Twenty-Four

41.2K 1.1K 352
                                    

A/N: Wasn't planning on one of the things written here. At least not yet. Pero gusto na *niya* eh. So, isama ko na. I'm letting the character run with this kasi 'yun ang gusto niya. I hope it works. Siya rin daw... Sorry daw sa mga ma-di-disappoint XD 



NAKARATING na kami sa bahay parang hindi pa rin sigurado ni Mere ang date ng kasal namin. Inabot ko 'yung kamay niya at hinatak siya palapit para yakapin habang nasa sala kami ng unit.

"Ano ba kasing pinakamalaki mong concern?"

She wrapped her arms around my waist and looked up at me. "'Yung simbahan. Kasi baka hindi na available 'yun sa araw na 'yun."

"Saan mo ba gusto?"

She bit her lower lip, making me think of leaning down and biting it for her. "Sa Santuario de San Antonio sana."

"Ah, akala ko sa Manila Cathedral mo gusto eh."

"Hindi naman. N'ung bata kasi ako, nag-flower girl ako sa kasal ng pinsan ni Mommy d'un sa Santuario. Ang ganda-ganda n'ung wedding nila na sabi ko gusto ko rin ng gan'un." Mahiyain siyang ngumiti. "I was six and had no idea what getting married meant pero sabi ko kapag lumaki ako, d'un din ako ikakasal."

Na-imagine ko ang isang bright-eyed little Meredith na nakasuot ng pang-flower girl, nakatingin sa altar habang ikinakasal 'yung tito o tita niya, nangangarap na pagdating ng panahon, siya na 'yung naka-upo sa harapan niyon, katabi ng groom niya.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kagustuhanna tuparin ang pangarap na 'yun ni Little Meredith.

I cupped the back of her head and pulled her close so she could lean against my shoulder. I kissed her on the top of her head.

"Sige, ganito na lang. Tingnan natin kung may available schedule sa January 3rd next year. Kung wala..."

"Kung wala, sa January 3, 2017 na lang."

Nang hindi ako sumagot, tiningala niya ako at nakita 'yung simangoto ko. "O, bakit?"

Tumungo ako sa kanya. "Gusto ko talaga kasi 'yung date kaya lang ang tagal naman ng January 3, 2017. Gusto na kitang pakasalan eh."

Napangiti siya at inabot ang batok ko para mahila pababa ang ulo ko. She kissed me quickly. "Ganito na lang. Check ko 'yung website nila. Kung available ang January 3, let's get married on January 3. Kung hindi, we can have a civil wedding first para ma-fulfill 'yang kagustuhan mong makasal na tayo kaagad, then sa January 3, 2017 na lang 'yung church wedding natin."

Good compromise pero hindi ko tuluyang naalis ang simangot ko.

"O, ayaw mo pa rin?" she teased.

"I'd really rather marry you in a church," I told her honestly.

Napangiti siya ulit at sinapo niya ang pisngi ko. "Tingnan ko na 'yung site nila para alam na natin." She let me go and started walking to our room pero nilingon niya ako ulit. "Hindi ka ba nagugutom?"

"Hmm?"

"Hindi ka masyadong kumain kanina. Gusto mo bang igawa kita ng sandwich?"

Umiling ako. "Ako nang gagawa ng sandwich. Tingnan mo na 'yung sched ng simbahan."

"Okay. I'll get my laptop."

Nagpunta ako sa kusina habang sa kuwarto naman namin siya tumuloy.

Na-fixate talaga ako sa date. 'Yun talaga ang gusto ko. Pero kung hindi itong paparating na January 3, masyado nang matagal 'yung susunod. Praktikal 'yung civil wedding muna kasi gusto ko talagang magpakasal na kami kaya lang... Hindi ako relihiyosong tao. Nagsisimba lang ako n'ung teenager ako kasi Catholic school ang Xavier kung saan ako nag-aral. Non-secular na 'yung pinasukan ko n'ung college kaya huminto na ako. Nagsimba na lang ako ulit n'ung nakilala ko na si Mere. Pero talagang gusto ko siyang pakasalan sa simbahan.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon