Chapter 12

1.8K 57 9
                                    


"The only one you can fear of is the devil inside you."

Femme Fatale's POV

LUMAGAPAK sa pisngi ko ang mabigat na kamay ni Ali pagkalingon na pagkalingon ko. Halos mahilo ako sa lakas at sakit no'n kung kaya't sumubsob ako sa sahig. Muntik pang tumama ang ulo ko sa paa ng kama na siyang gawa sa isang matigas na bakal.

Nang makabawi ako sa sakit na naramdaman ay agad akong tumayo. Ngunit pagkaharap ko sa kinaroroonan ni Ali ay sinalubong ng sikmura ko ang matigas niyang kamao.

"Ah!" napangiwi at napasigaw ako sa sakit. Mariin akong napahawak sa braso niya ngunit agad ding lumuwag iyon nang isa na namang suntok sa sikmura ang natanggap ko.

Namilipit ako sa sobrang sakit at nanlabo ang paningin ko. Para akong lantang gulay na unti-unting nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang malakas na tunog ng sa tingin ko'y ring tone. Nag-unat ako at unti-unting idinilat ang mga mata. Tumutunog pa rin ang ring tone at tuluyan na nga akong napadilat nang mapagtanto kong cellphone ko iyon. Napabalikwas ako ng bangon ngunit agad ding natigilan dahil sa biglaang pagsakit ng isang braso ko. Nang tingnan ko ay nakaposas pala ito sa rehas ng metallic head ng kama.

Gulat akong napalingon kay Ali na prenteng-prenteng nakaupo sa monoblock na nasa gilid ng kama habang mariing nakatitig lang sa akin. Ang mga kamay niya ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. Mukhang kanina pa nito pinanonood ang bawat galaw ko kung kaya't bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa.

"What the fuck is this?! Pakawalan mo 'ko!" sigaw ko.

Wala siyang naging reaksyon.

"Pakawalan mo 'ko, Ali! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko 'pag pinatagal mo pa ito!"

Umigting ang panga niya at napalitan ng galit ang kanina'y walang ekspresyon na mukha.

"Tanga ka ba? Bakit kita pakakawalan? Kung kailan nakawala na 'ko?" sambit niya sa isang nakakainsultong tono.

"Fuck you! Anong balak mong gawin sa 'kin, ha?!"

Bigla siyang napangisi at hinagod ng tingin ang katawan ko. Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya.

"Pag-iisipan ko pa."

Napuno ng takot ang dibdib ko at paulit-ulit kong hinila ang posas na nakalagay sa isang palapulsuhan ko at sa rehas ng kama. Gamit ang isang malaya kong kamay ay pinilit ko itong kalasin. Kailangan kong makawala at makaalis dito! Hindi ako pupwedeng mawala sa paningin ng mga tao dahil baka maghinala sila! Ilang beses pa akong sumubok na makawala ngunit walang epekto.

"Huwag ka nang magpakapagod. Sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makawala?"

Muli akong napatingin kay Ali. Wala na namang ekspresyon ang kan'yang mukha na nakamasid sa akin. Tiningala ko ang wall clock na nakasabit sa itaas ng kama. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sa alas sais bente nakatutok ang mga kamay ng orasan. Umaga na?! Ganoon ako katagal na nakatulog sa suntok ng hayop na 'to?!

"Umaga na pala! Sa tagal ng pagkakawala ko ng malay, bakit hindi ka na lang tumakas?! Malaya ka na, ano pang ginagawa mo rito?!"

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pa siya nananatili rito kung pup'wede naman siyang tumakas at umalis na kagabi noong nawalan ako ng malay. Nagsisimula na tuloy akong kabahan kung ano talaga ang tunay niyang pakay sa akin. Lalo na ngayong nakaposas ako at walang kalaban-laban.

"Marami pa akong gustong malaman mula sa'yo bago kita isuplong sa mga pulis."

Nanggigil akong bigla at napairap na lamang.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon