XIX.

45 4 0
                                    

. . .

"Walang magsasalita?" Hansol snapped. Gising na s'ya kaya kumpleto silang lahat sa kwarto kung nasaan s'ya nananatili.

Nang magising s'ya ay si Seungkwan ang una n'yang nakita. Agad s'yang niyakap nito at umiyak. Nang malaman din ng mga kaibigan nilang gising na s'ya ay lahat sila sabay sabay na dumating sa ospital, umiyak sila, niyakap, at pinagalitan si Hansol.

Lahat sila ay sabay sabay dumating maliban kay Seungcheol. Nang hanapin s'ya ni Hansol ay nagpasahan muna sila ng tingin bago tahimik na umupo sa mga pwedeng upuan habang ang iba ay nag-iiwas lang ng tingin.

And right now, Seungcheol is standing right in front of them. Ilang minuto nang walang nagsasalita at damang dama ni Hansol ang tensyon sa paligid.

"I'm sorry." Seungcheol finally broke the silence. Nagpasahan nanaman sila ng tingin, nagsesenyasan kung sino ang sasagot sa sinabi ni Seungcheol.

"Naiintindihan namin hyung," sabi ni Seungkwan at tumayo.

"I'm really sorry for not acting right. Masama lang talaga ang loob ko nun," nakayukong sabi ni Seungcheol. Malamang ay nahihiya s'ya dahil sa inakto nya noong isang araw.

Katahimikan. Wala ulit nagsalita at nagsimula nanaman silang magpasahan ng tingin. Magsasalita na sana si Hansol nang unahan s'ya ni Wonwoo.

"'Wag mo nang isipin 'yon. Lahat naman tayo wala sa tamang pag-iisip nung araw na 'yon," sabi ni Wonwoo at ngumiti.

Isang ngiti rin ang ibinalik ni Seungcheol sa kanya na nagpangiti sa lahat. Gumaan na sa wakas ang hangin.

"Hyuuuuung!" sigaw ni Seokmin habang madramang tumatakbo palapit kay Seungcheol bago itinapon ang sarili n'ya rito.

Nabalot ng tawanan ang paligid na nagpangiti kay Hansol. Maya maya rin ay ipinaliwanag nila sa kanya ang nangyari.

Nang matapos ang pagbubunyi ng lahat ay nagsimula nanaman ang seryosong usapan.

"Hansol, kelan pa 'to?" Maingat na tanong ni Seungcheol.

Dahan-dahang hinawakan ni Seungkwan ang kamay ni Hansol na mukhang walang nakapansin maliban kay Wonwoo na nakatitig sa kamay nilang mahigpit na magkahawak.

"Matagal na 'to, hyung. Bago n'yo pa ako makilala," sabi ni Hansol sa mahinang boses.

Magtatanong na sana ulit si Seungcheol nang mauna nanaman si Wonwoo. "Ikaw, Seungkwan?"

Kahit nagulat ay pinilit ni Seungkwan na sumagot. "Parehas lang kay Hansol, hyung."

"Kelan n'yo pa alam na may pinagdadaanan ang isa't isa?" Maingat ulit na tanong ni Seungcheol.

"Nalaman ko yung kay Hansol noong first day, hyung. Nalaman n'ya ang akin noong unang beses na lumabas kaming dalawa." paliwanag ni Seungkwan.

"Ayaw... ayaw n'yo bang magpatingin sa isang psychiatrist?" Halos bulong na lang na tanong ni Seungcheol.

Nagkatinginan muna si Hansol at Seungkwan bago sabay na tumingin kay Seungcheol at umiling bago yumuko.

"Pero kailangan n'yo 'yon. Andito naman kami para-" Hindi na natuloy ni Seungcheol ang sasabihin n'ya nang hawakan s'ya ni Jeonghan sa balikat.

"Naiintindihan namin. Papayag kaming ayaw n'yong kumita ng doktor pero please lang, pag hindi n'yo na kaya andito kami, okay? Sabihan n'yo kami."

Tumango lang ang dalawa. Akala nila ay tapos na nang magsalita si Seungcheol.

"Mas mainam kung nasa iisang bubong tayong lahat."

Ang labindalawang pares ng mga mata ay natuon sa kanya.

"Seryoso ka, hyung?" Tanong ni Chan.

"Oo. Mas maganda na yung ganun. Mababantayan natin ang isa't isa hindi lang si Seungkwan at Hansol."

Nagpasahan nanaman sila ng tingin, hindi sigurado kung ano ang isasagot sa desisyon ni Seungcheol.

"We all live alone. It wouldn't hurt kung lilipat tayong lahat. Makakatipid pa tayo dahil marami tayong maghahati hati sa bayad ng upa."

"I agree," sabi ni Soonyoung na isa sa mga pinaka matanda at tumayo.

"Let's make a fair vote. Lahat ng sang ayon saamin, taas ang kamay. Lahat ng hindi, lumabas." Kahit na seryoso ang usapan ang hindi nila napigilan ang tumawa. Mahina s'yang sinuntok ni Seungcheol habang natatawa rin.

"Joke lang. Lahat ng sang ayon, taas kamay."

Unang nagtaas ng kamay si Seungcheol na sinundan ni Jeonghan. Sumunod si Jisoo na sinundan ni Seokmin matapos ay si Junhui na sinundan ni Minghao at sunod sunod na sila maliban kay Seungkwan at Hansol kaya ang lahat ay nakatingin sa kanila.

Tinaas ni Seungkwan ang kamay n'ya pero nanatiling hindi gumagalaw si Hansol. Pinisil ni Seungkwan ang kamay n'ya at nagtitigan muna sila na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila bago itinaas ni Hansol ang kamay n'ya dahilan para ngumiti ang lahat.

So, it's settled. Lahat sila ay maglilipat bahay.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now