"Wait.. Paano nasali sa usapan ang babaeng iyon?" Napatingin ako sa kanya, nandoon parin ang gulat at pagkalito sa mukha nya.

"Is there something I need to know?" Nanliit ang mga mata nya habang masuri akong tinitignan. Kaagad akong umiwas ng tingin, hindi na ako nag-abalang sagutin sya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at nagkunyaring nakikinig sa mga kasama namin.

"Hey" Ramdam ko parin na nakatingin sya sakin kahit na hindi na ako ulit nagsalita. Iniwas nya lang ang paningin nya noong napagtanto nyang wala na akong balak na harapin at sagutin sya.

"Ganito na lang, text namin sa inyo yung location, then sunod na lang kayo samin" nakangiti nang sabi ni Keith.

"Yan rin nga yung napag-usapan namin" sagot ni Clyde habang tumatango, inumpisahan na nyang ubusin ang pagkain nya.

"We can skip class" maikling sagot ng nasa tabi ko.

"No, we can't. You can't. Masyado nang marami ang absent mo. Ilang beses ka nang nag-cutting this month" sabat ni Clyde.

I agree. Kahit ako ay nakapag-absent ng dahil sa kanya. I remember the last time na sinama nya ako palabas ng school. Sinabi nya na absent yung professor but the truth is hindi naman talaga, sinabi nya lang iyon para pumayag akong sumama sa kanya.

"It's okay. I am the grandson of the ow---------"

"Still no. Papasok tayo, dude. Magte-test lang naman tayo sa last subject. Don't worry, makakasunod din tayo kaagad. Isipin mo nalang na paalis na tayo at nakasakay na sa mga sasakyan natin pero nakalimutan mo yung trust mo kaya bumalik ka ulit sa room" nakangiting sagot nya at proud na proud pa sa sinabi.

"Wow. What a example"

"Shut the f*ck up, Clyde!"

Halos sabay na sabi namin ni Kean. Kita ko ang paglingon niya sakin, umiiling na ibinalik nya ang paningin sa harapan ng hindi ko sya tinignan. Tumawa lang si Clyde at nagkibit-balikat. Ilang beses pang nag-asaran ang boys sa sinabi ni Clyde.

Ilang sandali pa ay nagdesisyon na akong umalis doon. Nagpaalam akong mauuna na sa kanila sa classroom. Nakakailang hakbang na ako ng marinig ko ring magpaalam si Kean sa kanila.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba, binilisan ko ang paglalakad ko sa pag-aakalang susundan nya ako.

Hindi nga ako nagkamali. Saktong nakalabas ako sa canteen ng may humila sa kamay ko. Hindi na ako nag-abalang magpumiglas dahil panigurado namang hindi nya ako hahayaang makawala.

Huminto kami ng nasa lilim na kami ng malaking puno, ngayon ko lang napagtanto kung nasaan kami. Nakalimutan ko na kung kailan ako huling nakapunta dito. Dito ko nabulls eye si Kean noon, dito din nawala yung... nevermind.

"Bakit?" Hindi ko pinahalata ang kabang nararamdaman ko. Huwag kang magtanong.. huwag kang magtanong pleaseee.

Hinintay ko syang magsalita ng hinarap nya ako. Nakatingin lang sya sakin, para bang naninimbang. Sinusubukan nyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Iniwas ko ang tingin ko para hindi nya makita sa mga mata ko kung ano ang bumabagabag sa akin.

"Don't tell me you're mad at me? Last time I check, ikaw ang may nagawa o nasabing hindi maganda sa akin. Wala akong makitang rason kung bakit ka magagalit sakin" seryosong bigkas nya.

"I'm not mad"

"Oh really? Are you expecting me to believe you huh?" He's laughing but there's no rumor in there. Hindi ko maiwasang hindi mairita sa inaakto nya.

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now