Seventy-Nine

23.4K 926 144
                                    

PUMASOK ako sa opisina kinabukasan para bawiin 'yung pag-undertime ko kahapon. Puro paperwork lang naman ang gagawin ko. Daming papel eh. Basa rito, pirma roon, text kay Mere. Umalis din kasi siya para kunin 'yung bridesmaids gowns na tapos na. Nag-volunteer akong samahan siya sa shop pero huwag na raw. Si Alessa na lang daw ang sasama sa kanya.

Hindi muna ako umuwi n'ung natapos ako kasi wala naman nga si Mere sa bahay. Nagpadeliver na lang ako ng McDo sa opisina saka nagbukas ng mga personal kong files. Kailangan ko na naman magkuwenta ng mga gastusin kasi may bago na namang bayarin.

Nabayaran ko na 'yung utang ko sa Banco de Mommy. Medyo malaki-laki na rin 'yung kinikita n'un kasi magaling talaga si Kuya Mark. Alala mo siya? 'Yung kabarkada ni Kuya Lex na naghahandle ng racket ko? Halos na-triple na niya 'yung puhunan namin. Hindi ko na gagalawin 'yung perang 'yun. Ipon na lang 'yun.

Sa kasal naman, bayad ko na lahat ng kailangan kong bayaran kaya okay na rin 'yun.

Sa ngayon, bukod sa buwan-buwan kong bayarin, sa LexBank na lang ako may utang. Parang gusto ko nang dumukot sa alkanysa--aka 'yung trust fund ko--para bayaran na ng isang bagsak si Kuya. Naiinip kasi ako eh. Ang liit kasi ng nahuhulog ko sa kanya kung galing sa suweldo ko. Kung bayaran ko ng isang bagsak si Kuya para sa condo, may maiiwan pa naman akong mahigit two hundred million.

Kung di mo nabasa 'yung book 1, opo, may mahigit 200 million po ako sa banko. Mayaman din po talaga ako. Di lang halata kasi bilyonarya ang fiancee ko.

Nag-ring ang phone ko at inabot ko 'yun. Napangiti ako sa picture namin ni Mere sa screen.

"Hi, baby girl!"

"Hi, baby boy!" sagot niya na masaya ang tono. "Nasa office ka pa?"

"Yup. Dito na 'ko kakain."

"Ano'ng lunch mo?"

"Nagpa-deliver ako ng McDo. Bigla kong gusto ng Quarter Pounder eh."

"Wow, sarap! Sige, kain ka mabuti ha! Anyway, nandito pa kami sa shop. May kailangan lang ayusin sa gown ni Alessa pero after that, okay na."

"Okay. Anong oras kayo uuwi?"

"Mga 2 siguro. Uhm, Ash?"

"Yeah?"

"Ready na rin 'yung mga gowns nina Karina at ni Ate Kaye mo."

"Okay."

"Do you... want to bring it to them later?" tanong niya na parang nanunukat.

"Ah, sige. Kailangan ko ring kausapin si Dad. Puntahan na lang natin siya mamaya."

"Alright," sabi niya na nag-aalangan.

Hindi kasi namin masyadong pinaguusapan ang ate ko. Sensitive kasing topic si Ate Kaye eh. Ayaw daw ni Mere ma-disappoint ako 'tsaka na malungkot sa araw ng kasal namin. Ako kasi ang nagsabing isama siya sa mga abay sa kasal di ba? Eh hanggang ngayon hindi pa 100% na kumbinsido si Mere na pupunta si Ate. Actually, nasa 60/40 si Mere, 60% na hindi pupunta si Ate.

Siyempre, madi-disappoint ako kung di pumunta si Ate at malulungkot ako... ng mga five seconds siguro. Kasal ko naman kasi kay Mere sa araw na 'yun! Malulungkot ba ako n'un?

"Huwag mo nang alalahanin 'yun, baby girl. Ang mahalaga alam niyang hindi lang siya welcome sa kasal natin pero na mahalaga siyang parte kung tatanggapin niya."

Narinig kong bumuntong-hininga si Mere. "I wish she knows how much you care about her kahit masungit siya sa 'yo."

"Masungit naman 'yun sa 'kin kasi gago ako sa kanya n'ung bata ako."

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon