Chapter 6

1.1K 30 0

"IBOTO niyo po si Cesar Curativo bilang Congressman sa susunod na eleksyon. Mapagkakatiwalaan, maaasahan, hindi ka iiwan," walang kabuhay-buhay na wika ni Zhel habang namimigay ng mga polyetos sa pinuntahan nilang barangay.

Ang totoo ay kanina pa siya ganoon habang namimigay ng mga polyetos. Isn't life ironic? Sinasabi niya sa mga tao ang isang kasinungalingan para manalo lang ang ama.

Kaya lang naman siya patuloy na nakakasali pa sa buhay ng mga ito dahil kapag pinapakuha siya ng ama ay ay wala siyang magawa kundi sumunod rito. Alam niyang nasa tama na siyang edad para magdesisyon pero ewan niya ba, lagi siyang napapadpad sa poder ng ama. Ipinagkibit-balikat na lang ni Zhel ang iniisip niya noong mga sandaling iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Naku, Hija, Iboboto ko talaga siya. Napakabuti niyang tao, hindi ba?" wika ng matandang binigyan niya ng polyeto. Alanganin siyang ngumiti.

"Opo," wika na lang niya.

Nag-iba siya ng direksyong tinitingnan saka umismid siya. Mas mahirap pa palang magsalita ng maganda tungkol sa ama kaysa sa kamuhian niya ito. Nakasimangot na inayos ni Zhel ang mga polyetos sa kanyang kamay.

"Huy. Nakasimangot ka na naman." Napalingon si Zhel nang marinig ang tinig na iyon ni Alfred kasabay ang pagtapik nito sa balikat niya.

"Ang sakit na kasi ng ulo ko kakasinungaling. Hindi na talaga ako mapupunta sa langit nito kapag namatay ako."

"Bakit naman?" natatawang wika,M nito.

"Dahil kasinungalingan ang sinasabi kong 'Iboto si Cesar Curativo. Mapagkakatiwalaan, maaasahan, hindi ka iiwan,'" aniya. Natatawang napailing ito sa kanya.

"Mapupunta ka naman talaga sa impyerno. Ang sama mong anak," anito. Inismiran niya ito.

"Ganyan talaga ang nangyayari kapag pinapaasa at nasasaktan," wika niya habang nagdadramang napahawak pa sa dibdib niya na animo'y nasasaktan. Isang beses pa itong natawa sa kanya. "Huwag na nga nating pag-usapan 'yun. Hindi pa man natatapos ang araw ay masama na ang araw ko. Kaya please lang, can you please tell me something beautiful?" Saglit itong nag-isip saka nakangiting pinagmasdan siya.

"Zhel Manjares."

"Bakit pangalan ko? Sabi ko something beautiful," reklamo niya.

"O, something beautiful nga. Hindi ba ikaw, beautiful ka?"

Then she was rewarded with a smile that could take away all the bad vibes she had that day. Simple lang iyon kung tutuusin pero lumobo ang puso ni Zhel dahil doon. He could've mentioned the sun, the weather or anything but he had mentioned her name and described as beautiful. How sweet is that?! At dahil doon, gumanda na nga ang araw niya.

"Ay oo nga pala. Maganda pala ako," kunwa'y hindi kinikilig na wika niya. Natawa ito sa kanya. "Anyway, kamusta ka? Nakakahinga ka pa ba?" aniya. Kanina kasi ay hindi magkamayaw ang mga kabataang fans ng banda nito habang naglilibot libot sila sa barangay. Panay kasi ang sunod ng mga ito sa banda ng binata lalong lalo na dito. Nang lumingon nga sila sa kanang bahagi nila ay may mga kabataang babaeng nagkukumpulan. Napatili pa ang mga ito nang lumingon sa mga ito si Alfred. Natatawang napailing na siya. "Iba ka."

"Wala eh. Pogi talaga," anito nang muling humarap ito sa kanya.

Ginawaran siya nito ng pagkatamis tamis na ngiti na parang pati siya ay gusto niya na ring mapatili sa kilig. His smile is very beautiful leaving him very attractive. Ngunit may napansin siya sa ngiti nito noong mga sandaling iyon. It was different from how he smiled at his fans awhile ago. Mas maganda ang ngiting iginawad nito sa kanya na para bang sobarng natutuwa ito sa kanya.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!