XXVII.

48 2 0
                                    

. . .

Halos mahulog sa kama si Hansol dahil sa gulat nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang kwarto. Niluwa nito si Seungkwan.

"What are you doing?" mahinang tanong ni Hansol.

It's almost midnight pero narito si Seungkwan sa kwarto n'ya na nakabihis pang alis. Sinenyasan lang s'ya nito na 'wag maingay at umupo rin sa kama, sa tabi ni Hansol.

"Sol, magbihis ka dali!"

"Bakit? Tsaka bakit ka ba nakabihis?" Hansol asked with furrowed brows. Kung ano ano nanaman kasi ang trip nito ni Seungkwan.

"Basta! May pupuntahan tayo!" nagmamadaling sabi nito bago pinagpilitan na patayuin si Hansol at pagbihisin. Nang matapos na nga itong magbihis ay tinanong nanaman n'ya kung saan ba sila pupunta nang ganitong oras.

"Sa lugar kung saan ikaw at ako lang ang nakakaalam," Seungkwan said before smiling sweetly at Hansol.

Kahit nagtataka sa trip ni Seungkwan ay napangiti na lang din s'ya dahil sa sinabi nito.

Hinawakan ni Seungkwan ang kamay ni Hansol at sabay silang dahan-dahang lumabas ng kwarto at tumingin sa paligid bago lumabas ng unit.

Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa buong apartment complex at tulog na ang lahat dahil malamang ay may klase sila bukas dahilan para mag-ingat si Hansol at Seungkwan mula sa paggawa ng kahit na anong ingay.

Dahil na rin sa kadahilanang ayaw nilang mahuli ni Seungcheol dahil tiyak ay mananagot sila.

Papalabas na sana sila ng pinto nang bigla silang may marinig na malalim na boses na dahilan kung bakit parehas silang nagulat.

"Saan kayo pupunta?" Wonwoo asked.

"Jusko naman, hyung! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo, e!" pabulong na sigaw ni Seungkwan habang nakahawak sa dibdib nito.

"'Wag mo nga ako ma-jusko jusko d'yan, Seungkwan," sabi ni Wonwoo at kunwaring papaluin ito ng tsinelas.

"Saan nga kayo pupunta? Hatinggabi na." Muli nitong tanong.

"D'yan lang sa tabi-tabi," sabi ni Seungkwan.

"O, sige. Du'n na rin kayo matulog sa 'tabi-tabi' na pupuntahan n'yo, 'wag na kayo umuwi rito."

"Joke lang! Ito naman si hyung 'di na mabiro," pagbawi ni Seungkwan sa sinabi n'ya.

Kahit na nahuli at mapapagalitan na sila ay hindi pa rin mapigilan ni Hansol ang matawa dahil sa nakikita at naririnig n'ya sa usapang nagaganap sa harapan n'ya.

"Magpapahangin lang, hyung."

Nagkatinginan si Hansol at Seungkwan. Alam nilang hindi maniniwala si Wonwoo pero bahala na.

"Ingat." maikling sagot nito bago tumalikod at naglakad papunta sa unit ni Seungkwan at Mingyu.

"Teka, hyung! Sa'n ka pupunta?"

"Sa kwarto ni Mingyu. Tabi kami, bakit?"

Hindi na sumagot ang dalawa at umalis na lang matapos ma-lock ang bahay na may ngiti sa mga labi. Akalain n'yo 'yon? Tatabi si Wonwoo kay Mingyu.

Hawak kamay na naglalakad ang dalawa. Kung ano-ano na ang usapan nila, madalas walang sense pero masaya sila.

Nang makarating sila sa University na pinapasukan nila ay binati lang sila ng guard bago pinapasok. Akala siguro nito ay nandoon silang dalawa para sa school purposes.

Dumiretso sila sa tambayan at sa lugar kung saan sila lang ang nakakaalam.

Si Seungkwan ang bumukas ng pinto papunta roon at napakalamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanila. Hawak kamay pa rin silang lumabas papunta sa grass fields at sabay na umupo.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now