Chapter 7

1.1K 21 0

NAKADAMA ng iritasyon si Alfred habang nakatingin sa kung saan naroroon si Zhel at katabi si Philip. Kasalukuyan silang tumutugtog para sa mini concert na handog ni Mayor para sa maliit na pulong pulong sa barangay na iyon. He should be focusing on singing their band's original composition. Ngunit habang lumalabas sa kanya ang mga titik ng kanta ay pakiramdam niya'y tinatamaan siya.

"Hanggang kailan ko ba itatago ang nadarama ng puso? O, tadhana, hanggang kailan mo ba kami ipaglalayo? Hanggang kaibigan na lang ba talaga o baka sa hinaba-haba ng panahon ay may natitira pang pag-asa?"

Nakisabay pa sa pag-awit ang audience sa kanya pero hindi niya talagang magawang matuwa hindi tulad ng mga gig nila noon. Eh noon kasi, nakikita niya si Zhel sa audience na nakikisabay rin sa pagkanta pero ngayon, hindi na nito pinakikinggan ang kanta dahil busy na ito sa pakikipag-usap kay Philip.

Alam naman ni Alfred na hindi siya dapat magselos dahil unang una, may nobya siya. Pangalawa ay single naman si Zhel kaya malaya itong makipag-usap sa kung sinumang gugustuhin nito. Hindi naman siya tatay nito at lalong lalong hindi siya boyfriend nito para pagbawalan ang dalaga. Kaya lang may hindi siya maintindihang pakiramdam na lumalamukos sa puso niya habang nakatingin sa dalawa.

Zhel had always been special to him. Mula kolehiyo pa lamang sila ay naging malapit na sila sa isa't isa at masaya siyang kasama ito. Mula noon hanggang ngayon ay sinusuportahan nito ang mga pangarap niya. Ito ang nagtulak sa kanyang ipagpatuloy ang passion sa musika at magpahanggang ngayon nga ay palagi pa itong dumadalo sa mga gigs nila kahit pa minsan ay napapahamak na ito.

Zhel had done so much for him and he can't thank her enough for everything. Umabot pa nga sa puntong niligawan niya ito noon dahil malaki ang espasyong inookupa nito sa puso niya. Ngunit bestfriends lamang sila noon at masakit man sa kanya ay mayroon talagang hangganan ang namamagitan sa kanila at si Zhel pa ang nagpabatid nito noon sa kanya. Kaya nakuntento na lang siyang maging bestfriend nito kung iyon naman ang paraan para magkasama sila dahil sa totoo lang, kahit sa panaginip ay hindi niya inisip na mawawalay siya rito.

Kaya ngayong may kasama itong iba ay hindi siya natutuwa. Anim na taon na silang mag-best friend at nasasanay siyang magkasama lang sila palagi pero ngayon ay may kausap na itong iba. Hindi kasi siya sanay na wala ito sa tabi niya o hindi nakatuon ang atensyon nito sa kanya. Selfish na siya kung selfish pero iba pa rin ang pakiramdam kapag nakikita niyang sa kanya lang nakatuon ang pansin ni Zhel.

He's acting really weird, after all. Mula rin kasi nang pag-tripan sila nila Migo na itulak at hindi sinasadyang mahalikan niya ang bestfriend niya ay tila may nagbago sa kanya. Parang palagi na lang siyang nakatingin kay Zhel at kung hindi man ito nakatingin sa kanya ay nagnanakaw pa rin siya ng tingin rito. Tila may binuhay itong damdamin sa kanyang matagal niya nang hindi dapat maramdaman. Pero alam naman ni Alfred na hindi niya dapat pansinin ang damdaming iyon lalo pa at may nobya na siya.

Ngunit nang muling mapalingon na naman siya sa direksyon nila Zhel ay nakita niya ang napakagandang ngiti nito na ang dahilan ay ang kung anong binulong ni Philip dito. Parang nang-aasar pa ang kantang kinakanta niya dahil sakto din naman ang pinababatid ng liriko sa iniisip niya.

"Sana ako na lang ang dahilan ng iyong mga ngiti. Sana kaya pa kitang mabawi."

Nang matapos ang kanta nila ay bumaba na sila sa stage. Last set na nila iyon dahil magsasalita pa ang mga kandidato para sa pulong pulong. Agad na nilapitan niya sina Zhel na patuloy pa rin ang pagkukuwentuhan.

"Zhel." Lumingon ito sa kanya.

"O, tapos na ang set niyo?" wika nito.

Parang bumangon ang inis sa kanya nang makumpirmang hindi naman pala talaga ito nakikinig kanina.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!