Chapter 11

1.8K 61 11
                                    


"How much do you know her?"

Gabe's POV

INILIPAG ni Leon sa lamesa namin ang mga pagkaing inorder niya. Naupo na siya sa harap namin ni Fiona at kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang pagmamasid niya sa akin. Nagkunwari na lamang ako na abala sa pagtingin ng mga pagkaing binili niya.

"Salamat, Leon. Buti at nakasabay ka sa aming kumain?" si Fiona sa isang masiglang tono.

"Ang tagal ko na rin kayong hindi nakakasama, e. Hindi kasi nagtutugma ang schedule ng mga vacant natin," sagot ni Leon.

Napatingin ako sa kan'ya at naabutan ko siyang nakatingin na sa akin. Ngumiti siya kung kaya't napilitan na rin akong ngumiti. Dalawang taon na naming ka-blockmates ni Fiona si Leon. Palagi namin siyang nakakasama noong nasa ikalawa at ikatlong baitang kami sa kolehiyo. Ngayon fourth year lamang siya napahiwalay dahil aniya'y nahuli siya sa pag-eenroll kung kaya't naubusan siya ng slots sa mga sections na nakuha namin.

Bumuntong hininga ako bago ko tikman ang soup sa harap ko. Wala akong gana. I felt very tired even on eating. Overthinking, worries, and frights were making me exhausted for the past weeks. Hindi na yata matatahimik pa ang utak ko. Hanggang wala si Ali ay hindi ako magkakaroon ng peace of mind.

"Sis, okay ka lang? May sakit ka ba?" tanong ni Fiona sa isang nag-aalalang tono.

Nilingon ko siya sa aking tabi at pilit na nginitian.

"Yeah, I'm fine. I guess I'm just tired."

Tinitigan pa ako ni Fiona. Naniningkit ang mga mata niya.

"Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa pag-iimbestiga. Ipaubaya mo na lang 'yon sa mga pulis."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o nahimigan ko talaga ng inis at pagkairita ang tono ni Fiona nang sabihin niya iyon. Hindi ba p'wedeng isantabi niya muna sa ngayon ang hidwaan ng pamilya niya at pamilya nila Ali?

Ali's missing! Couldn't she just be a little sensitive to my feelings right now? Para siyang walang pakialam, e. More so, parang natutuwa pa siya na nawawala si Ali ngayon. Hindi niya man sabihin, nararamdaman ko naman.

"CR lang ako," biglang paalam niya.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi niya na nakita iyon dahil agad na siyang tumayo at naglakad patungong CR.

Napailing-iling ako at pinilit na lamang ang sarili na kumain. Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan kong nakatingin si Leon sa daang tinungo ni Fiona. Bumuntong hininga siya at tumingin muli sa akin. Uminom siya ng tubig bago nagsalita.

"Kamusta na ba ang paghahanap niyo kay Aljon?"

Napanguso ako.

"Ayon... wala pa ring makapagturo sa amin kung nasaan siya."

Marahan siyang tumango.

"Wala ba kayong mga pinaghihinalaan?"

Natigil ako sa pagsandok ng kanin at napaangat ng tingin sa kan'ya. Kumunot ang noo ko at napaisip.

"Hmm... si Kara. Kaso hindi pa namin napapatunayan kung may kinalaman nga siya."

Marahan ulit ang naging pagtango niya.

"Ingat ka... baka nasa tabi-tabi lang," makahulugan niyang saad na nagpaawang ng bibig ko.

Nagbaba siya ng tingin sa kan'yang plato at nagpatuloy na sa pagkain.

Kinahapunan ay pinapunta ako ni Carlson kina Tita Carmina. May nais daw silang ibalita. Hindi ko naman alam kung good o bad news ba iyon. Nang makarating ako roon ay naroon ulit sila sa malaking hapag kainan. Kasama rin ni Carlson ang dalawang pulis na palagi niyang nakakasama sa imbestigasyon. Humalik ako sa pisngi ni Tita Carmina at Tito Rigor bago maupo.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon