Thirty-Five

39.3K 1K 329
                                    

A/N: Sorry ang tagal ng UD. May work na kailangang tapusin (na di pa rin tapos hanggang ngayon). To follow na lang mga UDs ni Mere. Baka midweek... sana. But thank you for your patience ^_^ 


TAHIMIK lang ako habang nagmamaneho pauwi. Iniisip ko pa rin 'yung nangyari sa bahay.

Oo na. Kahit paano kasi nag-aalala ako para sa ate ko. Di ko naman alam na gan'un pala ang kinikimkim niya tungkol sa 'min ni Kuya Lex.

Tahimik din si Mere sa passenger seat. Hawak lang niya 'yung kamay ko habang nasa biyahe kami, 'tapos gan'un din habang paakyat kami sa bahay namin.

Nang makapasok kami, nbinuksan niya ang air conditioner pagkatapos ay hinatak ako papunta sa sofa.

"Sandali lang," sabi niya matapos akong itulak paupo doon. Iniwan niya ako saglit para pala kumuha ng mga kumot at unan mula sa kuwarto namin. Nag-alis kami pareho ng sapatos pagkatapos ay nagsiksikan sa sofa. Ako 'yung nasa may sandalan. Nakasandal siya sa dibdib ko at nakapulupot lang ako sa kanya habang yakap niya 'yung mga braso ko.

Oo, ito 'yung sofa time na gusto namin. Bastos ka kasi. Sex kaagad ang naiisip mo kapag sinabing sofa.

Hindi siya nagsasalita pero hinahaplos niya 'yung braso ko saka 'yung mga daliri ko habang pinaglalaruan niya 'yung kamay ko. Kapag gan'un, ibig sabihin hinihintay lang niya akong magsalita. Hinalikan ko siya sa batok at sininghot-singhot siya.

"Gusto mong pag-usapan si Ate Kaye, baby boy?"

Bumuntong-hininga ako. Kilalang-kilala na ako ng baby girl ko.

"Napa-isip lang kasi ako sa mga sinabi niya kanina." Hinalik-halikan ko 'yung buhok niyang ang bango-bango. "Kasi naisip ko, n'ung lumalaki kami, inggit na inggit ako sa kanya. Baby siya ni Dad eh. Pagdating ni Dad ng bahay, si Ate Kaye ang hinahanap. Alam mo 'yung sasalubong ako pero titingnan lang ako 'tapos hahanapin niya si Ate sa yaya ko.

"Siya 'yung niyayakap, isinasama sa kung saan-saan, ipinapakilala sa mga kaibigan. Saka laging bukambibig ni Dad n'un 'yung buti pa si Kaye o tingnan mo si Kaye."

Huminto ako sa pagsasalita para ipaalala sa sarili ko na bati na kami ni Daddy. Baka sumama ulit ang loob ko eh. Nag-focus ako sa paghaplos ni Mere sa braso ko. Kahit ano talaga gawin nito, kahit gaano ka-inosente, nakaka-arouse. Tumikhim ako saka ako ulit nagsalita.

"Noon, I would have given anything para lang yakapin ako ng tatay namin kapag sumasalubong ako sa kanya pag uwi niya galing sa trabaho. I would have given anything para lang kausapin ako ni Dad na hindi ako sinisigawan." I smiled sadly when Mere turned her head to look at me. "Bata pa 'ko n'un ha. Bago pa ako magloko n'un." Bumuntong-hininga ako. "Siguro hindi ko lang alam kung ano pa 'yung gusto ni Ate."

Humarap si Mere sa 'kin at siya naman ang nagpulupot ng binti sa mga binti ko at ng braso sa mga balikat ko.

"Baka nagseselos siya sa relasyon n'yo ni Kuya Lex," she suggested.

"Buti sana kung hindi namin siya sinusubukang isama ni Kuya n'ung mga bata kami kapag may gagawin kami. Eh lagi kaya siyang galit n'un. Kala mo habambuhay siyang nireregla sa sungit!"

Tumawa si Mere.

"Hindi naman kami manhid ni Kuya Lex o masokista. Kaya huminto na kami sa pag-aaya o sa pagsubok na makipag-close."

"Eh n'ung umalis si Mommy mo. Di ba ikaw ang isinama niya?"

"Siyempre! Ako ang baby boy niya eh!" Nakurot ako sa ilong. "Hindi. Tinanong naman kasi niya sila Kuya kung gusto nilang sumama sa States. Ayaw daw ni Ate kasi gusto niya kay Daddy. Si Kuya Lex naman ayaw sa States. Ako lang naman ang walang choice n'un eh. Isinama niya ako sa America na hindi sinasabi sa 'kin na doon na pala ako titira. Eh ayoko din d'un."

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon