Fifty

27.8K 948 118
                                    


A/N: Pagpasensyahan n'yo na muna si Ash. Malungkot siya ngayon.

--- 

SINULIT ni Mere ang huling dalawa at kalahating linggo ko sa Balajadia Industries. Halos araw-araw niya akong pinasama sa mga meetings kaya sigurado kong pagdating ko sa AMC eh convincing na akong COO.

Nakilala ko na rin 'yung papalit sa 'kin bilang assistant niya, si Elmer. Papasok siyang assistant ng ibang VP kaya lang nakabakasyon pa 'yung magiging boss niya kaya kay Mere muna siya in-assign. Singkit siya, payat, matangkad at mukhang artista sa Koreanovela. Pero dahil mukhang mas interesado siya sa 'kin kaysa kay Mere nang ipakilala siya sa 'min ng HR, naging kampante akong wala akong dapat ipag-alala sa kanya.

Nang huling araw ko sa opisina, nakatitig na lang ako sa mga files na huling beses ko na lang titingnan.

Ano kaya ang mangyayari d'un sa Korean project o d'un sa mga histerikal na Kano o d'un sa mga Hapon na nakapanood ng pagkakalat ko d'un sa Larry's sa BGC? 'Yung Taiwan project, naku. Bago pa naman 'yun. Ako ang nakilala nila d'un at hindi si Sheri. Suplado pa naman 'yung client naming Taiwanese. Baka paiyakin n'un si Elmer.

Sa totoo lang nalulungkot ako. At hindi lang dahil hindi na kami buong araw magkasama ni Mere. Nalulungkot ako kasi kahit dalawang buwan mahigit lang ako sa kompanyang ito, napamahal na talaga sa 'kin ang Balajadia Industries.

Paano kaya kung sabihin ko na lang kay Kuya Lex na huwag na lang akong lumipat? Dito na lang ako kila Mere. Baka umiyak si Kuya. Alam mo naman 'yun. Sensitive. Magtatampo 'yun!

Pero seryoso, hands down, 'yung pagtanggap ko sa trabaho bilang COO naman ang pinakamagandang puwede kong gawin sa buhay ko. Ilang ordinaryong tao ang bigla-bigla na lang magiging COO, siga nga! At hindi lang ordinaryong tao, 'yung taong tulad ko pa na pitong taon sa college, walang master's degree at dalawang buwan mahigit pa lang ang work experience. 'Tapos ako pa ang magmamatigas na tanggihan 'yung trabaho?

Saka mag-aasawa ako ng bilyonaryang VP. Ayokong may masabi ang mga tao.

Nilingon ko 'yung office door ni Mere nang marinig kong nagbukas 'yun. Nalungkot ako lalo. Hindi na kasi laging si Mere ang makikita ko kapag may magbukas ng pinto ng opisina.

Lumabas si Ma'am Baby Girl at nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti siya 'tapos ay lumabi. Malamang pareho kasi kami ng naisip. Tumayo ako at lumapit siya, saka ibinalot ang mga braso sa baywang ko. Niyakap ko din siya at bumuntong-hininga ako sa buhok niya.

"Nagugutom ka na?" tanong ko.

"Oo, pero ayokong lumabas ng office. Puwede bang sa baba na lang tayo kumain? Gusto ko ng karekare n'ung isang concessionaire."

Ayoko din namang lumabas ng opisina sa totoo lang. May sepanx ako. Baka bukas dito rin ako pumasok at baka kailanganin akong kaladkarin ni Kuya Lex papunta sa opisina sa Ayala. Tsk. Sana kasi magic na lang 'yung regalo nilang building sa 'min ni Mere para doon na ako kaagad papasok. Sabihin ko ngang idikit nila sa building namin ngayon para lulundagin ko lang 'yung bubong eh makakalipat na ako kay Mere.

Nag-lock ako ng computer saka kinuha 'yung kamay niya. Naglakad kami papunta sa elevators sa labas. Wala si Abby sa reception. Guard na hindi ko kilala ang nand'un. Kahit si Manong Ferdie wala sa puwesto niya. Ibang guard din ang nand'un. Hindi ko rin kilala. Baka naka-lunch break sila. Pati 'yung dalawang 'yun mamimiss ko. Langya, pati 'yung messenger saka 'yung janitor namin, mamimiss ko eh.

Ngayon ko lang talaga naintindihan kapag sinabi nilang "bittersweet". Lahat kasi bittersweet sa 'kin ngayon. Kahit 'yung pagpunta ko sa CR eh naisip kong last jingle ko na d'un.

A Love Like This (FFTB #2)Where stories live. Discover now