Chapter 1

2.3K 30 0

"JESZEL MANJARES! Laya ka na."

Iyon ang sabi ng pulis sa presintong iyon nang tawagin si Zhel. Pero nagbingi-bingihan si Zhel at ipinagpatuloy ang pakikipagkuwentuhan niya sa dalawang presong naka-chikahan niya sa loob ng limang oras na pagkakulong niya doon. Mga labinlimang minuto na lang ay magiging BFFs na sana silang tatlo kaso ay istorbo ang pulis na iyon na kinakatok-katok pa ang batuta sa bakal na rehas.

"Sir, puwede bang huwag kang maingay diyan?" taas-kilay na wika niya pa sa pulis. Naluluha na kasi siya sa pang-MMK na kuwento ni Ate Alma, ang babaeng minaltrato na nga ay napagbintangan pang magnanakaw ng amo nito pero panira naman sa pagda-drama ni Ate Alma ang pulis na iyon.

"Ayaw mo bang lumaya?" galit na wika ng pulis.

"Ayaw ko ho. Kaya pakisara na lang ho ulit ang selda." Iwinasiwas niya pa ang kamay sa ere tanda na pinapaalis niya na ang pulis saka nagpatuloy siya sa pakikinig kay Ate Alma. "Tapos ho, anong nangyari?" Hindi naman agad nakakuwento si Alma dahil maging ito ay halatang nababagabag sa maingay na pulis na hanggang ngayon ay pinupukpok ang rehas para makuha ang atensyon niya.

"Zhel, makakaalis ka na yata. Tinatawag ka na ni SPO1 Arcilla oh," wika ni Ate Alma. Napatingin pa ito sa pulis pero hindi niya pinansin ito.

"Hayaan mo siya 'Te." Napangalumbaba pa siya habang nakatingin rito. "Tapos anong nangyari ho nang sinabunutan ka ng amo mo habang nagpaplantsa ka Te? Dapat sinampal mo rin siya ng plantsa sa mukha niya Te! Huwag kang papaapi purke amo mo sila!" aniya pa sa mataas na emosyon. Dalang dala talaga siya sa kuwento nito.

"A... ayun, muntik niya nang ingudngod ang mukha ko sa plantsa dahil daw nagbibingibingihan ako. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga magawa agad ang pinapautos niya dahil yung maldita niyang anak, nakabantay sa akin at pinapamadali ang pagpaplantsa ko."

"Grabe naman yun Te. Sana pala---"

Ngunit hindi na niya na napatuloy ang sasabihin dahil patuloy pa rin ang pagkalampag ng pulis sa rehas at ngayon ay mas malakas pa ang ingay na ginagawa nito kaya ay hindi niya na talaga maiignora na iyon. Pakamut-kamot siya sa ulong napatayo at nilapitan ang pulis pero hindi pa siya lumalabas sa selda kahit pa ay nakabukas na iyon. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang rehas at sinubukang ilusot ang ulo sa pagitan niyon. Actually ay kanina niya pa iyon gustong subukan kung magkakasya nga ba doon ang ulo niya.

"Anong ginagawa mo?" nawiwirduhang wika ni SPO1 Arcilla sa kanya.

"Sinusubukan ho kung kasya ang ulo ko." Nawiwirduhang piangmasdan siya ng pulis. Nang masubukang kasya doon ang ulo niya ay nakuntento na siya at muling binalingan ang pulis. "Pero Sir, ayoko pa hong umuwi. Dito na lang ho ako, please?" pagmamakaawa niya.

"Bawal ang overstaying sa presinto! Napiyansahan ka na ng abogado ni Mayor kaya makakaalis ka na."

"Pero hindi ho puwede, ang ganda ganda na ng kuwento ni Ate Alma, tapos iistorbohin niyo ako?" Napakamot ang pulis sa ulo nitong limang buhok na lang yata ang hindi nakakakapirma eh makakalbo na.

"Ano bang problema mo?! Sa lahat ng nanatili rito sa selda, ikaw lang ang gustong mag-overnight dito. High ka ba?" Nakukunsuming wika nito.

"Naku Sir. Nasangkot lang ho ako sa rambol pero hindi po ako adik. Oh my God! I hate drugs!" pailing iling pang wika niya. "Saka Sir, huwag niyo ho akong masyadong alalahanin. Alalahanin niyo ho ang receding hairline niyo." Inilusot niya ang kamay sa pagitan ng rehas para abutin ang makintab nitong ulo pero agad rin nitong pinalis ang kamay niya.

"Puro ka kalokohan! Mabuti pa lumabas ka na!" May tinawag itong dalawa nitong kasamahang pulis na agad namang pumasok sa selda para kunin siya. Upang hindi siya madala ng mga ito ay mahigpit siyang kumapit sa rehas.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!