Chapter 12. Final Chapter

1.8K 38 0

One month after...

"TE ne stai andando ora?" Napalingon si Zhel nang marinig ang boses na iyon ng head nurse sa pinagtatrabahuhang ospital sa Florence, Italy. Tinatanong nito kung aalis na daw ba siya. Batid kasi nitong tapos na ang shift niya noong sandaling iyon.

"Si," tugon niya. "I'm just doing the endorsement sheet for the incoming duty." Tumango ito sa kanya saka umalis na rin. Nang dumating na ang nurse na kasunod niyang duty ay nagbilin na siya rito. "Bernadette, si Mrs. Valdez sa room 202, 300 ml na lang yung IV niya. May 10 a.m meds din siya, paasikaso na lang ah." Ibinigay niya sa kasamahang Pilipinang nurse na si Bernadette ang mga gamot.

"Sige, Maám. Ako na ang bahala. Umuwi ka na nang makatulog ka na," wika ni Bernadette sa kanya.

"Si," nakangiting wika niya.

"Stammi bene," wika ni Bernadette saka kumaway sa kanya nang paalis na siya sa nurse's station.

"Grazie," nakangiti ring sagot niya.

Kahit naman papaano ay nakakaintindi rin naman na si Zhel ng kaunting salitang Italian sa halos isang buwan niyang pananatili doon. Kinaumagahan kasi matapos ng huling pag-uusap nila ni Alfred ay tinawagan na siya ng agency na in-applyan niya at isang linggo pagkatapos noon ay nakaalis na siya patungo sa Italy dahil maayos na rin naman ang mga dokumento niya.

Sa awa ng Diyos ay naging maayos naman ang pagtatrabaho niya sa ospital na iyon. Kasama niya na rin ngayon ang ina niya sa isang flat na inuupahan nito. Maayos na ang kalagayan ni Zhel ngayon, puso niya na lang siguro ang hindi. Napabuntung-hininga na lang si Zhel saka nagpalit muna ng damit bago siya umalis ng ospital.

Paglabas na paglabas niya pa lamang sa ospital ay sakto namang tumunog ang cellphone niya. Nang kunin niya ang cellphone mula sa bulsa ay natuklasan niyang nagbi-video call ang kaibigang si Gypsy. Sinagot niya agad iyon at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito. Nakasuot na naman ito ng 'manghuhula' outfit nito. Buti na lang talaga ay naimbento ang video call dahil kahit malayo ang kaibigan ay kahit papaanoý nakikita niya pa rin ito. Nami-missed niya na kasi ito kahit pa may pagka-lukaret ito.

"Haller, Madame!" nakangiting bati niya rito. "O, bakit naka-manghuhula outfit ka pa? Mayaman naman na ang boyfriend mong si Trevor, hindi mo na kailangang rumaket pa sa panghuhula."

Noon kasi ay napilitan itong 'manghula'para makadagdag sa kita nito dahil nauungusan na ito ng karibal nila sa negosyo. Pero ngayong nobyo na nito ang karibal nito sa negosyo noon ay palagay niyaý hindi na nito kailangang gawin iyon.

"Ay hindi puwede. Sayang naman ang extra cash. Pangtulong ko na rin iyon sa pamilya ko."

"Wala kang patawad talaga," natatawang napailing siya. "So, kamusta ka na?"

"Okay lang naman. Inlove pa rin." Napahagikhik ito. Halata sa kislap ng mga mata nito at sa ganda ng mga ngiti nitong masaya ito sa piling ni Trevor. Buti pa si Gypsy, nakatagpo ng isang lalaking ito loyal sa dalaga samantalang siya.... never mind. "Ikaw ang kamusta?! Mukhang pinagkaitan ka ng buhay at tulog ah," biro nito sa kanya.

Awtomatikong napahawak ang isang kamay ni Zhel sa kanyang pisngi at tiningnan ang sarili sa cellphone niya. Kulang na kulang na talaga siya sa tulog dahil mula nang pumunta siya sa Italy ay natapat na siya sa graveyard shift. Alas siyete na nga ng umaga ngayon sa Italy ngunit kakalabas pa lang niya sa trabaho. Antok na antok at pagod na rin siya pero wala rin naman siyang magagawa dahil kailangan niyang kayanin ang trabaho niya. Pasasaan ba at masasanay rin siya doon. Pero pabor din naman kay Zhel na pagod na siya kapag umuuwi dahil agad na rin siyang matutulog para magpahinga at wala na siyang panahon para umiyak.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!