"So, bakit mo naman ako niyaya dito? Akala ko ba babawi ka?"

"Oo. Kaya nga ay nagpatulong ako kina Migo para sorpresahin ka," anito.

Nagpalinga-linga si Zhel sa paligid ng condo para tingnan kung anong paghahanda ang ginawa ng mga kaibigan nito para sa sorpresa daw para sa kanya. Ngunit kahit mga lobo man lang na nakasabit sa kisame, mga talulot ng rosas na nakakalat sa sahig, mga regalo o kahit lunch set-up sa dining table nito ay wala siyang nakita. Ang tanging napansin niya lang ay sobrang linis ng condo nito na tila ba alikabok pa ang mahihiyang kumapit sa mga muwebles doon. Alam niya kasing makalat si Alfred sa mga gamit kaya himala na talagang makita niyang ganoon kalinis ang mga condo nito.

"Sorpresa mo sa akin ang naglinis ka ng condo?" kunut-noong tanong niya rito.

"Hindi." Napangisi ito sa kanya at nilapitan siya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at matamang pinaktitigan siya. "Pasensya ka na kung hindi ka nakakapag-date dahil lagi ka na lang nasa tabi ko. You know, if I could, I could have dated you."

Could have. Kahit parang nakakahinayang ang mga salitang iyon, atleast naman ay tila may pag-asa pa sa mga salitang iyon. Mas mabuti na ang 'could have' kaysa ''won't'.

Ewan niya kung bakit pero nang tumingin siya sa mga mata nito ay naalala niyang muli ang naging espesyal na namagitan sa kanila ni Alfred noon. Wala man iyong pinatunguhan, masasabi niya namang hindi siguro iyon nawala sa kanilang dalawa.

Maaaring nag-iba ng lebel ang pagmamahal nila para sa isa't isa ngunit nakikita niya ngayon sa mga mata nitong hindi nawala ang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa.

"Pero may Cherry ka na 'di ba?"

"I know." May gumuhit na kalungkutan sa mga mata nito pero saglit lang iyon. "Pero gusto ko namang maranasan mo iyon kung paano mag-date."

"Naaawa ka na ba sa akin kaya pati date ay ginagawa mo na?" biro niya.

"Hindi dahil sa awa ito. Gusto ko lang bumawi sa'yo. I wanted to show you what I could have given you if I had the chance." Parang lumukso ang puso niya nang ngitian siya nito. Paano niya pa matatanggihan ang ganoon kagandang ngiti?! Alam naman ni Zhel na lalo lang siyang mahihirapan habang pinapaasa niya ang sarili niya. Alam niyang masasaktan lang siya huli dahil alam niya namang may nobya na ito. Pero papalagpasin niya pa ba ang natitira niyang pagkakataon para matupad man lang ang mga munting kapritso niya? "Kung naiilang ka, just pretend that this is a friendly date."

"O, sige. Mapilit ka eh," nangingiting nagkibit-balikat siya.

Natawa ito sa kanya pero agad rin itong nagtungo sa sala. Para itong batang sobrang tuwa sa kinikilos nito. Hindi umalis si Zhel sa kinatatayuan at sa halip ay hinintay niya na lamang si Alfred na muling lapitan siya. May kung anong tinatago ito sa likuran nito habang ang isang kamay naman ay may hawak na puting paper bag.

"Kung na-idate lang kita noon, bibigyan kita ng bulaklak kapag sinundo kita sa bahay niyo," anito.Inilabas nito mula sa likuran nito ang isang bouquet ng tulips na tinatago nito. Doon pa lang, natunaw na ang puso niya.

"At matapos kitang sunduin ay didiretso na tayo sa Lemuria,' dagdag pa nito. Iginiya siya nito papunta sa dining table. Iniharap nito sa kanya ang isang bahagi ng paper bag na may nakalagay na pangalan ng restaurant. "You would order fillet mignon and I would have sea bass." Inilabas nito mula sa paper bag ang take out food. Saglit itong pumunta sa refrigerator saka muling bumalik sa mesa.

"Oorder pa tayo ng wine at chocolate soufflé." Inilapag nito sa mesa ang mga bagay na iyon. Hindi na mapuknat ang ngiti ni Zhel noong mga sandaling iyon. She can feel her heart warming up. Napaka-sweet ni Alfred. At kahit man huli na ay masaya pa rin si Zhel na nangyari ang inaasam niya.

"Pagkatapos nating kumain ay ihahatid na kita sa bahay mo. I would've stolen a kiss or two," wika pa nito. His eyes twinkled in mischief and yet, he was so ridiculously gorgeous to look at.

"At sino naman ang may sabing mahahalikan mo ako sa unang date natin?"

"At bakit hindi? Nahalikan nga kitang hindi pa tayo nagde-date, sa unang date pa kaya?" nanunuksong wika nito. Awtomatikong nag-init ang mga pisngi ni Zhel nang maalala niya ang pangyayaring iyon. "At kapag nakauwi ka na, we would have exchanged sweet messages." Kinuha nito ang cellphone nito mula sa bulsa nito at nag-type ng kung ano. Hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng mensahe sa cellphone niya. Nangingiting kinuha niya ang cellphone niya at binasa ang text nito.

"I really had a great time tonight. I get butterflies just thinking about the day I''ll see you next."

Kung lobo lang ang puso ni Zhel ay baka pumutok na iyon noong sandaling iyon sa sobrang kilig na nadarama niya.

Alam ni Zhel na hindi nito kayang suklian ang nadarama niya pero okay na sa kanya iyon. Kahit man lang sa kunwa-kunwarian, naramdaman niya kung paano mahalin nito. Atleast kahit sa kunwa-kunwarian, siya lang ang babae sa puso nito noong mga sandaling iyon.

Hindi na makaapuhap si Zhel ng sasabihin dahil sobrang kinikilig na siya. And she did not have to because when they looked into each other's eyes, they knew that they were happy being with each other. At iyon ang bagay na hindi kunwa-kunwarian lang.

If Only He Knew- Unedited (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon