Chapter 26

2.8K 72 83
                                    

TRIGGER WARNING !!

"Hurt me with the truth, but never comfort me with a lie."

Gabe's POV

NAGKATINGINAN kami nang makahulugan ni Carlson nang sabay kaming nakarating sa bahay ng mga magulang ni Ali. Tanghaling tapat ay ipinatawag kami ni Carmina dahil may importante raw siyang sasabihin. Tch. Kinausap ko ang driver ko na mauna na siya at 'wag na akong hintayin dahil baka kay Carlson na lamang ako sumabay sa pag-uwi.

Pagkaalis ng sasakyan ay saka lamang lumapit sa akin si Carlson na sumasabay sa init ng araw ang init rin ng ulo. Nilingon ko pa muna ang double doors at nang wala akong nakitang tao ay saka ako humalukipkip at hinarap si Carlson.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Tanong agad niya.

Tumaas ang kilay ko ay nagkibit-balikat. "Wala ah."

Dumiin ang titig niya sa akin. Magsasalita pa sana siya ngunit bumukas na ang pinto at niyaya na kami ng kasambahay na pumasok. Nang marating namin ang hapag ay doon namin nakita ang problemadong Carmina at Rigor. Gusto kong humagalpak sa tawa ngunit matinding pagpipigil ang aking ginawa.

"Magandang tanghali ho." Bati ni Carlson.

Humalik ako sa pisngi ng dalawa at tulad lang din ng dati, parang gusto ko na namang masuka.

"Tita, what's wrong? May problema ba?" Malumanay kong tanong nang makaupo na. Si Carlson ay nasa harap ko. Ang dalawang walanghiya ay magkatabi sa malaking kabisera.

Bumuntong hininga si Carmina at nangilid ang luha. Si Rigor ang nagsalita.

"Tumawag sa amin kagabi ang kidnapper ni Ali. Nanghingi siya sa amin ng tatlong daang milyon."

"What?" Kunyari'y gulat kong reaksyon. Nanlalaki pa ang mga mata ko at nagkunwaring halos hindi makapaniwala.

Nahagip ko ng tingin si Carlson na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Sandali lamang iyon dahil agad siyang bumaling sa mag-asawa at hindi nagpahalata. Katulad ko, sa tuwing ganitong may kaharap kami... pareho kaming nagkukunwari na walang alam. Normal niya akong kinakausap o binabalitaan ng mga alam ko naman na sa tuwing may mga tao sa paligid. Kapag nasa paligid sina Carmina, Fiona, Daddy, Garie o kung sino pa man... nagtatanong ako ng tungkol sa kaso kahit pa alam ko naman na dahil nga ako ang salarin. Nagpapanggap lamang akong walang kaalam-alam. Nagkukunwari akong gulat na gulat upang ipakita at iparinig sa mga tao na wala akong alam. Sa tuwing ganoon ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi sa akin, pero patuloy parin naman siya sa pagtatakip sa akin.

Naisip ko tuloy na mukhang gustong-gusto niya talaga ako. Para pagtakpan ako ng ganoon? Hindi iyon madali para sa kanya. Nagtataksil na siya sa kanyang trabaho. Sa tuwing sinasabi niya na tumigil na ako sa mga ginagawa ko, ang palagi niyang idinadahilan ay ang mga taong nagmamahal sa akin. Na-ikonsidera ko daw ang mararamdaman nila Daddy, Garie, Fiona, Leon at iba pa. Masasaktan daw ang mga iyon kapag nalaman ang mga ginagawa ko.

Tss. Hindi naman ako tanga. Hindi ang mga iyon ang dahilan niya. Gusto niya akong patigilin dahil mahal niya na ako. Gusto niya akong patigilin dahil hindi niya ako kayang ipakulong. Gusto niya akong patigilin dahil gusto niya akong isalba sa pagiging halimaw.

"At pumayag ho kayo? Binigyan ninyo?" Kunot-noong tanong niya sa mag-asawa.

Napasapo sa noo si Carmina at naiyak na ng tuluyan. "We had no choice, Chief! Ang sabi niya'y papatayin niya si Ali kapag hindi kami nagbigay ng per--"

"Pero, Tita! Baka niloloko lang kayo ng taong iyon. Paano kung wala naman talaga sa kanya si Ali?" Singit ko sa isang nag-aalalang tono.

"Narinig namin ang boses ni Ali, Gabe. Nanghihingi siya ng tulong. Ipinakausap siya sa akin at gusto niya na raw umuwi. Sabi ng kidnapper ay kapag nagbigay kami ng pera, ibabalik niya na si Ali." Si Rigor.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon