Sixty-Five

26.2K 1K 193
                                    

A/N: Parang pag sinusulat ko 'to, it's now only just a series of short stories. May point naman ako sa kwento, parang matagal lang namin maabot nina Ash ehehe wala lang. Nag-e-enjoy pa kasi kami ni Ash kaya ayoko pa siyang matapos. Basta wala namang pilitan. You don't have to read anymore kung naiinip na kayo, promise! And thank you to everyone who stuck with us! And who will stick with us to the end! Thank you for still reading! 

P.S. Medyo maiksi lang itong chapter na 'to ah. Thanks ulit!

--- 

KUNG paano ako nagising kinabukasan n'ung unang gabi namin ni Mere, gan'un din ako nagising ngayon. Masakit ang katawan pero tahimik ang puso, masaya ang kaluluwa at jolly ang hotdog.

Nakasiksik si Mere sa tabi ko, nakayakap sa baywang ko, nakapatong sa mga hita ko ang isa niyang hita at nakasubsob sa kilikili ko. Ilang beses kong kinailangang utusan 'yung braso ko para yumakap sa kanya kasi ayaw kumilos ng mga muscles ko, pero n'ung yumakap naman ako, 'saktong sa puwet niya bumagsak 'yung kamay ko. Nag-ipon ako ng energy para mamisil.

Hindi siya nagising.

Masaya lang akong bumuntong-hininga at nanatiling nakapikit. Gutom na ako pero mamaya na 'ko babangon. Kung hindi automatic ang paghinga baka hindi ko pa kayang gawin 'yun sa pagka-relaxed ng buo kong katawan.

Napangiti lang ako nang maramdaman kong gumalaw 'yung kamay ni Mere. Umakyat-baba 'yun sa dibdib ko, 'tapos sa tiyan, 'tapos eh napalundag ako n'ung bigla niyang takpan ng palad si Jolly Hotdog na biglang nagising at nag-angat ng ulo.

Hinawakan ko 'yung braso ni Mere pero hindi na siya gumalaw ulit.

"Mere?" bulong ko. "Baby girl?" Hindi siya sumagot o kumilos. Nand'un lang siya, sarap ng tulog habang nakakakpit sa hotdog. Napalunok ako.

Ano'ng gagawin ko ngayon?

Sinubukan kong igalaw 'yung braso niya pero humigpit 'yung hawak niya eh. Napa-ungol lang ako kasi masarap. Pero kailangan ko siyang gisingin dahil pag magising 'to at makita kung ano'ng ayos namin, baka isipin eh kung anu-anong pinapagawa ko sa kanya habang tulog siya.

Hinawakan ko 'yung pupulsuhan niya saka siya mahinang niyugyog. "Baby girl?" tawag ko. "Gising ka ba? Baby girl?"

Umungol lang siya at mabagal na nakipag-shake hands sa 'kin kahit hindi ko hand ang hawak niya.

Tumirik na naman mga mata ko.

"Fuuuuck, Mere," ungol ko.

Noon naman siya nagising. Umingit ako nang bitawan niya ako n'ung bumangon siya. "Huh? What? What?"

Tinakpan ko ng braso 'yung mga mata ko. "Minomolestya mo 'ko, beb," sabi ko na garalgal ang boses.

"Ano?"

Sinilip ko siya mula sa ilalim ng braso ko. "Minomolestya mo ako habang tulog ako."

Namilog ang mga mata niya sa gulat at namula ang mga pisngi niya. "Hindi kaya!"

Kinuha ko 'yung braso niya, hinila 'yun hanggang sa nakapatong na ulit sa ano ko 'yung kamay niya.

"Ash," tawa niya.

Ibinalik ko sa mga mata ko 'yung braso ko. "Ituloy mo na. Gising naman na tayong tatlo eh. Areku!"

Hinampas niya ako sa sikmura bago siya nahiga ulit sa tabi ko at yumakap sa 'kin. Lumabi ako sa kanya.

"Anong oras na?" tanong niya, naghihikab.

"Mga 9 siguro."

"Ano'ng gusto mong breakfast?"

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon