"Obvious ba?" Naikagat niya ang pang-ibabang labi.

"Para sa ikakatahimik mo, sasabihin kong hindi," natatawang wika ni Philip. Pati siya ay natawa na rin sa sinabi nito. Napakabait nito sa kanya at masarap itong kasama. Siguro kung hindi niya lang naunang minahal si Alfred ay hindi imposibleng magagawang mahalin niya rin itong si Philip. Lihim niya na lang hiniling na sana ay makatagpo rin ito ng tamang babae para dito. "You're really nice, Zhel and I like you a lot. Mula pa noon ay gusto na kita pero wala eh, may gusto ka nang iba."

"Sorry," sinserong wika niya.

Naging mabuti kasi ito sa kanya pero hindi niya magawang masuklian ang pagmamahal nito.

"It's okay." Mapang-unawang nginitian siya nito. "Gusto ko lang na maging masaya ka. Kung kay Alfred ka sasaya, hahayaan na kita. Pero sana ay sigurado ka sa ginagawa mo. Hindi naman sa nakikialam ako pero may nobya siya at kapatid mo pa."

"Alam ko naman na iyon." Yumuko siya para itali ang plastic na nalagyan niya na ng iba pang goods. "Hindi ko naman siya aagawin kay Cherry. Puwede ko naman siyang mahalin nang ganito lang. Okay na ako doon. Okay na akong ipagkasya ang sarili ko sa kaya niyang ibigay."

Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito.

"Napakabuti mong babae, Zhel at ang mga katulad mo, hindi dapat nagtatiyaga sa kakarampot na pag-ibig na kayang ibigay ng isang tao. You deserve so much more, Zhel. Sana maisip mo iyon," si Philip.

Parang may mainit na bagay na lumukob sa puso niya dahil sa sinabi nito.

"Salamat sa pagmalasakit pero wala eh, tanga talaga."

Napangisi siya. Akala niya ay papagalitan siya nito pero nagulat na lang siya nang mapahalakhak din ito. He threw his head back laughing. Pati siya tuloy ay nadala na sa pagtawa nito dahil nakakaaliw iyong pakinggan.

"Maganda ka nga at matalino pa. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan kita, eh tanga ka naman talaga pagdating sa pag-ibig," biro nito sa kanya.

"Ay! Grabe siya! Mapanglait!" Nang tampalin niya ito sa braso ay lalo pang napahalakhak ito.

"Pero kahit ano pa man ang makakapagpasaya saýo, susuportahan kita. At kapag nasaktan ka, lagi naman akong handang damayan ka," maya-mayaý wika nito.

"Ihanda mo na ang sarili mo dahil anytime ay alam kong masasaktan ako," aniya.

"Sira ka talaga!" Pero bago pa man siya makasagot ay bigla na lang siyang niyakap ni Philip. Nagtataka man ay hinayaan niya lamang ito dahil iyon lang naman ang kaya niyang maibigay rito para sa kabutihan nito sa kanya. "Sorry sa biglaang pagyakap ko pero nasa likod mo si Alfred," bulong ni Philip sa kanya. Akmang lilingon sana siya pero lalong hinigpitan ni Philip ang pagyakap sa kanya.

"Hayaan mo siyang makita niya tayong ganito. Hindi ko ito ginagawa para magkasira kayo pero ginagawa ko ito para once and for all ay maisip na niya kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Ikaw siguradong sigurado na sa kanya pero siya hindi?"

"Salamat sa pagmamalasakit mo sa akin, Philip."

"Kahit ano, gagawin ko para saýo,"wika nito saka siya pinakawalan.

Nginitian pa siya nito bago bumalik sa ginagawa kanina. Nahuli niya pang makahulugan siya nitong tingnan at agad niya namang nakuha ang gustong sabihin nito. Hindi kasi nagtagal ay bigla na lang may humablot sa kamay niya at hindi niya na kailangang lumingon para malamang si Alfred iyon. Pamilyar na kasi ang init na hatid ng palad nito sa kanya.

"O, kamusta?" nakangiting wika niya nang lingunin ito.

Ngunit wala yatang balak itong suklian ang ngiti niyang iyon dahil matalim ang tingin nitong ipinupukol kay Philip. Tila wala namang pakialam si Philip dahil todo pa ang ngiti nito kay Alfred. Lihim niyang hiniling na sana ay umubra ang ginawa nito kanina.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Where stories live. Discover now