XXX.

30 3 1
                                    

Hansol.


Tulala akong umupo sa sofa habang maingay ang paligid ko. Lahat sila ay naghahanda para ihatid kami ni Seungkwan sa airport pati na rin si Minghao at Jun hyung na papuntang China. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kasama pa silang lahat, e maghahatid lang naman.

"Inaantok ka pa?" tanong ni Seungkwan at umupo sa tabi ko. 

"Ah, oo."

The truth is, wala pa akong tulog. Napuyat ako kakaisip sa mga puwedeng mangyari kapag nakilala ko na ang pamilya ni Seungkwan. Lalo akong kinakabahan pag naiisip ko'ng baka hindi nila kami matanggap.

"Tara na, Sol," sabi ni Seungkwan at sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. 

Buong byahe papuntang airport ay sobrang ingay nila. Dahil siguro mami-miss nila ang isa't isa. Samantalang ako, nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa labas ng bintana at nag-iisip ng mga gagawin pag dating namin doon.

Nang makarating kami ay sobrang higpit ng yakap saakin ni Cheol hyung. Ito ang unang sembreak na magkakahiwalay kaming dalawa. Tatlong linggo rin kasi kaming mawawala.

Matapos naming magpaalam sa isa't isa ay pumasok na kami ni Seungkwan. Tinitigan ko ang ticket na hawak ko at naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko dahil sa kaba.

Sa eroplano na ako natulog at nang magising ay nasa Jeju na kami. Habang papalapit kami ay mas lalong lumalago ang kaba ko. Parang wala lang kay Seungkwan at hindi ko alam kung nahahalata n'ya ba na sobra ang kaba ko.

Simula nang sumakay kami sa kotse ni Cheol hyung hanggang sa loob ng taxi papunta sa bahay nila ay hindi kami nag-uusap. Pakiramdam ko masyadong mabilis ang takbo ng oras.

Tumigil ang taxi sa tapat ng isang medyo malaking bahay. Binaba namin ni Seungkwan ang mga gamit namin at nang sulyapan ko ulit ang bahay ay biglang bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Shit.

Bubuksan na sana ni Seungkwan ang pinto pero hinawakan ko ang kamay n'ya at pinigilan s'ya.

"Boo, kinakabahan talaga ako. . ."

Isang malaking ngiti ang ibinigay n'ya saakin bago ako hinawakan sa pisngi at hinalikan sa noo. "'Wag ka kabahan, it's gonna be alright. Besides, kasama mo naman ako."

Tumango na lang ako at binuksan n'ya na ang pinto. Tahimik at malinis ang loob ng bahay. Nang magsara ang pinto sa likod ko at tawagin ni Seungkwan ang nanay n'ya ay abot langit na ang kaba ko.

"Ma?" tawag ulit ni Seungkwan sa mas malakas na boses.

"Seungkwan?!" sigaw ng isang medyo may edad na babae at nagmamadaling niyakap si Seungkwan. Nabitawan n'ya ang kamay ko na dahilan kung bakit halos magpanic na ako.

Tinitigan ko ang nanay n'yang kamukhang kamukha n'ya at napalunok na lang ako dahil mukha itong mataray.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka?"

"Ah, surprise sana hehe."

Nalipat ang tingin ng nanay n'ya saakin at naramdaman ko na lang ang sarili ko na halos hindi na huminga.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon