Twelve

37K 1K 155
                                    

"KAYA KA ba nagpunta kay Atty. Peralta? Para magpagawa ng prenup?" tanong ng labs of my life.

"Hindi!" mabilis kong pag-de-deny. Gaya ng di ko namalayang nasabi ko pala nang malakas ang plano ko, di ko rin namalayang nag-krus na pala ang mga braso ko sa dibdib ko para protektahan ang nipples ko kahit pa malayo naman si Meredith sa 'kin. "Talagang trust fund ko ang pinag-usapan namin!"

Naningkit siya. "You're lying. Why are you lying?"

"I'm not lying!" natatawa kong sabi. Alam mo 'yung kapag nasa kalagitnaan ka ng isang mapanganib na sitwasyon pero natatawa ka pa? Gan'un ako ngayon. Iyon din ang dahilan kung bakit mapapadali ang buhay ko. "Nagpunta ako kay Atty. Peralta para ayusin talaga ang trust fund ko pero sige, I'll admit na hindi lang ako sa kanya nagpunta."

Meredith's eyes heated.

Nagtaas ako ng mga kamay. "Sa daddy mo! Nagpunta ako sa daddy mo para i-propose sa kanya 'yang prenup."

"My dad knows you want to have a prenuptial agreement?" sigaw niya bago tumulak palayo sa mesa niya at tumayo.

Inakupow!

"Baby girl."

"Wag mo nga akong ma-baby girl, baby girl! Galit ako sa 'yo!"

Nagmamadali ko siyang hinabol bago pa siya makalapit sa pinto. Isinara ko iyon bago siya mabilis na hinarap.

"Makinig ka muna sa 'kin," sabi ko na lumalapit sa kanya para hawakan ang magkabila niyang braso. Bahala na ang nipples.

Pinalis niya ang mga kamay ko. "Fine. Fine! Magpaliwanag ka! Ano'ng posibleng dahilan kaya mo gusto ng prenup bukod sa naiisip mong darating ang oras na maghihiwalay tayo?"

"Beb-"

"Gandahan mo'ng paliwanag mo, Montesines!" galit niyang banta habang nasa baywang ang isang kamay at nakaturo sa 'kin ang hintuturo ng kabila.

"Eh kasi-"

"At 'wag mong sabihing dahil mas mayaman ako sa 'yo dahil, naku!" Tinusok niya ang ilong ko at itinulak iyon para maiwas ko sa kanya ang mukha ko.

Ewan ko ba kung bakit imbis na matakot eh gusto ko pang mangiti. Ang cute kasi niya kahit alam kong galit na galit na siya. O ako lang ba 'yun?

Kinuha ko 'yung mga kamay niya at mahigpit silang hinawakan (na malayo sa dibdib ko). "Eh kasi nga-"

"Masasaktan ka talaga sa 'kin, Montesines!"

Ngayon, tumawa na ako. "Paano ako magpapaliwanag eh ayaw mo akong patapusin?"

Hinila niya ang mga kamay niyang hindi ko binitawan. "Tatawa-tawa ka pa! Bitiwan mo nga ako!"

Pumalatak ako at ginamit na ang tactics ni Daddy. Hinablot ko na siya sa batok at hinalikan. Kinabahan akong saglit nang maramdaman ko sa dibdib ko 'yung palad niya pero nagkuyom lang 'yun sa kurbata ko para hawakan ako. Binitawan ko na rin 'yung isa pa niyang kamay para mayakap ko na siya sa baywang. Bumalot 'yung braso niya sa batok ko.

Ako 'yung nagbalak na i-distract siya pero ako 'yung nakalimot kung bakit ko siya hinalikan. Basta ang alam ko lang, hinahalikan ko siya. At hinahalikan din niya ako.

Nang matauhan ako, nag-angat ako ng mukha at idinikit ang noo ko sa noo ni Mere. Pero hindi katulad kong na-overwhelm sa halik, nakalabi siya at mukhang gustong umiyak. Niyakap ko siya.

"Baby girl," bulong ko habang nakadikit ang mukha sa buhok niya. "I'm sorry."

Umiling siya at muling humila palayo sa 'kin. "No."

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon