Forty-Six

29K 988 207
                                    

A/N: Thank you po sa lahat ng bumoto sa Aklat Awards. My Sentinels won Favorite Series! Salamat po ulit! 

Itong chapter na 'to... one of them in between chapters na gusto ko lang isama kasi may kwento na naman si Ash. Pero 'yun lang 'yun XD Magkukwento lang siya. 

Hope you had a merry Christmas! And hoping you have a blessed new year. Sana rin safe po kayong lahat mula kay Nina ^_^ 

--- 

PARANG nagbukas ng pinto sa kamalasan 'yung nalaman kong si It Girl ang una kong makakatrabaho paglipat ko ng AMC.

Paggising ko kasi kinabukasan, nakatalikod sa 'kin si Mere habang natutulog kaya lumapit ako sa kanya. Pero n'ung nangapa ako, umingit siya. At hindi 'yung ingit ng na-excite. Nasaktan eh, kahit pa maingat naman 'yung pagkapa ko. Eh kapag sensitive na ang dibdib niya, malapit na siya magkaroon. Tsk. Diyeta na naman ako. Saka kawawang boyfriend na naman kasi masungit na naman siya. At least wala pa pala n'ung araw na 'yun. Naka-score pa ako ng ilang beses. Pero n'ung Biyernes, off limits na.

Napatunayan ko lang ulit na mahal ko siya kasi imbes na uminit din ang ulo habang nagsusungit siya, natatawa lang ako sa kanya at nanatiling tahimik habang kunot-noo siyang nagpiprito ng hotdog. Hindi ko siya hinihiritan kasi baka hotdog ko ang ma-prito.

Hindi rin siya pumayag na sabay kaming maligo n'un kaya ipinaghanda ko na lang siya ng damit. Pero paglabas ko ng banyo, hindi naman 'yung hinanda ko ang isinuot. Nagpigil lang ako ulit ng tawa imbes na magtampo, at tahimik na nagbihis habang nakaupo siya sa vanity niya at nag-aayos.

At least pumayag siyang hawakan ko 'yung kamay niya habang naglalakad kami papasok saka nagpahalik sa 'kin pagdating namin sa opisina.

Nang maupo ako sa mesa ko, nagsimula akong mag-organize ng kalendaryo namin. May mga kailangan kasi akong i-re-sched para mas maaga kaming maka-alis ng Friday next week dahil nga pupunta kaming Hong Kong para sa second monthsary namin. Nang makit ako ang date, noon ko na-realize na kung papasok ako ng AMC nang September 15, kailangan ko nang magpasa ng resignation letter ngayon, as in ngayong araw, kay Mere para may two weeks notice sila bago ako umalis.

Nalungkot ako! Alam ko namang aalis ako. Ewan ko ba kung ba't nanlumo ako nang maisip na kailangan ko nang mag-resign. Para namang hindi ko pa alam 'yun. Nilingon ko 'yung glass wall na naghihiwalay sa 'min ni Miss Sungit. Ngayon, kung gusto ko ng kiss, papasok lang ako d'un saka ngunguso. Kapag nasa AMC na ako, sa Ayala pa ang opisina n'un.

Oo na, tatawid lang ako ng EDSA, pero iba pa rin kasi. Hindi na kami bentekwatro oras na magkasama. Next year pa sisimulan 'yung pangkabuhayan showcase building na regalo nila Daddy sa 'min kaya hindi rin kami makakalipat kaagad. Hindi na ako p'wede maglakad papasok at malamang din hindi na kami araw-araw magkasama kakain.

Na-de-depress ako.

Ni-lock ko 'yung computer ko at tumayo. Nagpunta ako sa office ni Mere. Nakasimangot siya nang tumingin sa 'kin pero biglang nag-alala nang makita ang mukha ko.

"What's wrong?"

Lumapit ako sa kanya, iniharap siya sa 'kin saka ako lumuhod sa carpet at yumakap sa kanya.

"What is it?" tanong niya ulit na yumayakap na rin sa 'kin.

"Kailangan ko nang mag-resign."

Naramdaman kong natigilan siya, then she pulled away. "Today?"

Tumango ako at lumabi siya. Nakita kong nangilid ang mga luha niya. Naupo ako sa carpet at hinila ko siya pababa para maupo sa kandungan ko. Yumakap siya sa leeg ko at hinaplos ko ang likod niya. Ako 'yung nagpunta sa opisina niya kasi gusto kong magpa-baby pero ako ngayon 'yung kailangang magpanggap na macho kasi emosyonal nga pala ang baby girl ko ngayon.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon