Chapter 9

1K 27 0

MATAPOS kumain nina Zhel ay nagpunta sila sa pool area ng condo nito. Umupo sila sa pampang ng swimming pool habang ang mga paa nila ay nakalubog sa tubig,

"Tuloy na tuloy ka na ba sa Italy?"

"Oo. Matagal ko namang plano ito 'di ba? Ngayon lang talaga ako nakahanap ng maayos na trabaho at siguro tamang panahon rin naman ito," wika niya habang nakatingin sa paang nakalublob sa tubig.

"Älam ko namang plano mo na talaga ito noon pa man pero bakit ngayong alam kong malapit ka na talagang umalis, nalulungkot na ako?"

Napalingon siya rito upang matuklasan na dati na pala itong nakatingin sa kanya. There's longing in his eyes. Parang may lumapirot pa nga sa puso niya hindi lang dahil sa nakikita niya itong nalulungkot kundi dahil pati siya ay ganoon rin ang nararamdaman. Pero dahil sabi nga nitong malapit na siyang umalis ay ayaw niya namang gugulin ang mga natitirang araw niyang kasama ito na malungkot.

"Ay, drama?" natatawang wika niya. Dinaan niya na lang sa biro iyon para hindi naman bumigat ang klaooban nila pareho. "Baka ma-mimiss mo lang ako dahil wala ka ng utusan, number one fan at wala ng makikipag-away sa mga bashers mo."

"Bukod pa doon," wika nitong natawa rin. Nang pinandilatan niya ito ay lalo lang itong napahalakhak.

"Pero hindi mo naman siguro ako ganoon mami-miss, eh susunod ka naman na kay Cherry hindi ba? Pupunta ka rin naman ng Singapore."

"Ewan ko." Napailing ito. "Gusto ko naman siya sundin dahil mahalaga siya sa akin kaya lang pngarap ko talaga ito eh. Alam mo naman noon hindi ba na kahit nahihirapan akong isabay sa ag-aaral ko ang pagbabanda ko ay sinikap kong magawa dahil gusto ko talaga ito." Naging saksi si Zhel sa paghihirap ng binata para matupad ang pangarap nito.

"Eh gusto naman siguro ni Cherry na magkasama kayo doon."

"Eh puwede naman kaming magkita. Hindi yung gusto niyang iwan ko ang career ko. Sayang naman kasi yung paghihirap ko para makamit ang pangarap ko. Sayang ang paghihirap mo rin kung iiwan ko rin lang naman ito." Muli itong napatingin sa tubig.

"Paghihirap ko?" nagtatakang wika niya.

"Oo naman. Mula pa lang noon sinusuportahan mo ako. Nagtiwala ka sa kakayahan ko kahit ako mismo ay nag-aalinlangan ako sa sarili ko kung kaya ko. Kaya sayang naman yung paghihirap ng mga taong tumulong sa akin para makamit ko ito." Parang may mainit na bagay na lumukob sa puso niya nang marinig niya iyon. Mahalaga rin pala ang mga ginawa niya para dito.

"Ah, basta. Kung saan ka masaya, susuportahan kita." Muli siyang nilingon nito at natawa.

"Ano ba 'yan?! Medyo nakakaantig ang sinabi ko pero hindi man lang orihinal ang sinabi mo?" natatawang wika niya.

"Eh, hayaan mo na. Basta ang point, kahit ano man ang gusto mong gawin sa buhay ay susuportahan kita."

"Eh paano pa? Kung sa Italy ka na, hindi ka na makakapunta ng concerts ko. Iba rin talaga pag nandito ka." Napangiti siya. Masarap din pala sa pakiramdam na parang kinakailangan.

"Bakit naman ang clingy mo ngayon?" Nagkibit-balikat ito saka napangisi.

"Ngayon ko lang kasi nalaman na masarap pala sa pakiramdam ang ganitong nagkakasama tayo. I mean, madalas naman tayong magkita pero ngayon lang talaga tayo nag-bonding na hindi dahil sa mga gig ko. Ngayon lang kita napasaya."

Hindi totoo iyon. Lagi siya nitong napapasaya. Hindi man sila nakakalabas nang ganoon ay okay pa rin sa kanya. Masaya na siyang nakakasama niya ito kahit saglit lang siya nitong pinupuntahan o kaya namaý pumupunta siya sa mga gig nito. Masaya siyang kahit papaanoý nararamdaman niyang mahalaga siya kay Alfred.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!