Traffic talaga ang problema sa Pilipinas

681 0 0
                                    

Kahapon lang may aksidente daw dun sa highway na dinadaan namin pauwi. Wala ako dun kasi wala akong pasok pero Saturday yun at madaming may pasok kapag Saturday and yung iba ay namasyal sa mall. National highway pa naman yun and one way lang so traffic talaga.  May banggaan daw kaya cguro occupied nila ang buong kalsada. Ang daming na-stranded kasi hindi gumagalaw ang traffic. Yung byaheng normal lang ang 1hr and 30 mins, naging sobrang tagal na mas mabilis pang pumunta sa Manila.

Ganito ang masasabi ko:

National highway yun pero bakit masikip ang kalsada? Dun nadaan ang madaming sasakyan at yung mga trucks na nagdedeliver. Alam niyo kung bakit masikip? Kasi nagkaroon ng establishments beside the highway. Tapos yung iba super sagad pa. Di ba nila alam ang term na, ‘setback’? Kung di talaga maiiwasan na magtayo ng establishments sa may kalsada, na hindi naman talaga dapat, dapat man lang medyo malayo sa kalsada. Ang nangyayari kasi ay malapit na nga sa kalsada tapos dagdagan pa ng sidewalk, so konti na lang ang natira sa kalsada. At tsaka national highway yun, and when I mean highway, dapat highway lang talaga and walang kung ano sa paligid. Kasi yun ang nagca-cause ng traffic, ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero kasi dun ang pupuntahan nila. Kapag nagpa-baba sila ng pasahero, syempre titigil tapos nakaharang sila sa daan kaya instant traffic na kaagad yun.

3rd world country na talaga tayo. Kung ang isang probinsyana daw na hindi exposed sa technology ang makakapunta sa ibang bansa, iisipin niyang nasa ibang planeta na siya. Walang halong biro. Pano ba naman kasi sa ibang bansa:

---Ang government ang may-ari ng lahat ng buses. Cguro may fixed salary ang mga drivers kaya hindi nag-aagawan sa pasahero, unlike dito na nagiging cause pa minsan ng accident.

---May bus at taxi stops. May lugar kung saan lang pwedeng sumakay at bumaba. Okay yun kasi hindi magtatraffic, kasi may nakalocate siyang lugar kung saan magpapark ang vehicles na part ng sidewalk. (hirap idescribe.) Tapos makakapag-exercise ka pa kasi kapag medyo malayo pa, lalakarin mo kasi no choice ka kasi dun pa ang sakayan. At least healthy.

---Hindi ka pa basta basta makakatawid dun kapag naka-Go. Unlike dito na kahit naka-Go ang mga sasakyan, may tumatawid pa rin. Kung tumawid ka dun, patay ka. Sa bilis pa naman ng mga sasakyan dun, hindi ka nila titigilan, hahabulin ka pa ng sasakyan. Wala silang pake sayo, ikaw ang mali dahil tumawid ka. Kaya goodluck na lang sayo, pinili mo yan eh.

---Madaming train stations. Dahil nga high tech na nga sa kanila, mostly by train, bus and taxi lang ang mode of transportation. Lahat ng train stations, bus and taxi stops ay nasa strategic place, kung saan madalas napunta ang mga tao. Example sa Dubai, lahat ng train station or stops ay mall or may tourist attraction or business offices.

---Ang isa pa, last na. Dahil nga government ang may-ari ng lahat ng public transportations, iisa lang ang card or ticket card for bus and train. At least dun walang hassle para magbayad dahil loloadan mo na lang yung card na yun and hindi pa kailangan ng 'kundoktor' sa bus dahil ita-tap mo na lang yung card mo pagsakay at pagbaba mo sa bus.

---And kaya walang traffic dun sa kanila kasi kapag sinabing, highway, highway talaga at wala ka masyadong makikita na naglalakad or tao sa gilid kasi highway talaga. Nagtataka lang ako kasi pano sila natawid? Or di naman uso yun sa kanila kasi konti lang nakikita kong overpass. Kailangan talagang sumakay ka ng taxi para makapunta sa kabila and bihira rin ang mga pedestrian lanes. And di ka talaga makakatawid dun kasi highway, mabibilis ang takbo ng sasakyan dun, min 60mph to 120mph, and 4 lanes each yun. (magkahiwalay kasi may harang kaya di rin madaling mag u-turn.)

/written on tumblr: June 30, 2013/

Write UpsWhere stories live. Discover now