Chapter 14

1.6K 57 19
                                    


"Too much love will literally kill you..."

Gabe's POV

NAG-UUNAHAN sa pagtulo ang aking mga luha habang nakatingin sa isang picture na naman ni Ali na bugbog-sarado ang mukha. Bagaman nakita na kahapon ang litrato ay nagsimula na namang maiyak si Tita Carmina habang pilit naman siyang tinatahan ni Tito Rigor.

This is too much. Too much.

"Kailan ba matatapos ito? Hanggang kailan pahihirapan ng taong iyon ang anak ko?" punong-puno ng hinanakit na sambit ni Tita.

"Paulit-ulit na lamang ang pananakot na ito, Chief! Hanggang ngayon ba ay wala pa kayong nahihita sa pag-iimbestiga?!" bulyaw ni Tito na ikinatungo naman ni Carlson.

"Ipagpaumanhin niyo ho, Mr. Velleres ngunit sadyang napakahirap lutasin ng kasong ito. Ang magagawa namin sa ngayon ay ang ipa-finger print ang litratong iyan. Makakatulong iyon upang matukoy kung sino ang taong nagpadala niyan."

Tita Carmina wiped her tears and looked straight to Carlson. Napatingin ako sa kan'ya at doon ko lamang napagtuunan ng pansin ang kan'yang itsura. 'Di tulad noon ay para bang ang laki ng itinanda ni Tita ngayon. Stress and sleepless nights could be seen on her face. Just like me, I bet the two of them couldn't properly sleep peacefully thinking about Ali.

"Ano na ba ang balita kay Kara?"

"Patuloy siyang minamanmanan ng mga imbestigador na ipinadala namin doon. Kailangan na lamang nila ng isa pang matibay na ebidensya upang sapilitan itong pabalikin dito sa Pilipinas."

"Do you think our son is in Barcelona, too?" tanong pang muli ni Tita.

Napabuntong hininga si Carlson at sinulyapan ako. Napalunok ako at napapunas ng luha sa buong mukha. I think I looked like a shit now. It was embarrassing!

Walang emosyon akong tiningnan ni Carlson bago muling ibinaling ang paningin sa mag-asawa. Napapahiya naman akong naitungo ang aking ulo. Until now, I felt so guilty about our last conversation. I insulted him and that was so wrong. Kinuwestiyon ko ang kan'yang pagtatrabaho kaya naiintindihan ko ang medyo malamig niyang pakikitungo sa akin ngayon. Kung hindi lang talaga ako kailangan ngayon nila Tita ay hindi ako pupunta dito dahil nahihiya akong harapin siya.

"Alam ko hong pinaghihinalaan nating pare-pareho si Ms. Martinez ngunit kung siya nga ho talaga ang kumuha sa anak ninyo at dinala pa ito sa ibang bansa... hindi ba kataka-taka kung paano niya itong mailalabas ng bansa gayong halos buong Pilipinas ay alam na nawawala ang inyong anak?"

Natigilan kaming lahat at nagkatinginan.

"Mahihirapan siyang ilabas si Aljon. Haharangin siya sa Airport kung sakali kung kaya't napakaimposibleng kasama niya si Aljon sa Barcelona," pagpapatuloy ni Carlson.

"Uhm..." naibuka ko ang bibig ko. Napatingin silang tatlo sa akin. "Baka naman mayroong siyang pagmamay-ari na private plane? At iyon ang ginamit niya upang maisama niya si Ali? What do you think?"

Nagliwanag ang mukha ng mag-asawa at batid kong dahil iyon sa nakuha nilang may punto ako ngunit ako man ay hindi sigurado sa isiping iyon. Nilingon ko si Carlson at naabutan ko siyang mariin nang nakatingin sa akin. Bakas na bakas ang pagiging sarkastiko ng kan'yang tingin at hindi ko naman alam kung bakit. Bahagya siyang ngumisi.

"Posible. Pero... maaari ring may kasabwat talaga siya sa mga ginagawa niyang ito. Pup'wedeng isinama niya si Aljon sa Barcelona gamit ang pribadong eroplano o... iniwan niya ito rito at pinabantayan sa kung sino mang kasabwat niya," paliwanag niya at nagtanguan naman kami. May punto rin siya.

"Ngunit sa huli... hindi pa rin tayo sigurado kung talagang may kinalaman nga si Kara sa nangyayari. Ang bracelet na natagpuan sa crime scene sa pagpatay kay Mr. Mariano ay patuloy pang inaalam ng mga kasamahan ko kung sino talaga ang tunay na nagmamay-ari. Ang lahat ng mga nasabi ninyo ay puro konklusyon lamang at wala tayong kasiguraduhan."

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon