Chapter 2

1.6K 22 2


"HOY! Bawal ang nagwawala rito."

Napaangat si Zhel ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ang boses na ilang taon niya nang hinahangaan, ang boses ni Alfred.

Kung sa ibang pagkakataon ay kikiligin na sana siyang makita ito. Bagay na bagay rito ang suot nitong puting polo shirt, maong na pantalon, khaki na fedora hat at loafers na kasing kulay ng sombrero nito. Pero ngayon ay hindi niya magawang mapangiti dahil sa sitwasyon niyang kinasangkutan dahil dito.

"Kasalanan mo 'to eh!" inis na wika niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa hagdan at tinabihan naman siya nito.

"Bakit ako? Ikaw ang humalik sa akin diyan eh kaya tuloy napaaway ka!"

Nanonood kasi siya concert nito kagabi. Sa kalagitnaan ng concert ng mga ito ay napakatuwaan ng mga kabanda nitong sina Robert at Migo na magpa-contest ng isa sa mga fan na maaaring makaakyat ng stage at puwedeng mayakap ang paborito niyang miyembro ng banda. Siya ang nanalo sa contest at natural lamang na si Alfred ang miyembrong gusto niyang yakapin.

Ang problema ay imbes na yakap lang ang maganap ay bigla siyang nahalikan nito nang biglang mag-trip sina Robert at Migo na itulak si Alfred para mahalikan siya nito. It was the most beautiful accident that can happen to her because she really likes him. Pero hindi niya akalaing iyon din ang magiging mitsa ng pakikipag-away niya dahil pagbabang pagbaba niya ng stage ay bigla na lamang siyang nasabunutan ng isang obsessed fan ni Alfred at hindi natanggap na siya ang nahalikan ng binata.

"Ikaw kaya ang humalik!" wika niya pa.

"At nagrereklamo ka pa?! Wow ha, hiyang hiya naman ako sa ganda mo," natatawang wika nito.

"Bakit kasi ako pa ang pinili mo? Napaaway tuloy ako," inis na sabi niya.

"Eh bakit kasi nakipag-away ka pa?"

"Dahil loyal fan mo ako!" aniya.

Hindi niya alam kung bakit pero may napansin siyang tila pagkadismaya na gumuhit sa mga mata nito. Pero kasi hindi niya maaaring sabihin rito na gusto niya ito noon pa man. Mas mabuti ng fan lang ang tingin nito sa kanya lalo pa at hindi na puwedeng malaman nito iyon dahil may nobya na ito ngayon at half sister pa ni Zhel.

"Right."

"Ano palang ginagawa mo rito?" inis na wika niya.

"Kakamustahin sana kita kung okay ka. Nabalitaan ko ang nangyari pero hindi kita napuntahan agad kasi nag-presscon pa kami. Kaya tinawagan ko ang Papa mo para matulungan ka."

Malapit na magkaibigan sila ni Alfred mula noong kolehiyo pa sila kaya alam nito ang kuwento ng buhay niya. Ang hindi niya matanggap ay tinawagan pa nito ang unang taong ayaw niyang sumaklolo sa kanya.

"Bakit siya ang tinawagan mo?!" Napapadyak siya. "Alam mo, kasalanan mo talaga lahat ng nangyayari ngayon!"

"Dahil ayokong mapano ka rito sa presinto. Alam kong matutulungan ka niya kaya siya ang tinawagan ko. At sa tingin ko ay ito na rin ang pagkakataon para hayaan mo siyang bumawi sa'yo."

"Narinig mo ang sinabi ni Attorney?" kunut-noong wika niya. Tumango ito sa kanya. "And do you really think it's the best for me?"

"Oo."

"Wow ha. Ilang taon na pero hindi pa rin nagbabago ang paniniwala mong 'yan." Para naman kasing hindi nito nakita ang pag-asa niya noon sa Papa niya na kung saan sa huli ay nabigo rin siya. Pagak siyang natawa. "Siguro mas makabubuti sa akin kung mag-disband na lang kaya kayo? Kayo ang dahilan kung napapahamak ako eh. Dahil sa pagiging supportive bestfriend ko ay napapaaway ako dahil sainyo. Dinadamay niyo pa ako sa mga trip niyo, ah. Pag-untugin ko kayo ng mga kabanda mo, eh." Natawa ito sa kanya.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!