Nasaan na kaya?

288 0 0
                                    

Nasan na kaya yung ako na madaldal sa bahay? Tahimik na ko eh. Dati ako yung laging nagkukwento. Recently si ate na tapos wala naman akong pake. Tapos wala na si ate ngayon. Medyo tahimik na naman. Pero buti naman kagabi at maingay ako. Kahit papano.

Nasan na kaya yung ako na dati gusto magpataba? Nung 2nd sem nagpapataba ako. As in kasi sa akin pinapaubos laman ng kaldero (hahaha.) Sabi ni ate kasi daw ako huling kumakain kaya ganun. Tapos konti na lang. Tsaka dati nag 2 rice kami ng friend ko. Tapos nawala na. Tapos dati nabili rin akong madaming snacks. After lunch yun tapos may kakainin pa akong (sinave ko) pauwi kasi gabi na ko nun nauwi para di ako magutom sa bus. Tapos nun, feeling ko nga nataba na akong konti nun. Laki na ng cheeks ko sa pictures eh. Anyare ngayon? Kasi sabi ko dati di naman ako nataba. Sabi ko nauubusan lang ako ng pera. Sabi ko magastos magpataba. Tapos ganun. Ngayon ko lang narealize na “baka” nga tataba na ko sa time na yun pero tumigil ako. Ngayon di ko na makita yung reason or yung “will” ko kung bat ko naisipan na kumain ng madami at magpataba. Kasi lagi nila sinasabi na magpataba ako kaya ganun. Ngayon ewan.

Ngayon. Ano kaya naiisip ng ibang tao sa school kung nakikita nila ako lagi mag isa? Na paikot ikot. Na iba iba nakakausap or kasama. Tapos kung di pala ako tinanong ng kaklase ko kanina kung kumain na daw ba akong lunch (kumain siya sa bahay) di cguro ako kakain. (Inisip ko pa nga kung anong isasagot ko. Truth o lie. Kung kumain na o di pa.) Sabi ko di pa. Tapos sabi niya kumain na ko. Kaya ayun. Kumain naman ako. Tapos ok rin naman kasi nung umaga sabi ko “no lunch day daffy” Haha. Nabibilang ko kasi days kung kelan ako di nakakapag lunch. Days kung kelan wala akong kaklase. Haha. Or di ko kasama mga 3rd year kong kaklase. Mukha ba akong loner kung ako lang mag isa kumain? Kanina kasi di ako sumabay nung kumain yung iba kasi nanonood pa ako ng audition. Haha. Tsaka malapit na nun magsimula klase ko. Tapos nalaman ko na wala palang klase. Yay. Wala rin exam. Tapos kahit gutom na ko nun, ok lang kasi masaya naman ako sa napapanood ko. Ayaw kong may mamiss. Tapos dapat nga ok lang sa akin kung di ako magrarice. Pero naisipan ko na kumain na rin ako. Bat nga ba di ako kakain? Di ba? Kaya ayun. Kumain ako. Tsaka naisip ko na bother naman kung magpapasama pa ako kumain sa kaklase ko. Tsaka siya nga nakain din siya mag isa. Tsaka tapos na kumain yung iba. Tapos yung isa naman kakagaling lang canteen. Tsaka konti lang kami kasi di pumasok yung iba kasi nga wala nga silang klase. Sila lang ay pumasok kasi wala lang. Wala rin akong klase. At maaga ako. Tanghali na sila kaya wala akong masyadong kasama nung maaga pa. Yun lang. Long time no post ng ganito. Haha. Hello :))

/ July 16, 2014 Wednesday / from my tumblr acct/

Write UpsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum