Chapter 4

1K 20 0

"NANDITO na tayo," anunsiyo ni Alfred nang inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng main door ng mansiyon ng mga Curativo.

Kung kanina ay parang cool lang si Zhel kahit pa ramdam na ramdam na niya ang tensiyon nila ni Cherry sa isa't isa noong nasa kotse sila, ngayon ay parang hindi niya na kayang umakto pang cool lalo pa at sa isang saglit lang ay papasok na siya sa impyerno, este sa bahay ng ama niya.

Kung kanina kasi ay kaya niya lang ignorahin ang kaartehan ni Cherry at pang-iinggit nito sa kanya dahil nobyo nito ang bestfriend niya, ngayon ay hindi keri ng powers niya na harapin ang ina nitong sampung beses pa ang sungit kaysa sa anak. Kung si Cherry lang ay kaya niyang barahin pero hindi ang reyna ng kamalditahan.

Bumaba na si Alfred para pagbuksan ng pinto si Cherry na agad namang bumaba. Samantalang siya ay lihim na tinatawag niya na ang lahat ng mga santo sa kalangitan para gabayan siya.

"Ano? Tara na," yaya sa kanya ni Alfred nang pagbuksan rin siya ng pinto.

"Alam kong kayang kaya kong makipagsabunutan sa mga bashers mo pero hindi ko yata kayang harapin ang evil witch," nangangambang wika niya. Natawa ito sa kanya.

"Ano ka ba?! Kayang kaya mo 'yan!"

"Hindi siguro. Naiihi na nga ako," aniya.

Isang beses pa itong napahalakhak sa kanya. Napakaganda nitong pagmasdan lalo pa at para itong bata kung makatawa. Aliw na aliw ito at ang mga pisngi nito'y bahagyang namumula. Tila ba napapanatag ang kalooban niya dahil lang sa narinig niya ang pagtawa nito.

"Sisiw 'yan sa'yo. Tandaan mo, ang bida, sa una lang naaapi," anito. Alam ni Zhel na pinapalakas lang nito ang loob niya.

"Eh bakit antagal ko namang apihin? Gaano ba kakapal ang kuwento ng buhay ko? Kasing kapal ng encyclopedia?" aniya. Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.

"Huwag kang mag-alala. Kaya mo ito. Saka ilang buwan lang naman eh." Sana nga lang ay mapabilis ang pag-alis niya sa bansa para hindi na siya magtagal na manirahan sa bahay na iyon. "Kapag nalagpasan mo ang pananatili mo rito hanggang sa makaalis ka ay ililibre kita ng dinner," dagdag pa nito. Biglang nagliwanag ang mga mukha niya.

"Talaga? Parang date?"

Alam niyang hindi niya iyon dapat sabihin pero nasabi niya na kaya bahala na. Saka kailangan niya naman ng isang bagay na magiging inspirasyon niya para naman malagpasan niya ang kung anumang panganib na naghihintay sa kanya.

"Asa ka!"

"Hoy, paalala ko lang sa'yo. Ikaw ang naglagay sakin sa sitwasyong ito. Kung hindi ako inaway ng ibang fans mo, eh di sana nananahimik ako sa Gypsy Café at hindi ako pinasundo ni Papa," aniya. "Alam ko namang may girlfriend ka na pero pagbigyan mo naman ako. Magkaroon man lang ako ng motivation na malagpasan ito lahat. Bakit? Hindi ba puwede ang friendly date?"

Friendly date, my ass!

Kung alam lang nito ay binibigyan niya na iyon ng kulay sa isip niya. Pero hanggang doon lang naman eh. Alam naman ni Zhel kung saan siya dapat lumugar. Matagal nang ipinabatid sa kanya ng madrasta niyang si Flerida ang dapat kalagyan niya.

"Tama ka. Kasalanan ko kung bakit kita inaway. Kung hindi kita hinalikan..." Ngunit hindi na nito ipinagpatuloy ang sasabihin sa kung anong kadahilanan. Napatitig na lang ito sa kanya na para bang minememorya ang mukha niya. Napabuntung-hininga ito."Payag na ako. Sige na. Date na kung gusto mo iyong tawaging date. Kahit ano basta magkaroon ka lang ng motivation na kayanin ito."

Awtomatikong lumuwang ang ngiti ni Zhel. Tila naglahong parang bula na ang kaba ni Zhel sa dibdib niya. Kung date lang naman pala ang kapalit. Kakayanin niya na.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!