Chapter 19

1.5K 42 3
                                    


"People always get what they deserve."

Gabe's POV

IYAKAN ang bumalot sa unang burol ni U.S Agent, Jason Vasquez. Walang humpay sa kakahagulgol ang mga magulang nito sa tuwing may sasalubunging kapamilya. Napabuntong hininga ako at napayuko na lamang dahil sa sakit na nakikita ko sa bawat isa sa kanila.

I couldn't stand seeing them grieving because I feel like I was also one of them. Sa tuwing may pinupuntahan akong lamay ay naiiyak ako kahit pa hindi ko naman gaanong kakilala ang pumanaw. It was just so painful to hear cries, to see swollen eyes, and to witness goodbyes. I could feel their pain. I could feel their loss.

I didn't witness my Mommy's death because I was just a baby when she died. Wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo. Hindi ko pa naiintindihan ang mga pangyayari. Hindi ko pa alam kung bakit umiiyak ang mga tao at lalong hindi ko pa alam kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay.

But as I was growing, I got to understand how painful losing someone is. How hard it is to not have them anymore. Mommy always have a big space in my heart and each time I see her picture or hear about her, my heart hurt so bad. Hindi ko man siya nakasama nang matagal, hindi ko man matandaan ang pag-aalaga niya, at hindi ko man lubusang nasaksihan ang pagkawala niya... I still grieved for her.

Nakaukit na sa puso ko 'yong sakit magmula bata ako hanggang ngayon. That when she died, her mark left buried deep within my soul that until now I'm still mourning for her.

"Kawawa naman si Jason. Umuwi lang naman siya rito para makatulong pero bakit kailangang mangyari ito sa kan'ya?" naluluhang sambit ni Tita Carmina sa tabi ko.

Hinagod ni Tito Rigor ang kan'yang likod at muli na naman akong napabuntong hininga. Malungkot kong nilingon si Carslon na katabi ko rin sa kabila namang banda. Seryoso siyang nakatingin sa kabaong na animo'y pagkalalim-lalim ng iniisip. Hindi ko na tatanungin kung ano iyon dahil sigurado akong tungkol iyon sa kaso na hanggang ngayon ay hindi mareso-resolba. Wala pa ring Ali na lumilitaw at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Mababaliw ako ng kaiisip.

Idagdag pa itong nangyayari ngayon sa katawan ko. Hindi ko pa tuluyang nakukumipirma kung ako'y nagdadalangtao nga. Hindi ako makapaglaan ng oras sa pagpunta sa doktor o kahit man lang sa botika para makabili ng pregnancy test. Masyado akong maraming iniisip na totoong nakakapagpapagod sa akin ng husto.

Nang maramdaman ang tingin ko ay binalingan ako ni Carlson. Nagtaas siya ng kilay—tinatanong kung bakit ako nakatingin sa kan'ya. Bumuntong hininga ako. Sumulyap ako sa kabaong sa harap at muling ibinalik ang tingin kay Carlson.

"Kamusta ang imbestigasyon na isinagawa ninyo sa condo ni Jason?"

Napapikit siya. He massaged the bridge of his nose before he shook his head in frustration. Kitang-kita ang disappointment sa kan'yang mga mata nang magmulat siya.

"Mahirap tukuyin kung sino ang may gawa no'n. Walang naiwang gamit mula sa suspek na pup'wedeng makapagturo kung sino ito. Ang baril na ginamit kay Agent Vasquez ay hindi natagpuan. Mukhang dinala ng suspek upang hindi magamit sa pag-iimbestiga. Napakatalino. Napakatuso."

Bagaman mahinahon ang pagsasalita ay nakitaan ko pa rin ng galit ang mga mata ni Carlson.

"Umaasa akong magiging maganda ang kahihinatnan ng kasong ito, Carlson. May tiwala ako sa 'yo. Alam kong hindi mo ako bibiguin."

Ilang segundo siyang natulala sa akin bago mariing umigting ang panga. He inhaled and exhaled deeply before he broke our eye contact. Naagaw naman ang atensyon ko nang magsalita si Tita Carmina.

"Paano kayang nakapasok ang hayop na iyon sa condo ni Jason? Parang napakaimposible naman yatang hindi siya nakita sa CCTV ng bawat palapag, hindi ba?"

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon