XXI.

47 4 0
                                    

Hansol.

Maaga akong nagising kaya bumaba muna ako at umupo sa sala. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang araw na sumisikat. How fascinating.

Tumayo ako at lumabas. Maglalakad lakad muna ako.

Malamig ang simoy ng hangin at konti pa lang ang mga tao na makikita sa daan. Maganda rito. Mukhang malinis at ligtas. Hindi rin kalayuan sa university namin.

Habang naglalakad ay hindi ko na naiwasan ang paglipad ng isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko no'ng araw na ginawa ko iyon. Basta ang alam ko lang nu'n, pagod na ako. Hindi ko naman alam na magiging gano'n ang epekto nu'n sa mga tao sa paligid ko. Akala ko wala silang pake.

I was wrong and I feel bad about it. Masaya akong kasama sila hyung. Kuntento na akong sila ang mga kaibigan at nakakasama ko sa araw araw, pero I didn't appreciate them that much. Hindi ko alam na ganito ang iaasta at mararamdaman nila tungkol sa kalagayan kong matagal kong tinago sa kanila.

I am more than blessed to have them. Lalo na si Seungkwan. I'm actually surprised by the way he affects me. Halos isang araw kaming hindi nag-usap at sobra akong nanibago. Hindi ko alam bakit, siguro dahil nasanay ako sa presensya n'ya?

Ilang minuto pa akong naglakad lakad bago ko naisipang bumalik na.

Nang buksan ko ang pinto ay si Seungkwan ang bumungad saakin. Tahimik s'yang pababa ng hagdan at sinenyasan akong wag maingay nang magtagpo ang mga mata namin.

He would usually greet me good morning first.

Kahit na naguguluhan ay tumango na lang ako. Isinara ko ang pinto sa likuran ko at umupo sa sofa habang pinapanood si Seungkwan na dahan-dahang pumapasok sa unit nina Seungcheol hyung.

Hindi ko na s'ya pinansin at muli na lang tumingin sa labas ng bintana. Nang halos mahimatay ako sa gulat nang bigla na lang umalingawngaw ang boses ni Seungkwan sa buong bahay. Not to mention, he's screaming.

"AYO, LADIEEEEES! THIS IS YOUR STORY! IJE WAKE UP WAKE UP W-WAKE UP! WAKE UP WAKE UP!"

Nanatiling nanlalaki ang mga mata ko sa gulat habang ang palad ko ay nasa dibdib ko. Isa isang lumabas sila hyung sa mga kwarto nila. Ang iba mukhang naiinis habang ang iba ay kalahating tulog pa ang diwa.

Sunod naming nakita ay si Seungkwan na nagmamadaling tumatakbo palabas sa unit na pinasok n'ya ng walang paalam at sumunod naman si Seungcheol hyung na tumatakbo din na hinahabol si Seungkwan habang may dalawang walis.

Kahit lahat kami ay gulat, hindi na namin napigilan ang tumawa ng tumawa.

What a great way to start a day.

----

Sabay sabay kaming pumasok at muntikan pang ma-late. Mabagal kasi gumalaw ang iba saamin.

"Kita kits sa tambayan!" sabi ni Seungcheol hyung bago kami maghiwahiwalay ng building na papasukan. Senior sila, junior kami.

May sinasabi si Seokmin hyung na hindi ko naiintindihan dahil nakatuon ang atensyon ko kay Seungkwan at Mingyu na hanggang ngayon ay hindi mapaghiwalay.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now