Chapter 6

2K 72 10
                                    


"Don't fall easily; remember, looks can be deceiving sometimes."

Gabe's POV

HINANAP agad ng aking kamay ang cellphone ko pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Kinusot ko ang aking mga mata bago tiningnan ang screen ng cellphone. Wala akong nakitang kahit anong missed call o text mula kay Ali.

Tuluyan na akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Alas nueve pa ng umaga ang pasok ko kung kaya't maya-maya na ako maghahanda para sa pagpasok. Alas siyete pa lang naman.

Bumaba ako at naabutan kong nag-aagahan na sa hapag kainan sina Daddy at Garie. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko nang lumapit ako sa kanila.

"Good morning, anak. Hindi ko na namalayan ang pagdating mo kagabi. Ano oras kang nakauwi?" tanong sa akin ng daddy.

Umupo na ako at nagsandok na rin ng pagkain.

"Mga magtu-twelve na, Dad. Si Garie ho, baka gusto ninyong tanungin?" sarkastiko kong pahayag.

Agad na nanlisik sa akin ang mga mata ng kapatid ko.

"Why? You went somewhere, too?" takang-takang tanong ni Dad kay Garie.

"Birthday po ng kaibigan ko."

"Bakit hindi niyo rin po tanungin kung anong oras siyang nakauwi?" sarkastiko na naman ang boses ko.

"Garie! Ano ba itong sinasabi ng ate mo? At bakit hindi ka nagpapa-alam sa akin? Bigla-bigla ka na lamang umaalis, dis-oras ng gabi?" ngayon ay galit na ang tono ni Daddy.

"D-Dad... b-biglaan po kasi 'yong pag-invite sa 'kin. Ayaw ko na po kayong gisingin kaya hindi na ako nakapagpaalam."

"Tss. Excuses," pasaring ko.

Lalong sumama ang tingin sa akin ni Garie at tinaasan ko lang siya ng kilay. Umiling-iling si Daddy na halatang dismayado.

"Buti pa itong ate mo, palaging nagpapaalam sa akin. Kung hindi man, si Aljon ang nagpapaalam."

Hindi na sumagot pa si Garie at nagpatuloy na sa pagkain. Ganoon na rin ako ngunit hindi ko maiwasang sulyapan ang aking cellphone.

"Gabe... we're eating. Stop using your phone," saway sa akin ni Dad.

"Sorry, Dad. Si Ali po kasi, hanggang ngayon ay walang paramdam magmula nang ihatid niya ako rito kagabi. Hindi ko siya ma-contact. Ni hindi ko alam kung nakauwi ba siya ng maayos kagabi. Nag-aalala na ako."

"Baka naman nakatulog agad pagkauwi na pagkauwi kung kaya't hindi ka naite-text. Malamang ay tulog iyon hanggang ngayon."

Tumango na lamang ako.

Nang dumating ang alas ocho y kinse ay halatang-halata na nila Daddy na hindi ako mapakali. Anong oras na! Hanggang ngayon ay wala pa rin si Ali.

"Are you sure he's going to pick you up, anak?" narinig ko ang boses ni Daddy sa likod ko.

Isinenyas ko sa kan'ya ang cellphone kong nasa tainga ko. Maya-maya ay natatarantang hinarap ko na siya.

"Unattended ang phone niya, Dad! Kagabi pa! Imposible namang hanggang ngayon ay ganoon. Kung nasa bahay lang nila siya, hindi magiging unattended ang numero niya. May signal doon. Dad, nag-aalala na ako." Halos maiyak na ako sa harapan ni Dad.

Bakas na bakas sa mukha ko ang takot at pag-aalala. Bigla ay para bang hindi ko na malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Calm down, hija. Ako na lang muna ang maghahatid sa 'yo sa school. You'll get to talk to Aljon later, don't worry."

Pagkarating na pagkarating ko sa eskwelahan ay nilapitan ko agad ang mga pamilyar na mukha na madalas nakakasama ni Ali.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon