Sixty-Six

25.9K 991 161
                                    

NAG-TOUR muna kami sa resort para makita nina Den at ni Mommy na rin.

Alam kong 'yung iba sa ibang bansa pa talaga nagpapa-prenup, at siguro gan'un ang ine-expect ng ibang tao sa prenup photoshoot ng isang Balajadia pero hindi naman na kami mahihiya sa location namin kahit sa mumunting bayan lang siya. Maganda naman kasi talaga sa resort na pride and joy ni Tita Mabel.

Impressed na impressed nga si Mommy Marianne. Nagpaalam na siya kay Tita Mabel--na ka-close na niya--kung puwede niyang dalhin si Daddy Eman dito minsan. Siyempre, pumayag si Tita. Tatanggi ba naman 'yun?

At siyempre, natawagan na naman niya ang nanay ko na naiyak nang makita kaming lahat kasi miss na miss na raw niya kaming lahat--pero malamang mas si Dad--at na gusto na raw niya kaming makita ulit--na malamang ay meaning si Dad.

Nang nagsimula ang photoshoot, siyempre nahihiya pa kami ni Mere. Pero magaling naman si Den kaya mabilis kaming nag-relax. Saka act natural lang daw. Kaya nahirapan ako d'un sa mga pictures na kailangan kong magseryoso. Pang-wacky kasi 'yung mukha ko eh.

Pictures sa loob... bihis, pictures sa gardens... bihis. Madali lang kasi lagi lang naman kami magkayakap o magkatabi ni Mere. Kahit wala namang camera gan'un kami. At n'ung pinakita naman nila sa 'min 'yung mga litrato, okay naman. Ang ganda kasi ni Meredith sa lahat ng pictures.

Habang nagtatanghalian, may pinropose sa 'min si Denise.

"Eto naman ay kung gusto n'yo lang ha," sabi niya na nagpapalipat-lipat sa 'min ang mga mata. "Ang ganda kasi n'ung pools dito. So naisip ko, will you be comfortable taking pictures in swimsuits?"

Huminto ako sa pagnguya ng kinakain kong saging. Nagkatinginan kami ni Mere.

"Again, only if you're comfortable," giit ni Den. "Naisip ko lang naman kasi. And we don't have to include it in your photobook. It could be something for only the two of you."

Nilingon ako ulit ni Mere na nakataas ang mga kilay. Sabi ng expression niya eh ako ang bahala kung gusto ko o hindi, pero nababasa ko rin sa mukha niya na gusto niya.

"Gusto mo ba?" tanong ko na rin.

"Okay lang," sagot niya na medyo nanunukat. "Ikaw ba?"

Kumurap-kurap ako. "May swimsuit ba tayo?"

"I brought a few for you," sabi ni Mommy Marianne mula sa kabila ng mesa. "Sabi kasi ni Denise na baka nga raw maisipan n'yong gawin so might as well be prepared."

"You could think about it first," sabi ni Denise na malaki ang ngiti. "I was thinking a twilight shoot so mamaya pa sana kapag sunset na. So you still have the whole afternoon to think about it. Just let me know."

Tumango kaming dalawa ni Mere.

Bumalik kami d'un sa ginawa naming command center/dressing room para mag-"siesta". Alam mo na *kindat-kindat* De, joke lang. Nasa baba kasi sina David, Den at 'yung crew. Iniwan namin si Mommy kay Tita Mabel para makipag-bonding, at sina Den na nag-e-edit na ng mga naunang pics namin.

Bumalik kami ni Mere d'un sa kuwarto kung saan namin isinabit 'yung mga damit namin. Nag-dive ako sa kama at nag-landing d'un na padapa pero bago ko ma-seduce si Mere na mag-quickie, dumerecho na siya d'un sa isang bag na hindi namin binuksan kanina.

Nanlaki 'yung mga mata ko at napa-upo ako nang buksan niya 'yun at hinila palabas ang isang bikini na mukhang last stage na ng costume ng isang stripper sa stag party.

"Kay Alessa 'to ah," sabi ni Mere na hindi napansing lumuwa ang mga mata ko d'un sa pagkaliit-liit na bikini na hawak niya.

Tumikhim ako at ipinilig ang ulo kasi nahimatay ang mga brain cells ko nang makita sa isip kong suot 'yun ni Mere at may maniac smile siya habang slow mo na papalapit sa 'kin. "Ah, kay Alessa?"

A Love Like This (FFTB #2)Where stories live. Discover now