"Arrrrgggggg!" Sigaw ko 'nung napatay ang hero ko ng kalabang hero. Kamuntik-muntikan ko nang maitapon ang cp ko dahil sa inis. Kung hindi lang mga bono ang kakampi ay hindi matatalo ang side lane namin. Bwiset!

Simula noong tinigilan kong mag laro ng mga vrmmorpg ay iginugol ko na lahat ng oras ko sa larong ito kapag walang ginagawa. Global din kasi ang mga nag lalaro nito at saka mas mabuti na din ito kesa doon sa dati kong nilalaro.

Teka anong oras na ba? Tila yata nakakaramdam na ako ng gutom. Kanina pa ako naka babad dito sa kwarto, patay ang mga ilaw, serado ang pinto at bentana, tanging liwanag lamang ng cellphone ko ang naaaninag mo.

Dahil nasa 60 seconds pa naman bago ako ma resurrect muli ay minabuti ko munang lumabas at kumain sa ibaba. Hindi na din kasi muna ako pumasok ngayon dahil tinatamad ako. Bakit ba e gusto kong hindi pumasok total malapit na naman ang intramural meet namin kaya busy silang lahat sa preparations sa school.

Nang bu-buksan ko na pintoan ay may nakita akong isang papel? Teka saan galing 'to? Wala naman ito kanina? At wala naman akong natandaang may dala ako nito kagabi o kanina. Ang na-aalala ko lang ay nag inuman kami ni Haise dito sa bahay dahil daw birthday niya kahapon kaya niyaya niya ako magpakalasing. *Gasp* Napa gasp nalang ako ng maalala kong na lasing pala ako kagabi! Pero bakit 'meron nito dito? Don't tell me na dinala ito ni Haise dito kagabi? Hay naku kahit kailan talaga ang kakulitan ng hunghang na iyon.

"Odette my beautiful odette,"

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nabuhay na pala ang hero ko kaya hindi ko naituloy ng balk na kumain kaya bumalik ako sa pag lalaro ngunit hindi din nag tagal natalo ang lane namin. Huli na nang makabawi ako. Hays! Rank down na naman. Nabawasan tuloy ng star ko. Ang dating 236 na star ay nabawasan na ng isa tuloy. Kainis! Sa Mytical Glory kasi paramihan ng star kaya ganyan karami ang star ko pero nabawasan na ng isa. Sad.

Napatingin muli ako sa fliers na hawak-hawak ko. Familiar ang larong ito sa akin.

Dances of the Dragons, pagkabasa ko sa kung ano ang nakasulat na title. Ah! Naalala ko na, ito siguro ang sinasabi sa akin ni Haise na DOD.

"A game with only magics involved! Join now and play for you can experience another thrilling journey inside! Register now and be one of us!……" Mahabang basa ko sa kung anong nakasulat sa nakalagay sa papel na hawak ko. May disenyo itong dragon at may libro na tinatawag na grimoire ayon sa naka sulat. Marahil dito nakalagay ang mga spells na ginagamit dahil halata naman kasi sa pangalan palang na Grimoire o kilala bilang spell book kung sa ibang term mo pag babasihan. Napansin ko din na walang ibang class bukod sa Mage at subclass nito. Tanging magic user lamang pala ang larong ito at walang mga warrior, o knight. Nakakamangha at kakaiba itong larong ito ah. Sogoiiii!

Eh? Teka, bakit nga ba ako namamangha sa ganitong klaseng laro? Ayoko na bumalik sa ganitong klaseng game. Ayoko na ding maging pabigat sa mga kaibigan ko kung mer'on man at ayoko nang mag laro ng tulad nito. Tapos na ako sa ganitong klaseng laro. Mas mabuti pang mag laro na lamang ako ng mobile legends wala pang sagabal at walang sakit sa katawan.

DANCES OF THE DRAGONS Where stories live. Discover now