Fifty-Eight

23.2K 1K 254
                                    


GINISING ko lang si Mere kinabukasan para magpaalam na aalis na ako at na uuwi ako bago mag-lunch. Pinilit pa niya akong ihatid sa elevator kahit halos nakapikit pa siya. Gusto ko sana siya isama kaya lang sa talyer naman ako pupunta. Ano naman ang gagawin niya d'un? Maiinip lang siya d'un. Titiisin ko muna ang sepanx ko.

Pagdating ko sa talyer, lumabas kaagad si Goryo nang makita 'yung kotse ko. Ang laki na kaagad ng ngiti niya habang pinupunasan 'yung grasa sa kamay niya. Bumaba na rin ako at nakipag-fist bump sa kanya.

"Ano na naman ang ginawa mo sa kotse mo, sir?" nakangisi niyang biro habang sinisipat na 'yung sasakyan.

"Sumabit lang, 'to naman," tawa ko. "Kumusta na? Kumusta si Misis?"

"Ayun, sir. Buntis na naman."

"Ha?! Pang-ilan na 'yan? Pang-lima?"

"Anim, Diyos ko po!"

Natawa ako. "Kung anu-ano kasi minemekaniko mo!"

"Iba na kasi talaga, sir, kapag magaling!"

Sabay kaming tumungo at tiningnan 'yung ilaw sa harapan ng kawawa kong sasakyan. "Wala pa bang dumadating dito na Civic? 'Yun kasi 'yung nabangga ko eh. Sabi ko dito na rin niya dalhin 'yung sasakyan niya para kayo na rin ang mag-ayos."

"Wala pa naman po." Tinawag niya ang sa mga alalay niya sa shop na iniwan ang inaasikasong Toyota para lumapit. "Ikuha mo si Sir Ash ng kape, 'Toy!"

"Ayan naman ang gusto ko sa 'yo eh. May pa-kape ka pa lagi!"

"Eh syempre naman, sir! Suki eh."

Huwag nang banggitin na yumayaman sila sa tip kapag kami ni Kuya Lex ang nagpapagawa ng sasakyan sa kanila.

Magaling naman kasi. Pulido lagi ang gawa, hindi pa taga ang presyo. Mabait kami ni Kuya Lex kapag gan'un. Kung gusto mo kaming maging long time customer, huwag mo kami gaguhin.

Nag-uusap pa kami sa labas nang dumating 'yung Honda Civic na nabangga ko. Ipinarada 'yun ng driver sa likuran ng kotse ko saka siya bumaba. Nakilala ko 'yung driver kahapon, si Caitlyn. May kasama siya, isa pang babae na bumaba mula sa passenger seat. Chaperone siguro. Ngumiti sa 'kin si Caitlyn.

"Hi, Kuya!"

"Hey!" bati ko na may kasamang ngiti at tango sa kanya at d'un sa kasama niyang parang maiihi na hindi ko maintindihan habang nakatingin sa 'kin.

"Kuya, best friend ko si Ayesha. Pasensya ka na ha. Nabanggit ko kasi sa kanya na magkikita tayo. Nagpumilit na sumama. Fan mo kasi 'yan."

Namula si Ayesha, bago niya hinampas sa braso si Caitlyn. "Shh! Ano ba? Nakakahiya!"

Nahiya nga rin ako eh. Saan naman ako nakilala nito?

"Eh, Kuya," sabi na rin ni Ayesha. "Puwede po bang pa-autograph n'ung magazine na kayo ni Ate Meredith ang cover? Saka selfie na rin po."

Nahiya ako lalo. Dati, kapag may nagpapa-autograph sa 'kin, nawi-weirdohan ako. Madalas kasi 'yun sa gig nila Marlon. Nakikikanta lang naman kasi ako sa banda, hindi talaga ako opisyal na member kaya kapag may fans sila na nakiki-fan sa 'kin, nahihiya ako sa balat ko.

Pero ano naman ang gagawin ko ngayon? Tanggihan ko? Lalo na't nilabas na niya 'yung magazine na kami ni Mere ang cover at isang Sharpie na kulay gold ang tinta. Ang yabang ko naman di ba?

Tumawa na lang ako saka inabot 'yung magazine para pirmahan. Ngumiti na rin ako para sa selfie at sa isang group pic na si Goryo pa ang pinakuha namin. Saka namin tinanggap 'yung kape na dala n'ung isa niyang assistant.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon