Sixty-Four

28.5K 942 166
                                    

A/N: Rated SPG! Alam na dis!

---

SINUNDO namin ni Mere sa bahay 'yung mga bata bago kami pumuntang airport. 'Yun van na 'yung ginamit namin papunta para komportable kaming lahat at si Manong Aris na ang pinakisuyuan kong magmaneho. Si Kuya Tommy ang nand'un sa bahay. As expected, di kami hinarap ni Ate Kaye. Wala siguro sa mood magsungit. Buti na lang.

Dahil mabait ako at mapagbigay, pumayag akong sa harapan na lang maupo para mapagitnaan si Mere ng mga traydor kong pamangkin na mas gusto siyang katabi kaysa sa 'kin. Nag-agawan sila sa atensyon niya pero ang nagwagi ay si Kent na doon talaga sa kandungan niya naupo. May pinagmanahan talaga 'tong batang 'to. Ang galing dumiskarte eh. 

Bumaba kami sa Arrivals area at pumasok sa terminal para hintayin sila Kuya. Excited 'yung mga bata. Natuwa lang ako kasi halatang na-miss nila si Dad at si Kuya. Lalo na si Dad.

Siyempre sa nakaraan naming mag-ama, hindi puwedeng hindi ako mag-alala na baka suplado rin siya sa mga apo niya gaya ng pagiging suplado niya sa 'min ni Kuya. Kasi alam mo naman 'yung kwento tungkol sa sumpa ng kaguwapuhan namin. Ako naman eh sige lang, ako na ang abusuhin mo pero huwag na 'yung iba, lalo na 'yung mga apo niya. Pero hindi ko naman siya nakitang naging masungit sa mga bata kahit pa n'ung doon pa ako nakatira sa kanila. Saka halata rin namang mahal siya n'ung mga bata.

Buti na 'yun. Kasi ako, nandito ako kasi may hinihintay akong SPAM.

"Lolo!" sigaw ni Kent na unang nakakita sa tatay ko. Naka-upo na kasi siya sa mga balikat ko dahil napagod na sa katatayo. Kumaway ang pamangin ko habang tinatawag ang lolo niya.

Nakita ko na rin silang dalawa ni Kuya Lex. May dalang isang bag si Dad habang si Kuya ang nagtutulak ng trolley ng mga bagahe nila. Hindi lang mukhang pagod, mukha rin silang kawawa na dalawa, halatang hindi masayang naka-uwi na.

Puwes ako masaya dahil ibabalik ko muna sa inyo ang kompanya n'yo! Buwahahaha! Freedom!

Ibinaba ko na si Kent at humabol siya sa ate at kuya niya na tumakbo na palapit sa tito at lolo nila. Sumunod kami ni Mere. Nang makalapit kami, buhat na ni Dad si Kent at nakayakap na sina Kevin at Karina kay Kuya. Nang lumipat ang magkapatid sa lolo nila, ako naman ang lumapit sa kuya ko. Tinaasan ko siya ng mga kilay at bumuntong-hininga siya. Hindi ko napigilan ang matawa! Siniko ako ni Mere saka siya lumapit kay Kuya.

"Wala kang SPAM, bwiset ka," sabi ni Kuya sa 'kin. Niyakap niya si Mere na humalik sa pisngi niya bago siya pinagmasdan. 

"Are you okay?" concerned na tanong ni Mere kay Kuya Lex. Ngumiti na ang kuya ko kahit medyo malungkot saka siya tumango. Noon na ako lumapit at lumipat si Mere sa tatay ko para siya naman ang batiin. Nakangisi pa rin ako kaya ako pinitik ni Kuya sa noo pero niyakap na rin niya ako. Ang higpit ng yakap ko sa kanya kasi na-miss ko siya. Saka hindi ko rin mailarawan ang tuwa ko na nandito na siya at hindi na ako acting CEO ng AMC. Saka may uwi siyang SPAM! Maraming-maraming SPAM!

"Ba't ganyan mukha mo?" biro ko. "Nag-away ba kayo bago ka umalis?"

"Hindi!" tawa niya bago mabagal na umiling. "Hindi. Okay lang kami. Malayo lang kasi ako ulit sa kanya."

Alam ko 'yung pakiramdam. 'Yung nasa Singapore nga lang nang ilang araw si Mere, ibang klase na 'yung pangungulila ko eh.

"Kayo na ba?" tsismoso kong pangungulit.

Tumawa lang siya at itinulak ako palayo saka ulit hinila palapit at inakbayan si Kevin na nakatambay sa bandang tabi niya, halatang gustong makakuwentuhan si Kuya na second favorite niyang tito. Hindi ko na tuloy nakulit si Kuya kung sila na ba. Palagay ko hindi pa eh. Kakupad naman nito.

A Love Like This (FFTB #2)Where stories live. Discover now