Eight

42.6K 1K 289
                                    

SABI KO cool lang ako di ba? Oo naman, cool naman ako. Pero nakatitig lang ako sa relo sa kanto ng screen ko, inoorasan kung gaano katagal nang nasa loob ang hinayupak na 'yun kasama ang baby girl ko. Sayang at hindi ko kasi naiintindihan ang pinag-uusapan nila dahil sa mga glass walls pero dinig na dinig ko ang taas ng boses ni Mere. Naalala ko tuloy 'yung usapan namin n'ung nagbati kami, kung gaano siya kagalit kay Craig. Tsk, sayang at di tayo nakapanood. Pa-gentleman, better man pa kasi ako at nag-offer pa na bigyan sila ng privacy. Wrong move, Montesines.

9:58 nang magbukas ang pinto. Nagkunwari akong nagta-type bago ko ma-realize na nagta-type ako kahit wallpaper ko lang naman ang nasa screen ko.

Lumingon lang ako nang marinig kong nagsara nang muli ang pinto at nakita ko na papalayo na si Craig. Nakatungo ito at bagsak ang mga balikat. Kung mabait ako, baka naawa ako sa kanya sa hitsura niya. Pero dahil hindi ako mabait...

Tumayo ako para magpunta sa opisina ni Mere. Kumatok ako at binuksan ang pinto pero nasa mesa na siya, nakasuot ng headset at may kausap na sa screen. Nagtama ang mga paningin namin.

"Gentlemen," sabi niya nang muling harapin ang camera ng computer niya. Video call nga pala ang meeting niya ngayon. "Will you excuse me for a minute while we wait for the others? Thank you." She muted her phone, pushed her chair back and stood up. Sinalubong ko siya nang maglakad siya palapit sa akin at niyakap namin ang isa't isa.

"Are you okay?" bulong ko habang nakadikit ang mukha sa buhok niya. Tumango si Mere pero humigpit ang yakap niya sa 'kin.

Nag-angat siya ng mukha. "Mag-order na lang tayo ng lunch. Dito na lang tayo kumain. Gusto ko nang i-kwento kung ano'ng napag-usapan namin."

Gusto ko na ring ikwento niya dahil chismoso ako. "All right. Ano'ng gusto mong kainin?"

"French fries. Maraming-maraming French fries."

Comfort food niya. Na-stress yata talaga sa hinayupak ang baby girl ko. "Okay. McDo?"

Tumango si Mere at muling idinikit ang mukha sa balikat ko. Hinaplos ko ang buhok niya. "Double cheeseburger sa 'kin na may pinakamalaking fries saka Coke. Saka hot fudge sundae... saka extra fries."

Mahina akong tumawa at tumungo para mahalikan siya sa noo. "Sige. Ako nang bahala. Go back to your meeting."

Tumango siyang muli bago ako binitawan. Bumalik siya sa mesa niya at bumalik naman ako sa mesa ko.

Naka-order na ako sa McDo nang lumabas ang IM window galing kay Mere.

Mbalajadia (Sent at 10:48AM): Baby boy, may e-mail ako sa 'yo.

Amontesines is typing...

Amontesines (Sent at 10:48AM): Okay. Basahin ko na.

Mbalajadia (Sent at 10:48AM): Okay.

Nagmamadali naman akong nagbukas ng e-mail ko.

From: m.balajadia@balajadiaindustries.com

To: a.montesines@balajadiaindustries.com

Subject: 'Yung bisita kanina

Baby boy-

Sorry, I know kailangan natin 'tong pag-usapan in person pero gusto ko nang i-e-mail kasi baka may malimutan ako mamaya.

I'm so angry at him! Nakakabanas!

Medyo napangiti ako rito kasi inimagine kong may kasama itong padyak.

Nagpunta raw siya para mag-apologize sa 'kin. Eh sa 'yo siya may atraso di ba? Nagsinungaling siya sa 'yo, gumawa siya ng kwento, pinagselos ka niya, pinag-away niya tayo, sinubukan niya akong agawin, at nakipagsuntukan pa siya sa 'yo! Kung mag-a-apologize siya, dapat sa 'yo. At ayaw ba naman ng tinamaan ng magaling?! Wala raw siyang dapat ihingi ng sorry sa 'yo kasi alam mo naman daw kung ano ang intensyon niya sa 'kin at ginawa lang niya 'yun dahil gusto niya ako. God! Kung di ko lang mahal 'tong engagement ring ko, baka isinaksak ko 'to sa baga niya!

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon