Chapter 13

1.6K 53 9
                                    


"Sometimes... you're not safe in your own house."

Femme Fatale's POV

BUONG pwersa kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Ali. Walang emosyong bumaling sa akin ang mukha niya. Tumaas ang kilay ko at namaywang sa harap niya.

"Hindi ka pa naman siguro nagugutom, ano? Hindi ka pa naghihingalo, e," sarkastiko kong panimula. Umigting lang ang panga niya.

Matalim kong pinagmasdan ang bugbog sarado niyang mukha. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong makakawala ako at agad ko siyang naibalik sa kan'yang pagkakabihag. Tatlong araw na pasakit ang inabot niya sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang paglaban sa akin kaya ang kapalit ay ang pambubugbog ko sa kan'ya at hindi pagpapakain sa loob ng tatlong araw.

Iyan ang napapala ng hayop na katulad niya. Ang lakas ng loob niyang magyabang sa harap ko noong ako ang bihag niya. Ang tapang-tapang niyang magbitaw ng mga salitang sa huli ay hindi niya rin naman magagawa.

"May darating dito mamaya upang gamutin ang mga pasa mo—"

"Tss. Bakit pa? Papatayin mo rin naman ako, hindi ba?" nakangisi ngunit batid ko ang galit niya.

Hindi ko napigilang matawa sa kan'yang sinabi.

"Tama! Kung tutuusin nga ay puwedeng-p'wede na kitang patayin unang araw mo pa lang dito. Pero ginawa ko ba? Hindi, 'di ba? Pasalamat ka't malaki pa ang maitutulong mo sa mga plano ko kung kaya't hanggang ngayon ay nananatili kang buhay!"

Sarkastiko siyang tumawa at iiling-iling pa.

"Ano pa ba ang kailangan mo sa 'kin? Gusto mo lang namang gumanti, hindi ba? Patayin mo na 'ko nang matahimik ka na!"

Natawa na naman ako. Nakangisi akong lumapit sa kanya at dahan-dahang umupo sa kan'yang kandungan. Nanigas siya sa kan'yang kinauupuan at matalim akong tiningnan.

"W-What the fuck are you doing?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya upang mas lalo siyang asarin. Inis niyang iniiwas ang mukha sa akin.

"Masyado ka namang mainipin. Mukhang atat na atat ka nang paglamayan, a?" pigil tawa kong saad.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mong patagalin ito. Kung papatayin mo ako, patayin mo na ako! Total ay mukhang wala na rin namang akong mapapala sa 'yo dahil ayaw mong sabihin ang dahilan kung bakit mo pinatay ang kapatid ko!" sigaw niya.

"Napaka-mainipin mo talaga, Ali. May tamang panahon ang lahat. Malalaman mo rin ang totoo. Sa ngayon ay magpapakasaya muna akong paiyakin ang mga magulang mo sa pagpapadala sa kanila ng mga bugbog sarado mong litrato. Anong malay natin... baka mauna pang mamatay ang ina mo sa atake sa puso—"

Malakas niyang ikinawag ang buong katawan niyang nakatali dahilan upang muntikan na akong mahulog mula sa pagkakaupo sa kan'yang hita. Mahigpit tuloy akong napahawak sa kan'yang batok.

Tarantado!

Matalim kong siyang tinitigan bago ako inis na tumayo.

"Huwag na huwag kang magtatangkang magpatulong na tumakas sa taong gagamot sa 'yo mamaya dahil kapag nangyari 'yon ay hindi lang mga magulang mo ang idadamay ko," malamig kong saad bago siya muling iwan.

Alas tres y media ng hapon nang dumating si Belen. Siya ang care taker ng antigong bahay na ito at minsan nang tumuloy dito kasama ang kan'yang tatlong anak. Malaki ang utang na loob nito sa akin at sa buong pamilya ko dahil kung hindi dahil sa amin ay mamumulubi sila sa hirap ng mga anak niya.

"Kahit anong sabihin sa iyo ng lalaking iyan ay 'wag mong papansinin. Huwag ka ring magatatangkang magsumbong sa mga pulis o sa kahit sino," bilin ko dito na nanatiling nakayuko sa harap ko.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon