DOD 1- The New Adventure VII

111 16 0
                                    

IN GAME

CAT AND THE DOG

katahimikan lamang ang namayagi sa amin ni kuya habang naka upo sa may tabi. Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa mga tulong niya. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakapag palevel hanggang level 5.

"Ah sa tanong mo pala kanina, dahil iyon sa malalakas na mga mobs na nasa labas ng bayan. Kailangang may sapat na level ang bawat novice na bagohan. Nasa level 7 pataas kasi ang mga mobs dito kaya mahihirapan ka kung nasa level 1 ka palang," pang babasag niya sa katahimikan. Kaya naman pala ganun ang way ng mga quest at ang mga rewards. Kadalasan kasi may quest pero pera lang ang rewards o may exp naman pero kailangan mong pumatay ng mga mobs sa labas pero dito kahit kausapin mo lang ang isang NPC ay malaki na ang reward na makukuha mo.

"Ah siya nga pala, nag lalaro ka ba ng ibang game na tulad nitong DOD dati?" Tanong niya. Naputol ang pag iisip ko ng bigla siyang mag salita muli.

"Ha?" Balik tanong ko dito. Hindi ko kasi na rinig ng maayos ang sinabi niya. Masyado ata akong nag iisip ng mga bagay bagay na hindi naman dapat isipin. Napapansin ko sa sarili ko na ang dalas ko ata ngayon mag isip.

"Sabi ko nag lalaro ka ba ng ibang VRMMORPG bukod dito sa DOD?" Pag ulit nito.

"Ah oo dati."

Napatango lang siya ulit hanang nakatingin sa kung nasaan ang mga adventurer na nag lalakad. Hanggang ngayon namamangha parin ako sa ganitong scenario. Iba't ibang uri ng mga lahi ang ngayo'y nag sasama sama sa iisang lugar. Dati kasi sa computer ko lang nakikita ang tulad nito at sa dating nilalaro ko naman dati ay walang ibang mga lahi na tulad nito.

"Ah nga pala Haoin, hindi na kita matutulongan sa pag papalevel up dahil may mga gagawin pa ako sa guild namin. Kailangan na daw kasi ako doon." Wika nito.

"Ah okay lang po kuya. Kaya ko na po sarili ko, hindi naman po ako bago sa ganitong klasing laro." Sagot ko dito. Mas mabuti nalang din ang ganito dahil ayokong maka abala sa kanya. May mga gawain pa siya sa guild niya at ayoko naman makaistorbo dito. Ayoko din na tangalin siya sa guild niya.

Pagkatapos ko sabihin ang pag sang-ayon ko ay may ibinigay muna siyang isang egg. Nakita daw niya ito sa isang raid dati ngunit hindi niya alam ang pangalan dahil wala itong pangalan na naka lagay at kahit anong detalye wala din. Kulay puti ito na parang may kaliskis na desenyo. Ang hinala niya ay isa lamang itong swamp monster dahil doon niya ito nakita. Baka nga daw isa itong Crococrock. Isang uri ng buwaya na kulay puti, may matutulis na spike sa likod at matutulis na kuko, meron ding patutulis na mga spike sa kanyang buntot at sungay sa gitna ng kanyang noo. Ayon sa sinabi niya noong tanongin ko ito ng kung ano ang itsura ng sinasabi niyang Crococrock.

Dahil wala naman akong ginagawa ay mas naisipan ko munang mag libot libot sa buong centro ng Elin City. Nakaka mangha parin kasi pag masdan ang paligid. Napaka daming mga buildings na nakatayo dito at ang kakaiba dito ay may color coding. Napaka colorful ng buong paligid at nakakagaan ng pakiramdam.

Ilang oras nadin akong nag lilibot dito at naramdaman ko na nga ang pagod kaya mas minabuti ko munang magpahinga. Ang laki pala dito halos malibot ko na ang buong Elin City pero sa utak ko lang pala 'yun na malilibot ko agad dahil sa subrang lawak nito na kasing lawak ng lugar ni superman ay paniguradong aabutin ako ng dekada pero biro lang ulit. Tama lang ang laki nito na may apat na wings. East, West, North at South. At kasalukoyang nasa centro ako ng Elin City malapit sa may Center Fountain nakaupo dahil napagod. May ibang part pa akong hindi napupuntahan dahil hindi ko na nakaya dahil sa pagod.

"Ah H-hi?" Wika ng isang babaeng narinig ko malapit sakin.

"Hello?" Pag ulit nito. Ano ba itong babae ang ingay alam niyang may natutulog dito eh.

"Ah k-kuya, kuya gising po!" Medyo may diin na wika nito kasabay ng naramdaman kong may dumampi sa ilong ko. Nakaka inis na ha? Kanina ang ingay tapos ngayon nilalamok na din ilong ko. Hay naku!

"Gigising ka diyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?!" Medyo may galit na ito. Bastos naman ng babaeng ito kung maka utos doon sa sinasabihan niya ay parang siya na ang boss dito.

"Ah ganun ha?" huling dinig ko dito at biglang may naramdaman akong tumalsik talik sa mukha ko na tubig. Uulan ata dahil sa tubig na tumulo sa mukha ko pero bakit tila pa isa isa?

*Blurp*

*Cough*

*Cough*

"Ano ba sa tingin ginagawa mo?! P*tang*na!" Mura kong sigaw sa babae na kaharap ko ngayon. Ikaw ba naman buhosan ng isang tubig na di mo alam kung saan nang galing at ang masaklap hindi ko kilala ang gumawa sa akin nito.

"Ikaw kasi kanina pa kita ginigising," pag papaliwanag niya.

"Hoy pusa, hindi kita kilala at wala akong natatandaang may utang ako sayo at mas lalong walang natatandaang may kilalang pusa na katulad mo!" Wika ko. Aba pwedi ko syang e demanda sa ginawa niya. Under the law 'yun aba! Labag sa loob ko kaya pwedi iyon tapos ikakaso ko dito ay murder. Oo dahil sa pag mumurder niya sa gwapo kong mukha na ngayon basang basa pati damit ko.

"Pasensya na, kailangan ko la---" pinutol ko ang sasabihin niya sakin dahil alam ko na ang karugtong nito.

"Hindi pwedi. Kaya umalis ka na." Madiin kong sagot. Nakakairita mukha nito plus doon sa ginawa niya kaya dagdag factor na nakakainis.

"P-pero ku---" hindi niya naituloy muli dahil tumalikod na ako at bahagyang nag lakad.

"Kuyang mama! Teka lang!" Tawag muli nito.

Napalingon ako sa kinaroroonan niya hindi dahil sa tutulongan ko siya ngunit dahil sa tinawag niya sa akin. Mama? Tang*na! Sa bata kong ito at sa gwapo kong mukha? Mukha ba akong mama na matanda? Isa nalang talaga kukutusan ko na ito.

"Hoy pusang gala! Huwag kang umaktong parang kilala mo na ako dahil ang totoo hindi!" Wika ko. Nakakainis ha? Isa nalang papatulan ko na itong pusa na ito.

"Kaya nga tinatawag kita dahil gusto kong mag pakilala ng maayos at humi---" Sagot niya. Pero bago pa man muli matapos ang sasabihin niya ay kaagad ko na itong pinutol at tumalikod.

"Hindi." Madiin kong sagot. Nag lakad na muli ako paalis sa babae na iyon. Nakaka badtrip talaga kanina lang e maganda ang araw ko pero ngayon nawala ang ganda nito dahil sa isang walang kwentang babae na sumira dito. Grrrr! Pati damit ko nabasa dahil sa kagagawan niya. Nakakainis!

Naisipan kong mag logout nalang muna dahil baka mapuyat ako para bukas sa klase. Mapagalitan pa ako ni tanda. Grabi pa naman iyon maka bigay ng parusa.

Nag online muna ako sa official page ng DOD upang tignan kung may event bang ilalabas bukas. Tama nga ang hinala ko, meron nga.

"Parang ang saya ng event na ito ah?"

DANCES OF THE DRAGONS Onde histórias criam vida. Descubra agora